CHAPTER NINETEEN - Icevy's Famous Life Has Begun.

1748 Words
ICEVY POV. "Sure ka ba na mag wo-work ka ngayon?" takang tanong ni Tela. "Hmm oo e, tyaka dederetso ako kila Mama kasi kailangan ko na silang ilipat ng matitirhan e" sagot ko sa kanila. "Ano bang sinasabi mo? hindi ka na basta basta pang makakalabas labas Icevy" sambit naman ni Stacy. "Icevy, hindi ka na katulad dati na kapag lalabas ka walang pakialam ang mga tao sa'yo. Alam mo naman na may pangalan ka na ngayon, baka bigla kang pagkagulohan d'yan sa labas o 'di kaya sa labas ng thankmelater" pag aalalang saad din Tela. "e namimiss ko na din kasi doon tyaka pinayagan naman ako ni Jeeson mag work e para may extra income pa din ako" usal ko. "Hoy! matakaw ka na masyado sa pera ha. Tigil tigilan mo 'yan" pagbibiro ni Tela kaya naman napabusangot na ako. "Gusto ko kasi na gamitin ang sarili kong pera para sa pamilya ko" bahagya pa akong umupo sa sofa. "May pera ka naman na puwedeng gamitin, 'yung mga bigay ni sir Jeeson" ani Stacy. "Hindi ko naman pera 'yon e. Sa kaniya iyon tyaka babayaran ko din naman siya" malungkot kong sambit. "Ha? Hindi naman nagpapabayad si sir Jeeson Icevy sadyang gusto ka lang niya tulongan. Tyaka may sarili ka na din namang pera 'di ba?" sagot niya. "Tama siya Icevy. Pera mo na 'yon kasi binigay naman sa'yo e. 'yung sarili mong pera ipunin mo na lang iyon tapos ang igastos mo na para sa magulang mo e 'yung binigay ni Jeeson" sabat naman ni Tela. "Ah basta, ayoko pa din. Sige na payagan niyo na ako magwork tyaka pera ko naman gagamitin ko e" naka ni pout pang sambit ko sa kanila. Nagkatinginan pa silang dalawa at bumuntong hininga. "Okay sige, pero hihintayin ka pa din namin sa harap ng thankmelater at isasama mo sa loob ang mga personal security mo" ani Stacy. "Hindi naman ako gano'n kasikat, huwag na" pagtatanggi ko sa kanila. Ayoko naman isipin na kilala na ako ngayon at hindi ko pa ito inilalagay sa aking dugo. Tingin ko pa din sa aking sarili ay isang normal na tao, nagtratrabaho sa kompanya ng patas. Umabot na din ata ng dalawang linggo na hindi kami nagkita ni Mica dahil na din sa halos hindi na ako makapasok sa pagiging call center ko. Malaki din kasi ang sahod namin dito kaya nasasayangan din ako. Higit sa lahat naumpisahan ko na, minahal ko na ang trabaho kong iyon kaya hirap na akong i let go. Gusto ko din na makausap si Mica tungkol sa inasal niya sa akin no'ng huling nagkita kami. Nagugulohan pa din ako kung bakit siya gano'n. Nasa isip ko na baka may problema lang siya at kailangan niya ng karamay. "Tignan mo Icevy oh?!" malakas ang boses ni Stacy. Tinignan ko siya at hawak niya ang phone niya at may pinapakita ito mula rito. "Sobrang daming likes, andami ding mga good comments!" dagdag pa niya, kinikilig pa. Naki silip na din si Tela na nagulat din kaya naman lumapit ako at tinignan ang tinutukoy niya. Ang photoshoot ko sa Fashion na pag aari ni Jeeson. Humigit ito ng 500k likes sa page ni Jeeson. Umabot din ng 30k shares and 113k comments. "Grabe! pasabog ka!" ani naman ni Tela na tila namamangha at naaangasan sa akin. Ngumiti ako sa kanila at binabasa ang ilang komento ng netizens. