ICEVY POV.
Nakalipas lang ang ilang araw ay ipinasok na ako sa industriya ng mga modelo ni Jeeson at wala pang isang linggo ang nakalipas ay nag boom na agad ang aking pangalan, larawan at mga video kung saan naganap ang isang photoshoot. Kumalat na ito sa social media maging sa iba't-ibang mga sikat na malls.
Ang malalaking poster at naka standee ko na mukha ay halos naikalat na din. Isa ako sa model ni Jeeson sa iba't-ibang mga products niya at nakasama ko na din ang iba pa niyang matagal ng model. Maging ang pang fashion na damit na likha niya mismo gamit sa mga mamahaling tela at mga bags at bida ako sa pag model nito.
Ngayon ay andito ako sa kama ko magisa at emosyonal dahil sa mga pagod ko napaka sulit ng kapalit. Sa mga pag gym ko ng umaga sa ilang weeks upang maging mas lalong flat ang aking tiyan ay malaking silbi sa photoshoot ko sa mga products ni Jeeson. Nabigyan na din ako ni Jeeson ng black card at andito na lahat ng mga kinikita ko.
Sa maikling araw ay kaya ko ng maitaguyod ang sarili ko.
Pinagmamasdan ko lang ang black card hawak hawak ko ito habang yakap ang aking mga tuhod.
"Grabe Icevy, may sarili ka ng pera para sa mga magulang mo" lumuluhang kinakausap ko ang aking sarili. Mga luha ng aking kasiyahan.
Iniisip ko ang mga pinagpupuyatan at pinaghihirapan ko. Malaki ang utang na loob ko kay Jeeson at bawat naitutulong at naibibigay niya ay hindi ko nakakalimutan. Lahat ay babayaran at susuklian ko dahil sa mga itinutulong niya ngayon. Wala ako dito kung hindi dahil sa kaniya, mas mabuti na suklian ko din siya at pagbutihin ang trabaho ko. Kung malaki ang kita ko ay malaki din ang kita niya kaya kami laging nagtutulongan at nagiging isa.
Tinuturoan na din ako ng noong nakaraan na mag maneho ng kotse at hindi pa ako gano'n kagaling kaya naman ipagpapatuloy pa ang training namin tungkol dito. Nasasanay na din ako pumasok sa iba't-ibang mga mamahaling restaurant at kahit pa sa mga Chinese Restaurant.
Sa heels naman ay parang bihasa na din akong gumamit at kada alis ko ay naka heels pa din ako. Bumili ako ng mga sarili kong gamit katulad ng laptop, iPad at isa pang cellphone dahil na din sa pag e-edit ko ng iba kong video pang upload sa social media.
Iniangat ko ang aking mukha ng maalala ko na lang bigla si Wynn. Nilibot ko ang aking mga mata sa aking pader. Pinagmasdan ko ang lahat ng litrato ni Wynn at ngumiti ngunit pinahid ko na muna ang aking luha bago ako tumayo at tuloyang isa-isang pinuntahan ng malapitan ang mga picture niya.
"I can't wait to see you Wynn. Pipilitin kong sapat na sa akin ang makita ka lang sa personal... kahit.. kahit hindi na tayo mag s*x" hinahaplos ko pa ang larawan niya na para bang andito lang siya. "Isa ka sa nagbibigay sa akin ng lakas para gawin ang mga bagay na 'to, ito lang ang paraan para mapantayan kita at maka sama ka kahit sa iisang photoshoot lang" pilit na ngumiti ako, nagpipigil ng mga luha.
"Alam ko naman na hindi mo ako magugustohan agad pero gagawin ko pa din lahat para maging akin ka. Kaso nag asawa ka na agad tsk! ako nga ang nauna sa kaniya e! hindi ka pa nga no'n sikat no'ng nakita kita sa isang magazine" nakabusangot kong sambit. "Pero hindi ako papayag Wynn. What's mine is MINE" pagdidiin ko sa kaniya.
"Naalala ko tuloy noong hindi ka pa gaanong sikat, pinaka unang nakita kita sa magazine. Noong 2010 at nasa 15 years old lang ako" wala sa sariling sambit ko habang nakangiting inaalala ang lahat.
