"HI!" Napaangat ang tingin niya nang may umupo sa harap niya at bumungad sa paningin niya ang nakangiting mukha ni Jared. Kaya agad din siyang nawalan ng gana. Simula ng mangyari ang munting halik sa pagitan nilang dalawa noong isang linggo, ay hindi na siya nilubayan nito.
As in, he is EVERYWHERE! Kahit saan man siya mag punta. Sa Canteen, sa soccer field, Sa cover court, sa Science lab sa classroom at dito sa library. Hindi niya alam kung sinusundan ba siya nito o talagang nagkakataon lang na nagkikita sila dahil sa tuwing kokumprontahin niya ito, ay palaging valid ang alibi nito.
"Ano naman ang ginagawa mo rito?" Inis na tanong niya rito.
"I'm with Rafael. We are making a project." Sabay turo nito sa lalaking nakasalamin sa tabing mesa nila. Kilala niya ito dahil isa ito sa mga classmate niya. Gwapo rin ito gaya ni Dylan pero iba pa rin ang kagwapuhan taglay ni Jared.
Ipinilig niya ang ulo sa naisip. 'Hindi gwapo si Jared! Isa siyang malaking balakid sa buhay ko!' Hiyaw niya sa isip. Oo nga't noong una ay nagwapuhan siya rito. Ngunit ngayon? Isa na lamang itong asungot sa buhay niya.
"Kung kasama mo siya, bakit nandito ka? Doon ka sa table niyo, huwag mo akong istorbuhin rito." Taboy niya rito.
"Na bored ako eh. Nakita kita rito kaya pinuntahan ko muna ang nag nakaw ng halik sa akin." Sabay kindat sa kanya.
'Heto nanaman kami.' Sambit niya sa isip. "I told you, that was just an accident. Malapit ka sa akin kaya.. k- kaya nangyari yon!"
Sumandal ito sa inuupuan nito at prenteng ipinatong ang siko sa ibabaw ng mesa. "I don't think so. Alam mong malapit lang ako sayo pero lumingon ka pa rin sa akin." Bahagya pa nitong tinapik ang mesa. "You did that on purpose."
"Pwede ba? Kung hindi ka bumulong sa akin ay hindi kita mahahalikan." bulong niya rito. At ibinalik ang atensyon sa pagbabasa. Ayaw niyang may makarining sa pinag uusapan nilang dalawa.
Ganun ang sistema nila tuwing magkikita sila. Lagi nitong ipinapaalala ang munting halik na napagsaluhan nila noong nakarang linggo. Hindi naman ganon ka big deal iyon pero ginagawa nitong big deal. '
Are you sure? That was your first kiss for goodness sake!' Sambit niya sa isip.
Tama, iyon ang first kiss niya dahil never naman siyang nagkaroon ng boyfriend. Wala naman kasi siyang time para doon. At hinding hindi niya hahayaang malaman iyon ni Jared dahil alam niyang, lalo siya nitong hindi titigilan.
"You know what? Pwede ka namang umamin sa akin eh. Huwag kang mag alala, sanay na ako sa ganyang mga confession. You don't have to be bothered." Sabi pa nito sa kanya.
Huminga siya ng malalim. Nauubusan na talaga siya ng pasensya rito. "At ano naman ang aaminin ko sayo?" Iritang tanong niya rito. "Hindi ka ba busy? Mambabae ka nalang kaya? Isang linggo mo na akong inaabala." She rolled her eyes.
"Nagpapahinga muna ako diyan, ayaw kong magselos ka. You know, I'm a one woman man. " Pagmamayabang pa nito.
Pumikit siya at nag bilang ng hanggang tatlo upang mapakalma niya ang kanyang sarili. Pagkatapos ay iniligpit na niya ang binabasang libro at inayos ang gamit niya. Kailangan na niya itong layuan bago pa siya tuluyang mapikon rito. Nasa library pa naman sila. Nakakahiya kung gagawa siya ng eksena doon.
Tumayo siya at aakmang aalis. "Teka lang saan ka pupunta?" Takang tanong ni Jared sa kanya.
"May mas importante pa akong dapat gawin kaysa makipag usap sayo." Papalabas na siya ng library nang makasalubong naman niya ang isa pang tinik sa lalamunan niya. Si Joshua. Ngayon lang uli niya ito nakita simula ng gabing iyon sa bar. Hindi niya alam ang nangyari dito. Akala niya ay hindi na ito papasok pa.
'Pagminamalas ka nga naman.' Mukhang hindi niya talaga araw ngayon.
"Look who's here. The girl at the bar." Bahagya pa itong natawa. "Hindi talaga ako makapaniwala that you made me believe na isa kang kagalang galang na babae. Pero ang ending ay sa bar ka lang naman pala nag tatrabaho?" Malakas na sabi nito at tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.
Narinig niya ang mga bulong-bulongan ng mga tao roon. "I'm not in the mood to argue with you Joshua. So, if you'll excuse me." Aakma siyang lalagpasan ito ngunit hinarangan lang siya nito.
"Not so fast Samantha." He said with an evil grin.
"Ano ba Joshua?!" Angil niya rito. Nilibot niya ang tingin sa paligid. Dumarami na ang istudyanteng nakikiusyoso sa kanila.
"What's happening here?" Tanong ni Jared. Lumabas na rin pala ito ng library at nakatingin sa kanila ni Joshua.
"Oh, the knight in shining armour is here." Natawa na naman ito. "So tell me Jared, magkano ang binayad mo sa babaeng ito para makasama mo siya ng isang gabi?" Napasinghap ang mga tao sa paligid dahil sa sinabi ni Joshua.
Hinila muna siya ni Jared papunta sa likod nito bago ito nagsalita. "Kung ano man ang nangyari sa amin ng gabing iyon ay wala ka ng pakialam doon. Bakit hindi nalang natin pag usapan kung paano ko sinuntok ang mukha mo? Mukhang mas magandang topic iyon hindi ba?" Cool na sabi ni Jared dito.
"Napaka yabang mo talaga!" Agad na inundayan ng suntok ni Joshua si Jared ngunit gaya ng gabing niligtas siya Jared ay nakailag ito. At saka malakas na sinipa si Joshua dahilan upang matumba ito. Kinubabawan agad ni Jared si Joshua at sinuntok ito. Sumusuntok din si joshua rito at nagpaikot ikot ang mga ito sa sahig. Nang tatayo si Jared ay agad din namang nahila ni Joshua ang paa nito dahilan upang mawalan ito ng balanse at matumba.
"T-tama na iyan!" Sigaw niya. Hindi na niya alam ang gagawin sa pagkakataong iyon. Gaya ng mga taong nanroon ay natatakot siyang lumapit dahil baka madali siya ng dalawa. "Enough! Jared, Joshua!" Sigaw niyang muli.
"Anong meron dito?" Narinig niyang sinabi ng dumating. "Jared? Hey! Hey!" Napalingon siya rito. Si Dylan pala iyon. Agad nitong inawat ang dalawa. "That's enough! You two!" Sigaw pa nito. tumulong din sa pag awat si Rafael na nakalabas na rin pala ng library.
Naghiwalay naman ang dalawa at nakita niyang duguan ang mukha ni Joshua ganun din si Jared. Maya maya pa ay dumating na ang head ng school nila. Kasama ang tatlong school guards.
"Anong kaguluhan ito?" Tanong ni Mrs. Santos. Walang sino man ang nagsalita. Tiningnan nito ang dalawa. "Kayong dalawa sa office ko ngayon din!" At nag lakad ito patungo sa office kasunod ang tatlong lalaki. Habang siya ay nakatingin lang sa mgaa ito habang papalayo.
-----
"OH! SAM maaga ka yata ngayon?" Sambit ng katrabaho niyang si Adrian.
Ala una pa lang kasi ng hapon. Kakarating pa lamang niya ngayon sa Café Freyja. Ang coffee shop na pinag tatrabahuan niya. Cashier ang position niya roon. Alas tres pa talaga ng hapon ang oras ng duty niya rito. Maaga lang natapos ang klase niya dahil absent ang isa niyang professor. Kaysa naman sa halip na mag tambay sa school ay nagpunta na siya dito. At least mababayaran pa ang oras niya.
"Maagang natapos ang klase ko kaya imbes na magtambay doon sa school ay nagpunta na lang ako rito." Sabi niya habang isinusuot ang apron niya.
"Napaka workaholic mo talaga Sam. Magpahinga ka naman kahit minsan lang." Sabi naman ni Franco, ang baker nila sa kanya.
Ngiti lang ang tugon niya rito. Matapos niyang ayusin ang sarili ay nagtungo na siya sa counter. Ready na siyang magtrabaho.
"Isang Caramel Macchiato at Cappuccino on the go." Order ng babaeng customer.
"Let me repeat your order ma'am. One Caramel Macchiato and Cappuccino on the go. Was that all ma'am?" Tanong niya sa customer. Tumango naman ang customer. "That would be 460 pesos."
Ganito lagi ang routine niya. Pagkatapos ng klase ay dumideretso siya rito upang mag trabaho. Matagal na siya rito, mga apat na taon na. Ito ang bumubuhay at nag babayad ng ibang gastusin niya. Napakabait din ng may ari ng coffee shop na ito dahil pinapayagan nitong mag advance siya pag malapit na ang bayarin niya sa eskwelahan.