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon ngunit sobrang saya ng aking puso. Lalo akong na touch ng may mga comment na gusto din daw maging katulad sa akin. Ang iba nagtatanong kung retoke ba ang aking mukha at katawan. Nagtatanong pa ang iba kung saan ako galing na ikinatawa ko. Nanginig pa ang aking mga kamay dahil sa sobrang gulat ko dahil sa dami ng sumusuporta sa akin at gusto na akong makita sa personal. Habang ang iba ay nagre request pa ng pa concert daw. "Gusto nila mag concert ka daw, artista yarn?" pagbibiro ni Tela. Tumawa naman ako sa kaniyang isinaad. "Pero kung mabigyan ka ng concert? papayag ka ba? I mean mag pe perform ka?" sambit naman ni Stacy. "Siyempre, new experience kaya 'yon" ani ko naman sa kaniya. Ngumiti silang parang na p-proud sa sinabi ko. Sino ba naman ang aayaw lalo na't kung andito na ang iba pang mga opportunities 'di ba?. Matapos naming magbasa ng mga comments ay nagbihis na ako, pinasuot nila ako ng pink na fitted dress na merong pink din na rose sa leeg habang may tela pa na inilalagay sa braso na naka kabit sa likod ng dress. Noong una ay hindi pa ako pumayag ngunit ayaw na nila ako pasuotin ng mga dati kong suot magmula nang nagumpisa ako sa mga photoshoot. Tinulongan nila akong i curl ang maliit na buhok na iniwan nila sa aking harapan ng mukha tyaka nila ipinusod paitaas ang aking natirang buhok sa likod. Pinasuot din ako ng white na heels at ibang simpleng accessories na para bang may event akong pupuntahan hays. Dumeretso na kami sa thankmelater nang matapos na nila akong ayusan. Nang makarating kami dito ay hindi pa kami tuloyang nakakatapat sa building at puno na ng tao sa entrance. "Bakit andaming tao?" Takang tanong ko sa kanila. Nagulat na lamang ako ng sumilip ako sa sasakyan ay nakita ko ang mga litrato ko na iwinawagayway ng mga tao. Habang rinig na rinig naman mula rito sa loob ng kotse ang kanilang mga hiyawan. Nasa entrance na din ang mga ibang empleyado na nakiki tanaw na din sa labas. Nanginig ang aking katawan at tumayo ang aking mga balahibo dahil sa hindi ko maintindihang pakiramdam. Kinakabahan. Nasisiyahan. Naiiyak. Tila nagkaroon ako ng hiya at pag alinlangan na bumaba. "A-Ayokong bumaba" wala sa sariling sambit ko. Nanginginig pa. Pakiramdam ko ay parang ma ju-judge ang aking buong pagkatao kapag ka bumaba ako. "Andito na tayo Icevy, be nice na lang sa mga fans mo. Ito na din ang umpisa ng famous life mo" sambit ni Stacy habang naka tingin sa mga tao. "Hindi aalis ang mga 'yan hangga't hindi ka din nakikita, lalong mahihirapan ang mga body guard d'yan" ani Tela. Nag alala tuloy ako dahil sa mga taong nagsisiksikan dito at nahihirapan na din ang mga security guard. "Tinext ko na sila Tasyo, hintayin na lang natin sila bago tayo bumaba" dagdag ni Tela at tinutukoy ang mga personal security ko. "Hindi din tayo makakababa agad baka ano pa mangyari sa'yo kapag dinumog ka ng tao" sambit ni Stacy. "Kinakabahan ako, hindi ko alam kung paano ako sa kanila ngingiti. First time ko lang na kilalanin ng mga tao Stacy, Tela tulongan niyo ako." Nanginginig talagang saad ko. "Magandang timing 'to Icevy, at least 'di ba hindi ka na namin i tr-training sa ganito?" si Tela naman ang nagsalita. "Oo nga. Ngingitian mo lang sila tapos mag hi ka, kaway kaway gan'yan. Tulad ng nakikita mo sa TV kung may magazine mo sila na hawak o pirmahan mo. May mga dala naman 'yang pen e" pagtuturo naman ni Stacy. "Normal kabahan Icevy, pero