NAKAPANGALUMBABA si Samantha habang nakaupo sa isa sa mga bench ng eskwelahan nila. Katatapos lang ng exam niya kaya naubos ang kanyang lakas. Naroon siya upang mag muni-muni muna habang pinag mamasdan lang niya ang mga istudyante na naglalakad.
"Sam!" Napalingon siya ng may tumawag sa kanya. Si jessica pala iyon. "Kamusta ang exam mo?" Tanong nito sa kanya.
"Maayos naman, feeling ko naman makakapasa ako." Maikling pahayag niya at ibinalik ang tingin sa mga nag lalakad na istudyante sa eskwelahan nila.
"Buti ka pa. Samantalang ako parang sumabog yata lahat ng ugat ko sa ulo kanina. Tapos ang dami ko pang hindi nasagutan." Bumuntong hininga pa ito. "Bakit ba hindi niyo man lang ako binigyan ng talino ni George?"
"Matalino ka. Marami ka lang ginagawa dito sa school kaya hindi ka nakapag review. " Hinarap niyang muli ito." Sabi naman kasi namin sayo huwag ka ng mag bida bida at tanggihan mo na ang pagiging student Council President tutal naman 2 years kana sa position na iyon. Pero ginusto mo pa rin, kaya ngayon ay nahihirapan ka." Palatak niya.
"You know me. I can't afford to lose my position." Sabi nito sa kanya.
"Kung makapagsalita ka ay akala mo naman, may napapala ka sa position mo na iyan." Sabi naman niya.
"Meron naman ah. I became famous because of that." Iyon talaga ang dahilan kung bakit hindi nito maiwan iwan ang pagiging student council president nito dahil iniisip nito na pag nawala na rito ang position ay wala na rin ang pagiging sikat nito.
Naaalala niya pa kung pano niya ito nakilala. Si George ang unang naging kaibigan nito. Dahil siya naman ay walang pakialam kung magkaroon ng kaibigan o wala ang importante kasi sa kanya ay ang pag aaral niya.
Nagkataong na iisang private high school lang ang pinasukan nilang tatlo. Siya ay nadamay lang kay Georgina dahil ang tatay nito ang nag babayad ng tuition fee niya ng mga panahon na iyon. Kaya madalas ay sabay silang pumasok at umuwi.
Isang araw habang hinaantay niya si Georgina pauwi ay tin-ext siya nito at sinabing pumunta siya sa backyard ng school.
'Naglalakad siya papunta sa likod ng eskwelahan. Nang marinig niya ang boses ni Georgina.
"Yan lang ba ang kaya niyo? Mahihina pala kayo eh!" Mayabang na sabi nito. Napatakbo siya papunta sa kinaroroonan nito.
Naabutan niya na may tatlong istudyanteng babae na nakasubsob sa lupa sa lugar na iyon. Nakaharap rito si George at sa may likod naman ni George ay isang istudyanteng naka-uniform at nakaupo sa lupa. May mga sugat ito sa mukha at braso pati na rin sa binti.
Nakilala niya ito. Si Jessica. Minsan na niyang nakitang kasama ito ni George. Magkaklase kasi ang mga ito.
Tumalikod si George sa tatlong babae at hinarap si Jessica. "Are you okay?" Tanong ni George kay Jessica. Pero sa halip na sumagot ay umiyak lang ito ng umiyak. Kaya tinulungan nitong tumayo si Jessica. Siya naman ay akmang lalapit sa dalawa ngunit napansin niyang nakatayo na rin ang dalawang babae sa likod ni Georgina.
Nang akmang susugod ang dalawang babae sa walang ka alam alam na si Georgina ay tumakbo na siya patungo rito. Sinipa niya ang isang babae at sinuntok naman ang isa. She and George know how to fight. Dahil palihim silang sumali sa taek won do class kahit ayaw ng tatay nito. Ayaw kasi ni tito Edwardo na masasaktan ang unica hija nito.
