"J-JARED?" Sabi ni Sam nang makita kung sino ang bumaba ng sasakyan sa tapat ng bahay nila. "A-anong ginagawa mo rito at paano mo nalaman kung na saan ang lugar namin?" Sabi niya.
Sa halip na sumagot sa kanya ay may kinuha ito sa backseat ng sasakyan nito. Dalawang plastic bag na sa tingin niya ay grocery items ang laman at isang basket na puno ng prutas ang dala nito.
"What the hell?" Hindi niya napigilang komento. Ano na naman kaya ang nakain nito ngayon?
Binalingan siya ng kanyang ina. "Sino siya Sam?" Takang tanong nito sa kanya.
"Magandang gabi po. Pasensya na sa abala. Bago po ako makapag pakilala ng pormal ay pwede po ba akong makapasok? Medyo mabigat kasi itong dala ko. Pasensya na ho." Magalang na sabi ni Jared. Pero hindi kumilos si Sam. Shock pa rin siya sa pagdating ng binata.
Nang mapansin naman ng mama nya na hindi pa rin siya gumalaw ay ito na ang nag bukas ng gate para kay Jared.
"Halika, pumasok ka na." Sabi ng mama niya ng mabuksan nito ang gate.
Nang makapasok si Jared ay agad na binaba nito ang mga dala nito. Inayos ang sarili at humarap sa mama niya. "Magandang gabi po. Pasensya na po talaga kayo. Mabigat talaga iyong dala ko kanina." Paghingi ng paumanhin nito sa mama niya.
"Sino ba kasi ang nag sabi sayo na magdala ka niyan dito? At pano mo nalaman ang lugar namin?" Tanong muli ni Sam kay Jared.
"I asked Jessica." Simpleng sagot nito.
"Pagbalik ko sa Maynila ay itatakwil ko na si Jessica." Sabi niya.
"Huwag kang magalit sa kanya. Ako ang nagpumilit kay Jessica na sabihin kung saan ang probinsya mo." Sabi nito sa kanya.
Humalukipkip siya. "So ano nga ang ginagawa mo rito?" Taas kilay na tanong niya rito.
"Hindi ba obvious? Na-miss ko ang girlfriend ko kaya nandito ako." Parang wala lang na sabi nito. Minsan talaga gusto niyang kutusan ang lalaking ito.
"G-girlfriend? May nobyo kana pala Sam?" Gulat na tanong ng kanyang mama.
Sasagot na sana siya ngunit naunahan siya ni Jared.
"Pasensya na po at hindi ako nakapag papakilala agad." Inilahad nito ang kamay sa harap ng mama niya. "Ako nga po pala ang boyfriend ni Sam, Jared Del Fuego po." Sabi nito na parang nangungumpanya ang tono.
"Del Fuego?" Napalingon silang lahat ng magsalita ang kanyang amain sa likod nila. Naroon pa pala ito.
"Oho." Sagot ni Jared dito.
"Related ka ba kay Fernando Del Fuego ng Del Fuego Medical Hospital?" Tanong muli ng amain niya.
Hindi naman agad nakasagot si Jared. Wari ay kinikilala nito ang amain niya. "Tatay ko po siya." Maya maya ay sagot ni Jared.
Tumawa naman ng malakas ang amain niya at hinarap siya. "Boyfriend mo siya?" Sabay turo nito kay Jared. "Alam mo ba kung sino ang tatay niya? Wala ka talagang alam." Umiling iling pa ito.
"Kilala nyo ho ang tatay ko?" Takang tanong ni Jared dito.
"Hindi lang kilala. Malaki din ang atraso niya sa akin. I wonder kung ano ang magiging reaksyon niya pag nalaman niya ang relasyon niyo ni Sam. Excited na ako." Sabi nito at bumaling sa mama niya. "Bigyan mo nga ako ng pera para makaalis na ako naaalibadbaran ako sa inyo." Agad naman dumukot ng pera sa bulsa ang mama ni Sam at ibinigay sa amain niya. Pagkatanggap nito ng pera ay pasipol sipol pa itong lumabas ng gate.
"Ma, anong ibig sabihin ni tsong?" Tanong niya sa kanyang mama.
"Wala iyon anak. Tara sa loob at ng makapagpahinga itong bisita mo." Sabi ng mama niya at nauna ng pumasok sa loob ng bahay.