alam ko kaya mo 'yon itago. Be confident!" pagpapalakas niya ng aking loob. Huminga ako ng malalim at malakas ko itong ibinuga. Kaya mo 'yan Icevy, basic lang 'yan ano ka ba! Ang una kong magazine ay inilabas na noong pagkatapos pa lang ng photoshoot ko sa Fashion. Kaya naman hindi na din ako magtataka kung meron na ding hawak ang iba dahil ilang araw na din ang nakalipas matapos mailabas iyon. Dito talaga sa lugar namin o ang siyudad namin na tinatawag na Vegas City ay nangunguna na ang mga modelo sa pagkakaroon ng pangalan dahil na din ito ang madalas na tipuhin ng nakararami. Madali lang sumikat kapag modelo ang iyong napupusuang trabaho ngunit mahirap kung wala kang kapit or kapag hindi ka nadiskobre, hindi ka nagsikap. Karamihan dito ay mga modelo na ginawang artista, vlogger at iba pa. Kaya naman kapag modelo ka asahan mo na lang na magugustohan ka ng marami at mabibigyan ng napaka daming works and opportunities. Maraming mga tao na sumubok sa pagiging modelo ngunit ang iba ay hindi naman nakilala pero patas pa din na nakikipag karera sa buhay. Kaya hindi ko inaasahan na isa ako sa makikilang modelo. Dahil na din kay Jeeson. At alam ko na ang iba sinusuportahan ako dahil sinusuportahan din nila si Jeeson. Literal na malaki ang utang na loob ko sa taong ito. Ilang saglit pa ay bumukas na ang kotse namin at nakita ko na sila Tasyo, nakaabang na sa labas. Sumenyas siya sa akin na lumabas na. Unang paa ko pa lang ang bumungad sa b****a ng pinto ng kotse ay nagsihiyawan na ang mga tao at lumapit na lahat sa gawi namin. Bumuntong hininga ako bago bumaba. Mabuti na lang talaga at sinuotan ako ng maayos nila Tela kung hindi ay mukha akong pulubi nanaman sa pagharap sa mga tao. "ICEVY!!!" Malakas na nagtilian ang mga tao habang nagtatalon talon pa. Ngumiti ako ng pagkakalaki, walang halong ka plastikan purong puro. Kumaway sa unahan, likod, tagiliran, lahat ng bawat kasulok sulokan habang nakatayo sa tabi ng kotse. Ang mga cellphone nila ay nakatutok sa akin, ang iba ay naka video pa na parang nag v-vlog habang ang iba ay may flash pa sa camera ng cellphone. "Hello po, thankyouu po. Hi" usal ko ng nakangiti habang nag fl-flying kiss pa sa kanila at inililibot ang mga mata. Patuloy akong kumakaway hanggang sa nag-umpisa na akong maglakad. Lalong naghiyawan ang lahat. Habang ang apat kong personal security ay hinaharangan ang mga fans upang makadaan ako. Gano'n din ang ginagawa nila Tela at Stacy pinagsasabihan ang mga tao na huwag masyadong lumapit. "ICE! PA PIRMA NAMAN!" usal ng isang babae sa aking gilid. Kahit hirap ay inabot ko pa din ang poster ko at mabilisang pinirmahan. Dahil hindi na kami puwedeng magtagal dito sa labas dahil na din sa nakaabala na kami sa mga nagtratrabaho sa loob ng thankmelater ay tumakbo na ako sa entrance. Tumayo ako dito sa gitna at kumaway nang nakangiti. "Maraming salamat po sa Inyo ng lahat. Kung maaari po sana ay magsiuwi po tayong ligtas. Thank you everyone!" Muli akong kumaway at nagpaalam sa kanilang lahat. Habang masayang masaya ang aking postura. Nang makapasok ako sa loob ay ramdam ko ang mga nanlilisik na mata ng ibang employee dito dahil na din siguro na istorbo sila sa ingay ng mga tao mula sa kanilang trabaho. Nahiya tuloy ako sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD