ICEVY POV. Isang napakahalagang gabi ang naghihintay sa akin ngayon. Isa ako sa mga mapalad na naimbitahan sa Gala Night, kung saan dadalo ang mga tanyag na ambassadress, ambassador, mga CEO, sikat na modelo, pati na rin ang mga kilalang influencers at artista. Hindi ko pa rin lubos maiwasang kabahan at magulat sa imbitasyong ito. Binanggit sa akin ni Jeeson na kailangang-kailangan kong pumunta dahil magiging isang mahalagang karanasan ito para sa aking career. Sina Stacy ang bumili at pumili ng aking kasuotan, isang Exquisite Evening Dress na kulay itim. Talagang kumikinang ang tela nito na lalong nagpalitaw sa puti ng aking balat. Hapit na hapit ang gown sa aking katawan, dahilan para mas lalong kuminang ang aking pigura. Nagpatawag din sila sa hotel ng isang sikat na makeup artist