Siya naman ay akmang aayain na rin si Jared papasok ngunit nakita niya itong nakatanaw lang sa papalayong bulto ng amain niya.
"Jared." Tawag niya ng pansin dito.
"I think I'd seen him somewhere." Sabi naman nito.
"Saan mo siya nakita?"
Nilingon siya ng binata. "Sa office ni papa dati nong bata pa ako. Pero hindi ako sigurado." Ibinalik nito ang tingin sa amain niya. Mukhang may alam din itong hindi niya alam.
"Bakit naman naroon si tsong?" Takang tanong niya.
"Hindi ko rin alam." Sabi nito. Napalingon sila ng tawagin muli sila ng mama niya.
"Sam, Jared halina kayo at ng makapagpahinga na kayong dalawa."
Bumuntong hininga naman si Jared at hinawakan ang kamay niya. "Tara na, pumasok na tayo." Siya naman ay bumitaw rito upang bibitin ang basket ng prutas. "Ako na dyan." Pigil ni Jared sa kanya.
"Ako na dito. Mahihirapan ka lang magbuhat. Ewan ko ba naman kasi sayo kung bakit ang dami mong dala."
"Gusto ko kasing magpa empress sa mama mo. Ganito ang mga na mamanhikan." Kumindat pala talaga ang hudyo.
"Anong namamanhikan? Ano tayo magpapakasal?" Tanong niya rito.
"Doon din naman ang punta natin hindi ba?" Balik na tanong nito sa kanya.
Umiling iling siya. "Nababaliw ka na."
"Baliw na baliw sayo." Hindi na napigilan ni Sam ang ngiti. Iba talaga magpakilig ang isang Jared Del Fuego.
-----
"MA, ano bang ibig sabihin ni tsong kagabi?" Tanong ni Samantha habang nagliligpit ng hinigaan nila ng mama niya.
Magkasama kasi silang natulog dahil si Jared ang gumamit ng kwarto niya. Ayaw naman ng mama niya na patulugin si Jared sa sofa nila dahil bisita daw ito sa bahay nila. Wala rin naman ang amain niya dahil ang sabi ng mama niya ay tanghali na ito umuuwi pag nagsusugal ito kaya pumayag na siya na doon matulog. Tutal naman ay na-miss niya din ang kanyang mama.
"Kahit ako anak walang ideya kung ano ang sinasabi ng tsong mo. Ang alam ko lang ay dating doctor si Matias sa ospital na pag mamay-ari ng tatay ni Jared." Sagot naman ng mama niya habang nagtitiklop naman ng kumot.
Natahimik siya. Pinag iisipan niya kung ano ang atraso ng tatay ni Jared sa amain niya? Hindi kaya ito ang nagpatanggal ng lisensya ng amain niya sa pagiging doctor? Pero higit sa lahat bakit ganoon nalang ang naging reaksyon nito ng malaman na magkasintahan sila ni Jared? Ano ba ang alam nito?
Pero kahit naman gusto niyang kausapin ang amain, ay hindi niya magagawa iyon dahil tyak na i-ba-blackmail lang siya nito gaya noon. Lagi kasi nitong sinasabi na alam nito kung ano ang totoong nangyari sa tatay niya. Ngunit pag kukumprontahin na niya ito para malaman ang dahilan ng pagkamatay ng ama niya ay bi-na-blackmail lang siya nito.
Kaya hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung ano ang totoong nangyari sa papa niya. Kung sino ang may pakana ng pagkamatay nito. Kahit ang tito Edwardo niya na ginawa ang lahat para malaman ang dahilan ng pagkamatay ng papa niya ay walang napala. Ang sabi ni Iñigo ay marahil isang makapangyarihang tao ang sangkot sa pagkamatay ng ama niya.
Nawala ang pag iisip niya ng may narinig siyang sumigaw sa kabilang kwarto.
"Si Jared ba yun?" Nakakunot noong tanong ng mama niya. Sabay pa sila ng mama niya na lumabas sa kwarto upang magtungo sa kwarto kung na saan si Jared.
Naabutan nila itong nakatungtong sa upuan ng study table niya at para bang takot na takot.
"Anong nangyari sayo hijo?" Tanong naman ng mama niya.
"M-may i-ipis!" Tinuro pa nito ang kinaroroonan ng ipis at mababakas sa mukha nito ang takot. Ang ipis naman na kitatatakutan ni Jared ay mukhang nag eenjoy pa sa paglalamyerda sa kwarto niya.
