"BAKIT ba tayo gumamit pa ng sasakyan? Kaya naman lakarin lang ang pupuntahan natin. Masyado tuloy tayong nakakatawag pansin sa mga kapit bahay." Himutok ni Sam habang nakasakay sa sasakyan ni Jared.
Pagkatapos kasi nilang mananghalian ay niyaya na niya itong mamasyal. Malapit lang naman ang naisip niyang pupuntahan nila kaya hindi niya alam kung bakit pa ito gumamit ng sasakyan. 'Mayayaman talaga.' Sambit niya sa kanyang sarili.
"Hindi naman tayo pupunta sa gusto mo puntahan. May alam akong magandang lugar. Kaya huwag kang mag alala." Kampante pang sabi nito.
"Bakit masmarunong ka pa sa akin?" Tanong niya rito.
"Because I'm a genius." Sabi naman nito at kumindat pa ang walang hiya.
Hindi na siya sumagot pa at mukhang alam na alam naman nito ang pupuntahan nila. Sa totoo lang, kaunti lang ang alam niyang pasyalan sa probinsya nila. Dahil bukod sa saglit lang siyang nanirahan rito ay hindi rin siya naglalalabas. Madalas kasi ay may pasa siya sa braso kaya mas pinili na lang niyang manatili sa loob ng bahay.
Itinoon niya ang tingin sa dinaraanan nila. Hindi siya pamilyar doon. Ngayon lang siya nakadaan doon. Maganda at maaliwalas ang lugar na iyon. Mukhang farm iyon. Paano kaya nalaman ni Jared ang lugar na iyon.
Maya maya ay hinila na ng antok ang mga mata niya. Hindi niya alam kung ilang minuto o oras siyang nakatulog. Basta pag mulat niya ng mata ay mukha agad ni Jared ang nakita niya. Mataman lang siyang tinitingnan ng binata na wari ba ay pinag aaralan nito ang bawat parte ng mukha niya.
Nakaramdam siya ng pagkailang kaya umayos siya ng upo. "Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong niya rito.
"You look so peaceful while sleeping. Tsaka ang ganda mong pagmasdan kaya hindi na muna kita ginising." Namula naman siya sa sinabi nito.
Sa halip na sumagot dito ay ipinalibot niya na lang ang tingin sa labas ng sasakyan. "Nasa sunflower farm tayo?" Takang tanong niya rito.
"Yeah, c'mon lets go outside." Yaya nito sa kanya saka bumaba ng sasakyan. Siya naman ay sumunod dito.
"Hindi ko alam na may ganitong lugar dito." Manghang sabi niya. "Paano mo nalaman ang lugar na ito?"
"Habang nagdadrive ako kagabi papunta sa inyo ay tinawagan ko si Zion kung pwede ba nating puntahan ang flower farm niya."
"Zion?" Tanong niya rito.
"He's one of my childhood friends. Pinsan iyon ni Dylan. He's managing their family business. Pero ito ang hobby niya." Sagot nito sa kanya.
"Mahilig siya sa mga bulaklak? Bakla ba siya?" Takang tanong niya rito. Minsan kasi ay wala siyang nabalitan o narinig na may lalaking mahilig sa bulaklak.
Natawa naman si Jared. "I don't think masasabi mo yan pag nakita mo siya." Hinawakan siya nito sa kamay. "C'mon, may hinanda ako para sayo." Hinila siya nito papunta sa gitna ng farm na iyon.
Pagdating nila sa gitna ay mag nakahanda ng pagkain doon. Na para bang magpi picnic silang dalawa.
"Paano mo naihanda ito?" Manghang tanong niya rito.
"I have my ways." Iginiya siya nito paupo. At isa isang binuksan ang mga basket na naroon. Lahat ng pagkain na nakikita niya ay paborito niya. "Sakto ang labas natin hindi na gaanong mainit."
"Wow!" Manghang sabi niya. "Paano mo naisip ang mga ito?"
"I told you I have my ways. By the way." May kinuha ito sa bulsa nito. Isang box iyon. "Happy first monthsary." Nakangiting sabi nito at inabot ang hawak nitong box sa kanya.
"W-what is this?" Takang tanong niya.
"Just open it." Sabi nito habang nakatingin sa kanya.
At ng buksan niya iyon at tumabad sa kanya ang isang singsing. May bato ito na kulay pula sa gitna pero hindi nakaumbok.