*FLASHBACK*
7 years ago
High school day (Junior High School) - Year 2010-2011
Nagtatakbuhan ang aking mga kaklase na tila mga kinikilig at nagtitilian pa. Kaya naman dahil sa kuryusidad ay nakitakbo ako sa kanila.
"Anong meron?" takang tanong ko sa kaklase kong si Sheila habang tumatakbo din.
"May bagong labas na libro ulit ng paborito naming writer!" kinikilig na usal ni Sheila.
"Tara, sumama ka sa amin. Sa mall kami pupunta" sabat naman ni Natalia.
Kahit pa alam kong papagalitan ako ni Mama kapag nalaman niya ito ay talagang sumama pa din ako sa kanila hindi dahil sa interesado ako sa writer na sinasabi nila kundi para makapunta din sa mall at kahit papaano ay maka pasyal.
Hindi lang kami ang mga batang tumatakbo patungo sa mall kundi marami pa sa harapan at sa likuran namin. Hindi alintana ang palda naming uniform, maduming kuwelyo,nakalaylay na necktie at mga gurang na buhok, hindi hadlang ang mga ito sa aming pagtakbo.
Sobrang sikat siguro ng writer na 'to dahil kinaaaliwan ng lahat ngunit ako na tamad magbasa ay hindi ako naakit ng kahit anong libro kahit pa mga comic books. Ang madalas ko lang ginagawa ay matulog sa klase dahil tinatamad making sa mga teacher na pumapasok.
Palagi lang din akong nasa court kahit oras ng klase, nanonood ng mga naglalaro ng basketball.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa maliit lang na mall at dumeretso sila sa School Supplies & National Book Store at heto ako, nakasunod pa din sa kanila. Habang abala sila sa pagtingin sa librong sinasabi nila ay napunta ako sa mga cosmetics.
Namamangha ko itong tinignan hanggang sa may nakita akong kulay pink na shade ng isang lipstick na ipinapahid sa labi. Nilingon ko na muna ang naka talikod na sales lady, nang makita kong abala ito ay biglang pinulot ko ang lipstick at ipinahid sa aking labi.
Ngumiti ngiti pa ako sa isang salamin na nasa aking harapan at nag awra awra doon. Nang nagsawa ako ay pinuntahan ko o na ang mga kasama ko. Puno pa ang pila sa counter dahil nga sa mga istudyante na bumili ng libro
Sinilip ko na muna sila at ng nakita ko na nagbabasa sila ay lumapit na ako. Tiningnan ko ang librong hawak nila at hinahanap ang kapareho nito. Dumampot ako ng isa at tinignan ang cover niya.
"Kisses Before She Kills, ang writer.. si day-an?" takang tanong ko. "Ang kapal naman nito, hindi ba kayo tinatamad basahin ang librong 'to?" dagdag ko pa.
Umiling lang sila dahil sa abala sila magbasa. Muli kong ibinalik ang libro at bumuntong hininga dahil sa sobrang boring dito.
Laking gulat ko ng makita ang isang sign na 'bawal buklatin at basahin kapag hindi bibilhin'.
"Hoy! bawal daw buksan kapag hindi niyo bibilhin. Siraulo kayo kung makatakbo kayo wala naman pala kayong pera pambili d'yan" sambit ko sa kanila.
"Huwag ka maingay" mahinang saway sa akin ni Sheila.
Talagang enenjoy na nila ang pagbabasa.
Napunta ang paningin ko sa isang magazine. Nakita ko ang isang lalaki dito. Napaka guwapo, malaki ang katawan, masarap, matangkad, andaming abs, at moreno. Inagaw nito ang aking atensyon at nilapitan ito at tinignan.
"Wow, napaka angas niya" wala sa sariling sambit ko.
Maski ang kaniyang pagngiti at ang kaniyang mga mata ay tila nangungusap. Napatulala ako sa taong ito. Kumabog ang aking dibdib, nakaramdam ng kilig. Naghanap pa ako ng ibang magazine nagbabakasakaling makita ko pa ang iba niyang litrato ngunit wala na, ito lang ang meron sila.
Lumapit ako kila Sheila habang hawak ang magazine.
