ICEVY’S POV Parang sasabog ang bungo ko. Sa bawat segundong lumilipas, pakiramdam ko ay unti-unting luluwag ang turnilyo ng katinuan ko. Gulong-gulo ang isip ko, punong-puno ng mga katanungang walang sapat na sagot, at mga hinalang pilit kong ibinabaon pero pilit ding bumabangon. Hinarap ko ang malaking salamin sa loob ng marangyang banyo. Doon ko nakita ang sarili kong repleksyon, isang babaeng nakasuot ng mamahaling gown pero may mga matang bakas ang pagod at takot. Butil-butil ang pawis sa noo ko kahit pa napakalamig ng aircon. Agad kong pinihit ang gripo. Hinayaan ko ang malamig na tubig na dumaloy sa aking mga palad. Kinuskos ko ang aking mga kamay nang madiin, pilit na inaalis ang pakiramdam na tila ba may malapot na dumi na nakakapit sa balat ko,duming hindi nakikita pero narara