"It is an iridium ring. Yung nasa gitna nyan is a red diamond. It was the rarest diamond. Nahirapan si Zion maghanap niyan." Sabi nito habang sinusuot sa kanya ang sing sing.
"Diamond?" Kinuha niya ang kamay. "Jared hindi ko matatanggap yan. Napakamahal niyan para sa akin."
Hinawakan lang nito ang kamay niya at isinuot muli ang singsing. "I want the best for you Sam. That's how I love you." Dinampian siya nito ng halik. Agad niyang tinugon ang halik nito. Ni minsan sa buhay niya ay hindi siya naging ganito kasaya. At si Jared lang ang nagparadam ng ganoon sa kanya. Ipinulupot niya ang kamay sa batok nito upang mas lumalim pa ang halik nila ng may tumikhin sa gilid nila.
"Ehem."
Sabay silang napalingon ni Jared. At napa nga nga naman siya sa lalaking umistorbo sa kanila dahil napakagwapo nito. Pero sa hindi malamang dahilan ay mas nakalalamang ang kagwapuhan ni Jared sa paningin.
"Zion." Bati ni Jared sa lalaki. Binalingan siya ni Jared. "Sam, this is Zion. Zion, this is Sam my girlfriend." Pagpapakilala ni Jared kay Zion sa kanya.
'So ito pala ang Zion na may ari ng farm na ito.' Tama si Jared. Hindi mo maipagkakamali na bakla ito.
Tinanguan lang siya ng binata. Saka bumaling kay Jared.
"I'm sorry to disturb you two but Dylan called me. Papunta na daw rito ang daddy mo." Sabi ng tinawag na Zion.
"W-what? Paano niya nalaman na nandito ako?" Nagtatakang tanong ni Jared dito.
"I don't know man. Pero sa tingin ko ay susunduin ka niya dito." Sagot naman ni nito kay Jared.
True enough dahil ilang saglit lang ay may dumating na tatlong sasakyan at umibis doon ang isang lalaki na may katandaan na ngunit mahahalatang prominente dahil sa tindig nito at malaki ang pagkakahawig nito kay Jared. Kasama nito ang pitong lalaki na naka itim na business suit.
"Daddy." Narinig niyang bulong ni Jared.
"Kaya ba, hindi ka pumasok ngayon dahil gusto mong makipag date sa babaeng ito? Are you out of your mind?" Sabi ng ama ni Jared ng makarating ito sa kinaroroonan nila.
"Don't address her like that dad. May pangalan siya. Her name is S-" Sabi ni Jared pero hindi na nito sa ituloy ang sasabihin dahil muling nagsalita ang daddy nito.
"I don't need to know her, isa lang naman siyang anak ng hampas lupa at alam kong pera lang ang kailangan niya sayo." May pag uuyam na tiningnan siya nito saka bumaling kay Jared. "Nandito ako para sunduin ka." Putol nito sa sasabihin ni Jared.
"Daddy! Hindi siya ganong babae." Humigpit ang hawak ni Jared sa kamay niya.
"I don't care, Jared. You have two options. It's either, sasama ka sa akin ng kusa o dadaanin kita sa dahas. You choose." Sabi ng daddy nito.
Pumagitna si Zion sa mag ama. "Tito I don't think you need to force him. Pag usapan niyo na lang po ito."
"Zion, don't involve yourself here. This is a family matter. Or else gusto mong malaman ng mga magulang mo ang lugar na ito?"
Agad naman na pipilan ang lalaki.
"Dad, hindi ako sasama sayo hindi ko iiwan si Sam dito." Mas hinigpitan pa ni Jared ang hawak sa kamay niya.
"It's okay Jared. Sumama kana. Ayokong masaktan ka pa dahil sa akin." Sabi niya rito. Ayaw niya masaktan pa ang lalaki.
"Pero Sam." Pagtutol ni Jared sa sinabi niya.
"Ako ng bahala kay Sam Jared. Sumama kana kay tito Fernando. You know what your dad can do pag hindi mo siya sinunod." Paalala naman ni Zion kay Jared.
"Magkita tayo sa Manila." Sabi ni Jared at hinalikan ang noo niya. Tumangon naman siya. Bumuntong hininga si Jared at naglakad patungo sa mga tauhan ng tatay nito.
Nang makasakay ang mga ito sa sasakyan ay agad din siya napaluhod. Ngayon lang siya natakot ng ganon. Talaga palang nakakatakot ang tatay ni Jared.
Pero ang tanong ay, paano nalaman nito na naroon si Jared?