"K-Kilala niyo ba siya?" tanong ko sa kanila.
Nilingon naman nila ako at ang hawak kong magazine.
"Ah, bagong model 'yan ng fashion" usal ni Sheila. "Nakita ko lang 'yan sa epbi" dagdag pa niya.
"Ah oo nga! siya si Wynn Porter Huxley 23 years old, nakita ko lang din sa TV na interview na 'yan dati sa sa isang show pero matagal na rin 'yon e." sambit din ni Natalia. "Ang pogi 'no?" dagdag pa niya habang naka ngiti.
"Wynn Porter Huxley..." pag uulit ko sa sinabi niyang pangalan habang tumatango tango.
Bumalik sila sa pagbabasa at ako naman ay napa kagat labi habang hawak ang magazine kahit pa pigilan kong mangiti ay hindi ko kaya.
"Grabe, 23 years old ka na pala binata ka na. 15 years old pa lang kasi ako e" pagkakausap ko sa magazine.
"Andito nanaman kayo?! Ilang beses ko ng sinabing 'wag na kayong babalik kung hindi kayo bibili 'di ba?!"
Napatalon ako sa isang sigaw mula sa aming gilid at nakita ang sales lady na galit na galit habang nakatingin siya kila Sheila. Mabilis na tumakbo sila kaya naman natatarantang tumakbo na lang din ako.
Sobrang bilis ng kabog ng aking dibdib, kinakabahan na baka mahuli kami at ikulong. Ngunit patuloy pa din kami sa aming pagtakbo habang ang sales lady ay nagtawag na ng guard.
Dere deretso lang kami sa pagtakbo hanggang sa bigla na lang nadapa si Natalia. Kaya naman agad namin siyang hinila na lang bigla dahil baka maabotan kami. Lumingon kami sa aming likuran at nakita ang dalawang guard kaya naman mas binilisan namin ang aming pagtakbo.
"Bilis! Antang4 tang4 mo naman kasi e!" natatarantang usal ko dahil pipilay-pilay na siya.
"Aray! ansakit nga kasi" pagrereklamo niya naman.
Lumiko kami sa isang iskinita at nagtago sa malalaking itim na drum at hinawakan ang aming bibig upang hindi kami marinig.
Nang makita namin na umalis na ang mga guard ay malalakas kaming napabuntong hininga. Malakas ko silang binatukan.
"Ang lakas ng loob niyong magbasa doon, wala naman pala kayong pera!" panenermon ko sa kanila at bigla naman silang sumimangot.
"Ikaw nga nagnakaw ng magazine e" lakas loob na sambit ni Sheila.
"Anong-" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng dahan dahan kong tinignan ang aking kamay.
Bitbit ko nga ang magazine!
Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ito. Nadala ko pala ito dahil sa nataranta at naidala ko hawak ko hanggang dito.
"Hindi ko sinasadya 'yang kunin! nataranta lang ako kaya ko 'yan naitakbo" kinakabahan ko ding usal.
"Buti na lang hindi tayo nahuli.. ang sakit ng tuhod ko" saad ni Natalia.
"A-Anong gagawin ko? ayokong idikit nila 'yung mukha ko tapos sasabihin magnanakaw ako" naiiyak kong usal.
"Hindi mo naman sinasadya e, 'di ba?" ani Natalia.
"Sinadya niya 'yon hawak niya nga e oh?" nakangusong usal ni Sheila.
Kinuha ko ang magazine at hinampas sa kaniyang ulo.
"Hmm! sabing hindi ko 'yon sinasadya e!" inis kong sigaw.
Bigla na lang itong umiyak ngunit lalo pa akong nainis at inirapan lang siya.
"Hala ka Icevy! umiyak na" sambit ni Natalia, hinahagod pa niya ang likod ni Sheila
"Siya naman nauna e! 'di ko naman 'to ninakaw e!" pagmamatigas ko.
Hanggang sa nagkabati din naman kami at sabay sabay na umuwi ngunit dala ko pa din ang magazine ni Wynn. Naisipan ko kasi na guntingin 'to tapos idikit sa bahay namin at ilagay sa diary ko pati sa mga notebook ko.
*END OF FLASHBACK*