Speaking of school ay naalala niya ang nangyaring engkwentro kina Jared at Joshua noong nakaraang araw. Matapos ang pag aaway ng dalawa ay kinausap ang mga ito ng head ng school nila na si Mrs. Santos. Gusto niya sanang samahan si Jared ngunit pinigilan na siya ni George. Sinabi nitong hayaan na lamang si Jared tutal naman ay kasama nito si Dylan. Nagtanong ito kung anong nangyari at ikinuwento niya kung ano ba talaga ang nangyari noong gabing nagtrabaho siya sa bar.
Makalipas ang ilang oras ay nakita na lamang niya na may dumating na dalawang sasakyan lulan ang mga naka-uniform ng itim na mga lalaki, para bang mga presidential guards ang awrahan ng mga ito. Naroon pala ang mga iyon para sunduin si Jared.
Ang sabi ni Dylan ay mga tauhan daw iyon ng tatay ni Jared. Doon niya nakita kung gaano ka layo ang antas ng pamumuhay nila ni Jared at kung gaano ka impluwensya ng ama nito.
Lumipas ang ilang araw, ngunit hindi niya nakita si Jared sa school. Nabalitaan niya rin na nag drop out na si Joshua at hindi na muling magpapakita pa sa school.
Ang sabi ni George ay malaki ang posibilidad na kagagawan iyon ng tatay ni Jared. Dahil sobrang maimpluwensyang tao ito. At malamang sa malamang ay lumipat na din ng pinapasukang University si Jared dahil sa nangyari.
Maraming nagalit sa kanya dahil sa balitang iyon. Lalo na ang mga babaeng istudyante na may gusto kina Jared at Johua. Tuwing kakaen siya sa canteen ay iba't ibang parinig ang nahahagip ng tainga niya patungkol sa kanya. Hinahayaan na lamang niya iyon dahil totoo naman na siya ang dahilan kung bakit aalis sa University si Jared.
Naputol ang pag mumuni-muni niya ng may kumatok sa ibabaw ng counter. Napatingin siya rito at laking gulat niya ng malaman kung sino iyon. Si Jared.
"One affogato, please." Sabi nito na para bang hindi siya nito kilala.
Ilang saglit niyang pinag-aralan ang mukha nito. May band aid pa ang kaliwang pisngi nito at mahahalatang may bakas pa ng pasa ang kanang labi nito. May benda pa rin ang kanang kamay nito.
Gusto niyang kamustahin ito ngunit nahihiya siya dahil siya ang may kasalanan kung bakit ganito ang hitsura nito ngayon. "Let me repeat your order sir." Sabi na lamang niya. "One affogato, is that all sir? Do you want to order a dessert sir?"
Umiling ito. "No, that would be all. Thank you."
"That's 265 pesos sir." Binigyan siya nito ng buong isang libo. Matapos niya itong suklian ay nagtungo na ito sa bakanteng mesa di kalayuan sa counter.
Marahil ay galit ito sa kanya dahil na nangyari dito. Lalo tuloy siyang nakonsensya. Napabuntong hininga na lamang siya.
"Anong pangalan ang ilalagay dito?" Tanong sa kanya ni Adrian.
"Ako nalang ang mag dadala niyan sa customer. Wala naman gaanong tao ngayon dito." Sabi niya.
"Uy.. mukhang type mo yun si sir ah." Pang aasar pa nito sa kanya.
"Tigilan mo ako Adrian. Gawin mo nalang iyan para maihatid na sa customer." Sabi naman sa kanya.
"Yes ma'am!" Sumaludo pa sa kanya si Adrian. Napangiti siya. Baliw talaga ito kahit kailan. Nang mapalingon siya sa gawi ni Jared ay nakita niyang nakamasid ito sa kanya ngunit agad din naman itong umiwas ng tingin nang mapatingin siya rito.
Maya maya pa ay iniabot na ni Adrian ang order ni Jared. "Bigay mo na sa crush mo." Sabi pa nito. Ngunit hindi na niya iyon pinatulan pa. Nagtungo na lang siya sa kinaroroonan ni Jared.
"Ito na po ang order niyo sir." Iniabot niya rito ang order nito.
"Thank you." Iyon lang ang sinabi nito at humigop na ng kape.
Mukhang hindi na talaga siya nito papansin kaya bumalik nalang siya sa counter.
Pinagmamasdan niya lang ito habang humihigop ng kape. Para kasing ang layo ng iniisip nito. Mukhang may pinagdadaanan ito ngayon. Marahil ay masama ang loob nito dahil lilipat ito ng eskwelahang pinapasukan. Siguro nga ay napakalupit ng tatay nito. Nakita niya itong tumayo at lumabas ng coffee shop nila.
'Hindi man lang ako kinausap.' Malungkot na sabi niya sa isip. Sinundan na lamang niya ito ng tingin habang papalayo.