Muling bumagsak ang dalawa sa lupa. Napalingon naman sa kanya si Georgina. "Nandito kana pala." Sabi nito. Napatingin ito sa dalawang babae na ngayon ay walang malay dahil sa pagkakasipa at pagsuntok niya. "Thank you."
"Anong nangyari dito?" Takang tanong niya. " Kailan ka pa naging basagulera?" Inakay na din niya si Jessica upang tulongan ito.
"They are not after me. Iyan ang mga nambubully kay Jessica."
Sambit nito habang papalakad sila.'
Nang araw din na iyon. Ikinuwento na ni George kung bakit nito laging kasama si Jessica. Naabutan pala nito na magpapakamatay si Jessica. Mabuti nalang at dumating ito at napigilan ang pagtatangka ni Jessica sa kaniyang buhay. Doon nalaman ni George na binubully pala si Jessica ng mga kaklase nila. Kaya simula noon ay naging tagapag tanggol na nito si George. Siya naman ay binabantayan na din ito hanggang sa tuluyan na niya itong naging kaibigan.
Malaki na ang ipinagbago nito mula noon at natutuwa siya sa pagbabagong nangyari dito.
"You will not lose your fame. Sikat kana sa school na ito dahil naipamalas mo ang galing mo sa pagiging leader." Inakbayan niya ito. "You will always be known."
Ngumiti ito. "Kung hindi ko kayo nakikila ni Georgina. Hindi ko alam kung ano gagawin ko sa buhay ko."
Ngumiti na din siya." Tumigil ka nga at baka magkaiyakan pa tayo dito." Sabi niya at ibinalik ang tingin sa mga istudyante. Nang may mapansin.
Sa di kalayuan ay nakita niya si Jared na may kasamang babae. Masaya itong nakikipag usap. Mukhang nang bababae na naman ito. Balik sa dating gawi.
Simula kasi ng pumasok itong muli ay ganun na ang ginagawa nito. Hindi na rin talaga siya nito pinapansin kahit ilang beses pa silang magka salubong sa hallway ng school nila. Gusto niya sanang humingi ng paumanhin dito ngunit wala siyang lakas ng loob, lalo na at hindi na naman siya pinapansin nito. Kaya hinayaan na lamang niya ito. Baka ito talaga ang gusto nitong mangyari. Sabi naman ni George ay marahil napagod nang magpapansin ito sa kanya kaya ganon.
Ang ipinagtataka niya ay simula ng magpunta ito sa coffee shop na pinag tatrabahuhan niya ay walang araw na hindi ito nag pupunta. Yun nga lang ay iba't ibang babae ang kasama nito sa bawat araw. Ang iba ay sa school din nila nag aaral, ang iba naman ay hindi niya alam kung saan nito nakuha. Naalala niya nga isang beses ng umorder ito ng coffee para dito at sa kadate nito ay sa halip na pangalan ng kadate nito nang araw na iyon ang isulat niya ay ang kadate nito noong nakaraang araw ang naisulat niya. Nang tawagin ko ang pangalan na nakasulat sa cup ng kape ay walang napunta sa counter kaya napilitan akong ibigay sa mga ito ang kape. Doon ko lang na pagtanto na hindi pala iyon ang pangalan ng ka-date ni Jared. Kaya nag walk out ang babaeng ka date nito.
Hindi naman niya sinandya iyon. Nalito lang talaga siya sa pangalan na dapat ilagay. Ang dami kasi nitong dini-date eh.
"Akala ko talaga magiging kayo na ni Jared." Sambit ni Jessica. Nakatingin rin pala ito sa gawi ni Jared.
"Bakit naman magiging kami? Nakita mo naman kung gaano ka babaero yan. Saka wala sa isip ko ang pumasok sa relasyon." sabi niya. Totoo naman yun. Ang ayaw niya sa lahat ay ang pagiging babaero. Kaya lang naman niya ito gustong makausap dahil nais niya na manghinga ng paumanhin dito.
"I thought he likes you." Sabi pa nito.
"That's imposible."
Tumayo na siya. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Jessica.
"Papasok na ako ng trabaho. Ayoko ng magtambay dito. Hindi naman ako kumikita sa pagtatambay."
"Sama ako." Parang bata pang sabi ni Jessica habang ikinawit nito ang braso sa kanang braso niya.
"Yong pinakamahal yung orderin mo ahh para matuwa naman ako." Nakangiting sabi niya rito.
"Kahit bilhin ko pa buong coffee shop niyo." Natatawang biro nito. Na ikinatawa niya rin.
-----
9:30PM na ng ay naglalakad pa rin siya. Kaka-out niya lang sa trabaho niya. Madalas ay 6 pm lang ang out niya ngunit absent si Adrian ng araw na iyon kaya nag o.t na lamang siya dagdag kita rin naman iyon.
Abala siyang nag ku-kuwenta ng mga bayarin niya habang nakayuko at naglalakad pauwi sa apartment niya. Kahit anong kwenta niya ay hindi talaga sapat ang kinikita niya sa pag papart-time sa coffee shop. Kailangan niya talaga ng isa pang part-time job. Bukas na bukas din ay mag hahanap siya ng isa pang trabaho.
"Bakit ngayon ka lang?" Halos mapatalon siya sa gulat ng may biglang mag salita sa gilid niya. Agad siyang napalingon sa pinagalingan ng boses na iyon. Ngunit hindi niya maaninag kung sino ito dahil madilim ang gilid ng daanan. Hindi pa kasi naaayos ang street light malapit sa apartment niya.
Bahagya pa siyang lumapit para makita kung sino ang nag salita. Laking gulat nalang niya nang makilala kung sino ito. "Jared?!"
Anong ginagawa nito rito? At paanong nalaman nito kung saan siya nakatira?
-----
"JARED!?" Bulalas niya ng makilala kung sino ang nag salita. Ano ang ginagawa nito rito? At paano nito nalaman kung saan siya nakatira?
"Bakit ngayon ka lang nakauwi? Hindi ba 6 pm lang ang out mo?" Tanong nito. "Nakipag-date ka pa ba?"
"Nag overtime ako." Wala sa sariling sagot niya. "Paano mo naman nalaman ang oras ng pag out ko?" Nagtatakang tanong niya.
"Wala ka na roon." Sabi nito at naunang maglakad sa kanya. Siya naman ay naiwang tulala at nagtataka.
Lumingon ito sa kanya ng maramdaman nito na hindi niya ito sinusundan. "Ano pang ginagawa mo riyan? Hindi ka pa ba uuwi? Lumalalim na ang gabi."
Agad din naman siyang naglakad papunta sa direksyon ng apartment niya. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya ng makalapit siya rito.
"Inantay ka ng tatlong oras, hindi pa ba obvious yun?" Sabi nito. "Una, sinampal mo ako noong unang pagkikita natin. Pangalawa, hinalikan mo ako ng walang paalam. Pangatlo, muntik na akong ma-expelled dahil sayo at noong bumalik ako ay hindi mo man lang ako pinansin. Tapos ngayon." Hinarap siya nito. "Pinag-antay mo pa ako ng tatlong oras. Alam mo bang hindi pa ako nag antay ng ganito katagal sa buong buhay ko?"
Kumunot ang noo niya. Ano bang pinagsasabi nito? Hindi ba at ito ang hindi pumansin sa kanya noong makabalik ito? Bakit parang siya pa ang sinisisi nito?
"Teka nga." Pigil niya rito. "Naguguluhan ako sayo eh. Yung pag sampal ko sayo alam mo kung bakit kita sinampal nun, it's because you called me a slut remember?" Pagpapaalala niya rito.
"I never called you a slut." Napaisip niya. Hindi nga ba? Mali ba ang pagkaalala niya sa nangyari? "I just ask you, if you want to spend a night with me."
Ah yon pala ang sinabi nito. "It has the same meaning." Sabi niya nalang. Kumunot naman ang noo nito.
"Yung h-halik na sinasabi mo." Pag iiba na niya ng topic. "Purely accident lang yun. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit napaka big deal nun sayo. As if naman na isang beses pa lang nangyayari sayo iyon. For sure madami ka ng nahalikan." Hindi talaga siya komportable na pag usapan ang ganong bagay kaya nga hanggang ngayon ay wala pa rin sa mga kaibigan niya ang nakakaalam ng naganap na iyon sa kanila ni Jared. May sasabihin pa sana siya ngunit napansin niyang titig na titig ito sa kanya.
"What?" Takang tanong niya rito.
"You're blushing." Sabi nito. "Don't tell me, that was your first kiss?"
Napahawak siya sa pisngi niya. Lalong nag init ang mag-kabilang pisngi niya. 'Badtrip'!
"H- hindi no!" Nauutal niyang sabi. Buwisit na dila to!'
Ilang saglit pa ay unti-unting sumilay ang ngiti nito sa mga labi. At unti-unti ring lumalalas ang pintig ng puso niya habang nakatitig siya rito. Wala siyang ibang naririnig kundi ang pintig ng puso niya na napaka bilis at lakas. Bakit ganon nalang ang pintig niyon nang ngumiti ito? Ano bang nangyayari sa kanya?
"Ako nga ang first kiss mo." May pagmamalaki pang sabi ni Jared.
H-hindi ikaw ang f-first kiss ko sabi ehh." Pagkasabi niyon ay agad siyang naglakad papuntang apartment niya.
Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay humarang na naman ito sa dinaraanan niya. Lalong kumabog ang puso niya. She never felt like this before.
"San ka pupunta? Ilang oras akong nag antay sayo, tapos bigla ka lang aalis ng ganun ganun na lang?" Sabi nito habang nakaharang pa rin sa dinaraanan niya.
"S-sino ba kasing nag sabi sayo na mag antay ka dito?" Tanong niya rito.
"I just want to talk to you." Sabi nito. "Hindi pa tayo nag uusap simula nang pumasok ako."
Napatitig siya sa gwapong mukha nito. 'Ang gwapo talaga ng mokong!' Ngunit nanlaki ang mga mata at nanigas ang buong katawan niya ng bigla nalang siya nitong niyakap. Ramdam na ramdam niya kung gaano kalakas ang pintig ng puso niya ngayon.
Nang kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya ay may mga sinabi pa ito na hindi niya maintindihan dahil ang ang buong atensyon niya ngayon ay nasa pintig ng puso niya. Tumingin siya rito. "Anong ginawa mo sa akin?" Wala sa sarili niyang tanong rito.
"Huh?" Takang tanong naman nito. Nagsalita na naman ito ngunit wala siyang maintindihan sa sinasabi nito. Hindi na maganda ang pakiramdam niya. Pumikit siya ng mariin.
'Mag focus ka Sam wag mong hayaang mahipnotismo ka ng lalaking nasa harap mo!' Hiyaw niya sa isip.
"Umalis kana muna Jared. Masama ang pakiramdam ko. Saka na tayo mag usap." Sabi niya rito ng hindi ito tinitingnan. Naglakad siya patungo sa apartment niya. "Huwag na huwag mo akong susundan." Pag babanta niya pa rito.
Hindi na niya ito hinayaan pang makatugon. At nagmadali na siyang makaalis sa lugar na iyon. Hangga't hindi niya pa alam ang dapat niyang gawin ay iiwasan niya muna ito. Lalo na kung hindi siya makapag focus tuwing makikita niya ito. Ano bang hipnotismo ang ginawa nito sa kanya?
Pagpasok niya sa kanyang apartment ay dinig na dinig niya ang t***k ng puso niya. "Kalma lang tayo heart." Hinawakan niya ang dibdib niya.
Paano niya ba iiwasan ang lalaki kung magka klase sila nito?
Napabuntong hininga na lang siya sa naisip. Bahala na lang bukas. Basta hindi dapat sila mag krus ng landas ni Jared.
Ibinaba niya ang bag niya sa maliit na sofa niya at nagtungo sa kusina upang magluto ng magiging hapunan niya. 'Baka nagugutom lang ako.'