Lumapit sa kanya ang kanyang ina. "Patayin mo na ang ipis na iyan, mukhang ano mang oras ay mawawalan na ng malay si Jared sa takot." Bulong nito sa kanya. Impit pa itong natawa. "Maghahanda na muna ako ng almusal natin." Tumalikod na ito at lumabas ng kwarto.
Napabuntong hininga na lang siya. "Ang laki-laki mong tao takot ka sa ipis?"
"They're so creepy. Tsaka nakakadiri sila!" Nakita nitong papalipad na ang naglalamyerdang ipis. "Sam it will fly!" Nagpapanick na sabi pa nito. Natawa na rin siya sa reaction nito. Kung may cellphone lang siyang bitbit ngayon ay tyak na kinuhaan na niya ito ng video. 'Sayang may pang blackmail na sana ako!'
Agad niyang hinubad ang tsinelas na suot niya at pinukpok ng malakas sa kakawang ipis. Pag angat niya sa kanyang tsinelas ay dumikit pa ang ipis doon.
"Problem solve." Sabi niya. "Ayusin mo na ang sarili mo at naghahanda na ng almusal si mama." Lumabas siya ng bahay upang itapon ang ipis. Jared never fails to amuse her, sa kahit anong paraan.
Habang papasok siya ay tatawa tawa niyang inalala ang mukha ni Jared. Kahit sobra na ang takot nito ay nakapaka gwapo pa rin nito.
"Happy?"
Nilingon niya si Jared na nakalabas na rin pala ng kwarto. Hindi maipinta ang mukha nito. "I can believe na si Jared Del Fuego na napaka laking tao at walang inuurungan ay takot sa ipis."
"It's understandable, cockroach is creepy and dirty." Sabi nito. Saka kumapit sa braso niya. "Nahihiya ako sa mama mo."
"Kanina nong umeeksena ka ng dahil sa ipis, hindi mo naiisip yan." Sabi niya. Aakmang papasok siya sa kusina nang hilahin naman siya ni Jared. "Ano ba?"
"Paano kung ma-turn off na sa akin ang mama mo? Tapos hadlangan na niya ang pag iibigan natin?"
Hinarap niya to "At saan mo naman napanood yan?" Umiling iling siya. "Malala ka na talaga."
"Pero kasi-" Hindi na nito naituloy ang sinasabi nito ng samaan niya ito ng tingin.
"No but, ang galit ako ang intindihin mo." Sabi niya rito at nag tuloy tuloy sa kusina. Pinasasakit talaga ni Jared ang ulo niya.
"O, kamusta na ang ipis ay este si Jared?" Tanong ng mama niya habang nagluluto.
"Okay na, nahihiya lang sayo." Sabi niya at kinuha ang mga pinggan upang ayusin sa lamesa.
"Wala naman siyang dapat ikahiya. Madalas talaga ang mga mayayaman ay takot sa ipis."
"Ahmm." Napalingon sila ng makarinig ng tikhim. Si Jared na pala iyon. "Good morning po tita Sabina."
Nariyan kana pala Jared. Halika na at maupo. Maghahain na ako para makapag almusal tayo." Yaya ng mama niya kay Jared.
Tahimik na umupo naman ito sa tabi niya. Sinandukan niya ito ng pagkain. Kahit nagpakitang gilas ito sa takot nito sa ipis ay kailangan pa din niyang pag silbihan ito dahil bisita niya ang binata.
"Nga pala Sam. Ipasyal mo rito lugar natin si Jared. Ngayon lang siya nakapunta rito." Mungkahe ng mama niya. Saka binalingan si Jared. "Marami naman mapapasyalan dito Jared. Kaso hindi katulad sa Maynila. Pagtyagaan mo na lang."
"Mukhang maganda nga po rito." Sagot naman ni Jared.
"Nga pala. Kailan pa kayo magkasintahan ni Sam? Hindi kasi naikwento ni Sam na may nobyo na pala siya."
Nilingon naman siya ni Jared. Pero agad din sinagot tanong ng mama niya. " Last month lang ho, sa katunayan po kaya nandito po ako para mag celebrate ng monthsary namin." Hinawakan siya nito sa kamay ay kinindatan.
Mukhang may binabalak nanaman ito.