CHAPTER 3

2089 Words
"NANDITO ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Napadilat si Jared nang may nagsalita sa tabi niya. Kasalukuyan siyang nakahiga sa Soccer field ng mga oras na iyon. Nais niya sanang matulog dahil wala siyang balak pumasok sa klase ngayon. Nilingon niya ito. Si Dylan pala iyon. Kaibigan niya at kaklase ito. Gaya niya ay tagapag-mana din ito ng hospital, ang Rodriguez Medical Center. Hindi iyon kasing laki ng hospital ng tatay niya pero isa rin iyon sa kilalang hospital sa bansa. "Istorbo ka talaga sa buhay ko." Sambit niya nang ipinatong ang librong hawak niya sa kanyang mukha. Wala siya sa mood mag aral ngayon. Mas gusto niyang matulog na lang. Wala talaga sa puso niya ang pag do-doctor. "Sa tingin mo makakatakas ka sa pagiging doctor kung hindi ka papasok sa klase mo? Baka nakakalimutan mo kung sino ang tatay mo." Paalala nito sa kanya. Bumangon at naupo siya. "Hay! Bakit kasi hindi nalang nila akong hayaang gawin ang gusto ko? Ayokong maging doctor!" Palatak niya. "Well, Sorry to tell you bud. Nakasulat na ang tadhana natin simula ng ipinanganak tayo. Kaya kahit ilang beses mong ibagsak ang mga subjects mo ay wala kang mapapala. Hindi na natin iyon matatakasan, iyon na ang tadhanang nakasulat sa mga palad natin. Magiging doctor ka sa ayaw mo at sa gusto mo." Sabi nito sa kanya. "Tumakas kaya ako at magpunta sa ibang bansa? Tingin mo?" Tanong niya rito. Sa halip na sumagot ay hinila siya nito patayo. "Tigilan mo ako sa mga kalokohan mo. Dinamayan na kita ng ibagsak natin lahat ng subjects natin last year. Dapat ay intership na tayo ngayon. Pero dahil sinabi mo na dapat nating ibagsak ang subjects natin para matakasan ang med school ay sumunod ako sayo." Pumalatak ito. "Ngayon tuloy ay lalo akong na buro dito. Kaya tumayo kana riyan at pumasok na tayo sa klase natin. Ang tanging paraan nalang natin ay grum-aduate para matakasan dito sa kalbaryong school na ito." Napilitan siyang tumayo at tahimik na sumunod dito. 'Hays buhay nga naman.' Sambit niya sa kanyang sarili. Buong buhay niya ay ipinamulat sa kanya ng kanyang ama na dapat ay maging doctor siya. Dahil walang ibang magmamana ng kanilang hospital kung hindi siya lamang. Ngunit anong gagawin nya kung hindi ito ang nais niyang gawin? Ang talagang nais niya ay mag pinta. Naalala niya pa noong nalaman ng kanyang ama na palihim syang nag enroll sa art school. Sinira lahat nito ang mga gamit niya sa pagpipinta at ipinasara ang art school kung saan siya nag enrol. Nakonsensya siya dahil maraming nawalan ng trabaho dahil sa kanya. Kaya nangako siyang mag aaral na ng medisina ka palit ng pag bubukas muli ng art school. Kahit anong takas niya ay ibinabalik talaga siya nito sa medical school. Kaya heto siya ngayon. Kahit ayaw pumasok ay napipilitan nalang upang matapos ang kalbaryo niya. Nang papaliko na sila sa may library ay napahinto siya nang mapalingon sa may bintana ng library. May nahagip ang kanyang mata na isang pamilyar na babae. Nakaupo ito sa isa sa mga mesa at tahimik na nagbabasa. Napakunot siya ng noo. Kamukha nito ang babaeng nagatatrabaho sa bar na iniligtas niya nang makita niyang hina-harass ito ni Joshua. Ngunit sa halip na magpasalamat ay siningil pa siya nito. "Hey!" Pukaw ni Dylan sa atensyon niya. "Kanina pa ako salita ng salita wala na pala akong kausap." "Do you know her?" Tanong niya rito at tinuro ang kinaroroonan ng babae. "Sino?" Tanong naman nito habang sinusundan ang tingin niya. "Ah si Samantha?" "Samantha?" Tanong niya rito. "Oo si Samantha. Kaklase natin siya sa Anatomy." Sagot naman nito sa kanya. "Kaklase? kailan pa?" Nagtatakang tanong niya rito. Bakit hindi niya ito nakikita? "Hindi mo alam kasi hindi ka naman pumapasok sa subject na iyon." Umiling-iling pa ito. "Kaibigan siya ni Georgina yung sexy hot girl ng law sa kabilang building saka ng Student Council President natin." Patuloy nito. "Tsaka siya yung babaeng tumangging maka-partner ka sa party natin last year." "What?!" Gulat niyang tanong. Matagal nya nang hina hunting ang babaeng tumanggi sa kanya last year dahil feeling niya ay pinababa nito ang reputasyon niya. Siya kasi ang tinaguriang campus crush sa school nila. Kaya nang mag botohan ang school nila upang maghanap ng magiging king sa taunang anniversary party ng school nila ay siya agad ang nanalo. Ngunit sa kasamaang palad ay tinanggihan siya ng dapat na makakapareha niya dahil hindi daw siya nito kilala. Kaya simula noong arawna iyon ay hina-hunting na niya ito ngunit hindi niya ito mahagilap dahil palagi daw itong busy. "You mean that's her? And classmate natin siya?" Gulat paring tanong niya. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?" "Well, first hindi ka naman pumapasok sa subject na anatomy second, masyado akong busy ngayon dahil ayaw ko nang bumagsak kaya nakakalimutan kong sabihin sayo." Sagot nitong muli sa kanya. "How can you forget that kind of thing?" Nagtatakang tanong niya rito. "I told you I'm busy. Tsaka hindi ka pa rin niya papansinin kahit anong gawin mo. Manhid iyan. Hindi uubra ang karakas mo diyan. Si Joshua nga, ganun ganun nalang basted-in ni Samantha." Bahagyang natawa pa ito. "Alam mo ba kung san niya binasted si Joshua? sa gitna ng soccer field! may pa bulaklak pa ang loko tapos sagot sabi lang sa kanya ni Sam 'Para kang tanga ano naman ang gagawin ko dyan?' sabay alis." Tumawa ulit ito. "Don't you ever compare me to that bastard." No wonder ganun na lamang ang galit ni Joshua kay Samantha. Grabi pala ang pagkapahiya nito. Kung bakit naman kasi ito sa soccer field pa nagtapat? Halos lahat ng istudyante sa campus ay doon nagtatambay pag walang klase. Pero tama lang din naman ang ginawa ni Samantha sa ugok na iyon. Masyado na din kasing masama ang ugali ni Joshua. Feeling nito ay lahat mapapasagot nito. hmmm. Na ko-curious tuloy siya sa Samantha na iyon. Tiningnan niyang muli ang babae. Aaminin niyang nagandahan din talaga siya rito dahil napaka amo ng mukha nito. At istudyante pala ito sa school nila. Pero ang tanong doon ay bakit ito nasa bar ng gabing iyon? Talaga bang babaeng bayaran ito? Lalo tuloy siyang nakonsensya sa sinabi niya sa babae. Nasabi lang naman niya ang ganoong bagay dahil nainis siya ng singilin siya nito sa halip na pasalamatan. Napahawak siya sa kanyang kaliwang pisngi. Naalala na naman niya ang pag sampal nito ng malakas sa kanya. Wala pang babaeng sumampal sa kanya. Napailing siya. "Tara na Jared! At baka ma-late na naman ako dahil sayo." Yaya ni Dylan sa kanya. 'Hmmm.. We will meet again'. Tahimik na sambit niya sa kanyang isip habang hinihila siya nito papalayo. ----- ABALANG nag aayos ng gamit si Samantha dahil ilang oras na lang ay darating na ang kanilang professor sa Anatomy. Isa ito sa pinaka gusto niyang subject dahil talagang napag-aaralan nila ang bawat bahagi ng tao. Napalingon siya ng biglang may tumabi sa kanya. Ganon nalang ang gulat niya ng makita kung sino iyon. Walang iba kung hindi si Jared. Kumunot ang noo niya. Bakit nasa klase niya ito? Hindi ba at sabi ni Jessica ay senior niya ito? Tinitgan niya ito. Gwapo talaga ito kahit saang anggulo tingnan. "Alam kong napaka gwapo ko pero huwag mo akong pagkatitigan baka matunaw ako." Sambit nito at lumingon sa kanya at ngumiti. Napasimangot siya. 'Mayabang talaga ang loko.' Sambit niya sa kanyang sarili. Hindi niya ito pinansin sa halip ay ipinagpatuloy niya ang pag aayos ng gamit. Kumatok ito sa ibabaw ng desk niya. "Hindi mo ba ako natatandaan?" Tanong nito. Tinuro pa nito ang pisngi nito. "Ako yung sinampal mo noong nakaraang gabi." "Kung inaasahan mong hihingi ako ng tawag sayo ay nagkakamali ka. You don't deserve my apology." Sambit niya ng hindi pa rin lumilingon dito. "Base sa sinabi mo ay feeling ko, natatandaan mo na ako and by the way I'm not asking for your apology. I'm just curious about kung bakit ang isang istudyanteng katulad mo ay nag tatrabaho sa isang bar." Sabi pa nito. "By the way, my name is Jared Del Fuego. Your classmate in Anatomy." Inilahad nito ang kamay sa harap niya. Ngunit tinitigan niya lang iyon. Nagpatuloy pa rin siya sa pag aayos ng gamit niya. Classmate niya pala ito kaya pala nasa klase nito. "Ganyan ka ba talaga? Alam mo dapat matuto kang maging nice pag may nagpakilala sayo? Dapat magpakilala ka din." Sabi nitong muli sa kanya. "Magpapakilala lang ako kung interesado ako sa nagpapakilala sa akin." Sabi niya habang hindi pa rin niya ito nililingon. "You're really bad for my ego. Don't you think that you're too harsh on me? Sinagip kita kay Joshua." Paalala nito sa kanya. "At sa tingin mo ay magiging mabait ako sayo dahil sa ginawa mo? Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako nabayaran ng gabing iyon. Kung tutuusin ay may atraso ka sa akin dahil sa mga sinabi mo nang gabing iyon." Hinarap niya ito. "Kaya kung ako sayo lubayan mo nalang ako, kung ayaw mo na masampal muli." Mataray n sabi niya rito. Naiinis talaga siya sa mga taong katulad nito. Mayabang at babaero. Ang akala niya ay hindi niya na ito makikita pa dahil never naman nag krus ang mga landas nila sa loob ng apat na taon sa school na iyon. Pero sa gulat niya ay nakita niya ito kahapon na may kahalikang babae sa may hallway ng school nila. At ang mas nakakainis pa ay parang wala itong pakialam kung may makakita sa kanila. Para bang pinagmamalaki pa nito na kaya nitong makipag halikan sa kahit saang lugar. Lalo tuloy nadadagan ang inis niya rito. At ngayon ay kaklase pa pala niya ito. Paano siya magiging payapa? "Jared, anong ginagawa mo rito? Hindi ba ayaw mo ng subject na ito?" Tanong ng dumating. Si Dylan pala iyon. Ang masugid na manliligaw ni Georgina. Matagal na itong nanliligaw kay Georgina, pero lagi naman itong basted. Ewan niya ba kung bakit nagtitiis pa rin itong manligaw eh halata namang walang paki si Georgina dito. Samantalang kung tutuusin ay gwapo rin naman ito at marami itong mapapaibig kung gugustohin lang nito. Hindi niya alam na magkakilala ang dalawang ito. Ngayon niya lang napatunayan na napakaliit pala talaga ng mundo. "Nagkaroon ako ng dahilan para pumasok sa subject na ito kaya wag kang istorbo dyan." Sagot lang ni Jared dito. "Oh! Hi! Samantha, kamusta si Georgina my love?" Tsnong ni Dylan sa kanya. Pero sa halip na sumagot ay tinanguan laman niya ito. Wala siyang balak kausapin ang sinuman sa dalawang ito. Maya maya ay pumasok na ang kanilang professor kaya hindi na niya inintindi ang dalawang katabi. Ngunit habang busy siya sa pakikinig ng discussion ay may kumatok sa desk niya at nakita niyang may nakatuping papel sa ibabaw niyon. Kinuha niya iyon at binasa. 'Let's have lunch together. My treat.' 'Jared' Bumuntong hininga siya at nilamukos ang papel. Wala siyang panahon rito. Bumalik siya sa pakikinig sa professor. Ngunit mga ilang minuto palang ang nakakaraan ng may kumatok muli sa desk niya. At may nakita na naman siyang papel na nakatupi sa ibabaw niyon. Inis na tiningnan niya si Jared. Pero sa halip na matakot ay nakangiti lang itong tumingin sa kanya at iniwestra na basahin niya ang papel. Inis na dinampot niya iyon at binasa. 'It's my way of saying sorry from what I said to you the other night' Nakasaad doon. Nilamukos niya ulit ang papel na iyon. At naghanap ng maaring malipatan na upuan, dahil sa tingin niya ay hindi talaga siya nito titigilan. Pero wala siyang makitang bakanteng upuan. Na lalo niyang ikinainis dahil ang ibig sabihin noon ay wala siyang choice kung hindi mag tyaga sa tabi ng ugok na si Jared. Wala siyang choice kung hindi makinig muli sa discussion at ituon ang atensyon doon. Nagpasya siyang hindi na niya papansin ito kahit ilang katok pa ang gawin nito sa desk niya. Ilang pang katok ang narinig niya pero hindi na niya iyon pinansin pa. Nag concentrate nalang siya sa pakikinig. Bahala ito sa buhay nito. Naramdaman niyang bahagyang lumapit sa kanya si Jared. It makes her uneasy pero hindi niya iyon ipinahalata. "You are very rude don't you think so?" Bahagya siyang nagulat ng maramdaman niya ang hininga nito malapit sa tainga niya. Dahilan iyon upang bigla siyang mapalingon rito. Pero agad din naman niya iyong pinagsisihan. Nanigas ang buong katawan niya at sa pakiramdam niya ay nag init ang buong mukha niya. Dahil nahalikan niya ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD