NANG dumating si Sam sa apartment niya ay agad siyang nagtungo sa bahay ng landlord niya upang humingi ng isa pang palugit para mabayaran ang apartment niya. Nag kasabay-sabay kasi ang kanyang bayarin kaya nawalan sya ng pambayad sa apartment niya. Pag hindi siya nabigyan ng palugit ay tiyak na sa kalsada siya matutulog ngayong gabi.
"Aling Marie! Aling Marie tao po!" Sabi niya habang kinakatok ang pinto ng bahay ng landlord niya.
"Anong ginagawa mo rito Sam? May pambayad kana ba sa renta mo?" Mataray na tanong ni Aling Marie ng makalabas ito ng bahay.
"Iyon nga po ang ipinunta ko rito Aling Marie. Pwede mo po ba akong bigyan ng isa pang linggong palugit? Medyo gipit po kasi talaga ako ngayon pero promise next week ibibigay ko na yung kulang ko sa renta. " Sambit niya.
"Aba naman Sam, tatlong buwan mo nang sinasabi sa akin yan. Hindi ka pa ba nag-sasawa? Ako sawang sawa na. Kung bukas wala pa rin ang bayad mo sa renta papalayasin kita agad. Sawa na akong magbigay sayo nang palugit." Pinagsarahan siya nito ng pinto pagkatapos nitong magsalita.
'Ano nang gagawin ako? Wala talaga akong pera ngayon.' Sigurado na ang pagtulog niya sa kalsada bukas.
Nasa ganoong pag-iisip siya ng tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya at nakita niyang ang kaibigan niyang si Jessie ang tumatawag sa kanya. Kaya agad niyang sinagot ang tawag nito.
"Hello? Jesie?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Hello? Bruha nasaan ka? Nandito kami ni George sa apartment mo." Sabi naman nito sa kabilang linya.
"Ha? Anong ginagawa niyo dyan ? W- wala naman tayong usapan ngayon?" Naalarma siya. Walang may alam sa mga kaibigan niya na may balak siyang pumasok sa bar ng araw na iyon dahil siguradong malalagot siya sa mga ito.
Nagmadali siyang magtungo sa apartment niya at naabutan niya roon si George at Jesica na nakaupo sa sofa.
"Anong ginagawa niyo rito?" Hingal na sambit niya.
"Ikaw, saan ka galing? Ang alam namin ay 6 pm pa natapos ang duty mo sa coffee shop na pinagtatrabahuhan mo. Bakit ngayon ka lang nakauwi?" Mataray na sambit ni Georgina.
'Patay na!' "Ah kasi may isa pa akong part time job na in-apply-an, pero hindi ko nagustohan kaya umalis nalang din ako agad." Totoo naman ang sinabi niya. Pero hindi na niya sinabi ang iba pang detalye.
"At ano namang part-time iyon?" Pag usisa pa ni Jessica.
"Ah eh, pagiging waitress lang sa isang restaurant. Masyadong maraming gawain kaya hindi ko na tinanggap." Hinubad niya ang kanyang sapatos at tuluyan ng pumasok sa kanyang apartment at umupo sa sofa.
"Oh really? Kaya pala may tumawag sa akin kani-kanina lang at sinabing nasa bar ka daw at pumasok ka sa isa mga VIP room doon. " Nakahalukipkip na sabi ni Jessica." Tell me, what did you do?"
Pumikit siya ng mariin. Wala talaga siyang maitatago sa mga ito. "May nag-alok sa akin ng trabaho sa bar." Pag-amin niya. "Kakausapin lang daw ang mga customer at bibigyan ng inumin. Sinabi naman ng manager na hindi ako pwedeng hawakan ng sinuman kaya pumayag ako. Malaki ang offer doon pero hindi ko rin natagalan hindi ko kaya ang trabaho kaya umalis na lamang ako." Pag sisinungalin pa rin niya. Ayaw na niyang mag alala pa ang mga ito." Kailangan ko ng pera dahil binigyan na lamang ako ng isang araw ni Aling Marie para makabayad sa utang ko sa renta. Wala na akong ibang maisip na paraan." Tumingin siya sa mga ito. "I'm sorry."
Hinawakan ni Georgina ang balikat niya. "Why didn't you tell us? We can always lend you money so that you can pay you rent."
Napayuko siya. "I don't want to bother you guys. Problema ko ito kaya dapat ako ang humanap ng solusyon dito. Ayokong palagi na lamang akong naasa sa inyo. Lalo na sa iyo Georgina. Napakalaki na ng naitulong ng pamilya mo sa akin."
Simula kasi ng mamatay ang kanyang ama ay ang tatay na nito ang nag silbing tatay-tatayan niya. Nang mawalan sila ng tirahan ng nanay niya ay ang pamilya rin nito kumupkop sa kanila. Pati tuition fee niya noong high school ay ito ang nag bayad. Umalis lang sila sa poder nito nang mag asawa uli ang kanyang ina at tumira na lamang sila sa probinsya. Ngunit hindi rin naman naging maganda ang buhay nila roon dahil sa amain niya. Araw-araw itong naglalasing at binubugbog silang dalawa ng kanyang ina. Nagpasiya siyang tumakas kasama ang kanyang ina, dahil hindi na niya kaya ang ginagawa nito. Ngunit ayaw namang umalis ng kaniyang ina dahil naaawa ito sa kanyang amain. Ilang beses niya itong kinumbinsi na sumama sa kanya ngunit ayaw talaga nito. Kaya nagpasya siya na umalis at iwan ito. Kahit naman ganun ay palagi pa rin naman niya itong binibisita pag may pagkakataon.
"Please wag mong sasabihin kay tito Edwardo. Mag aalala lang iyon." Pakiusap niya kay Georgina.
"Okay." Pagsang ayon nito. "I will not tell him but you will allow me to lend you money for your rent."
Nagkibit balikat nalamang siya. Siguradong hndi naman to papatalo sakanya. "Okay."
Niyakap siya nito kasama si Jesica. 'Ano bang gagawin ko kung wala sila sa tabi ko?' Sambit niya sa kanyang sarili.
-----
NAKAPANGALUMBABA si Sam habang tinitingnan ang business card nasa ibabaw ng lamesa niya. Kasalukuyan siyang nasa library ngayon at nagbabalak na mag-review dahil parating na ang Prelim exam niya at siguradong mahirap iyon. Lalo na at next semester ay mag i-internship na siya. Tinitigan niyang muli ang business card na ibinigay ng nag-ngangalang Jared. Hindi niya pa rin alam kung ano ba ang koneksyon nito sa presidente ng Del Fuego Medical Hospital. Masyado siguro siyang na iintriga dahil ito ang isa sa mga hospital na napupusuan niyang applyan para sa intership niya dahil kilala ito sa buong bansa.
"Anong ginagawa mo?" Napalingon siya sa nagsalita. Si Jessica pala iyon kasama si Georgina.
"Wala." Sabay kuha niya sa business card na nasa lamesa ngunit agad din namang naagaw ni Jessica sa kanya.
"Ano to?" Sinipat nito ang business card na hawak. "Del Fuego Medical Hospital? Saan mo nakuha to?" Takang tanong ni Jessica.
"May nag bigay lang sa akin niyan." Kinuha niya ang business card sa kamay ni Jessica ngunit naagaw naman ito ngayon ni Georgina.
"Do you know Fernando Del Fuego? Siya ba ang nagbigay sayo nito?" Tanong ni George.
"Kilala mo ang may-ari nito?" Takang tanong niya.
"Well, si daddy ang legal advisor ng hospital na pag mamay-ari niya." Hindi niya alam iyon. Iwinagayway ulit nito ang business card na hawak. "So how do you know him?"
Umiling siya. "I don't him. Nag-iisip lang ako kung dito ako sa hospital na ito ako mag i-internship. Pero mukhang mataas ang standard nila kaya baka hindi rin ako matanggap." Pagkaila niya. Hindi alam ng mga ito ang totoong nangyari sa kanya sa bar, kaya wala siyang pera naiuwi kagabi. Hindi na rin naman kailangang malaman pa nila kung ano ang tunay na nangyari.
"I can ask dad to tell him to accept you, for your internship next sem." Suggestion ni Georgina sa kanya.
"Hindi na kailangan. Besides nag-iisip pa lang naman ako. Saka marami pa namang hospital dyan na pwedeng apply-an George. Salamat na lang sa offer." Pagttanggi niya rito.
"Are you sure?" Tumango siya."Okay, if you say so. I gotta go, I have class in an hour. See you later guys!" tumayo na ito at umalis.
"You're a bad liar." Sambit ni Jessica nang makaalis si Georgina. Umupo ito sa katapat na silya niya.
"Hindi ako nag sisinungaling." Giit niya.
"I know you're lying because I heard Ricky. Tumakas ka raw kasama si Jared." Humalukipkip ito sa harap niya. Si Ricky ay isa sa mga alagad ni Joshua.
Wala talaga siyang maitatago dito. Dahil napaka tsimosa nito. Kahit yata buhay ng janitor ng iskwelahang iyon ay alam nito. Hindi niya talaga akalaing ganito ang maging papagbabago nito.
"Bagay na bagay talaga sayo yung course mong Brodcasting. napaka chismosa mo." Palatak niya.
Actually ay grum-aduate na ito ng Bachelor Degree kasabay nila. Nag trabaho muna ito ng dalawang taon. Bago magpasiya na kumuha ng masteral's degree dahil naiinggit daw ito sa kanila ni George. Ipinagpatuloy kasi nila ni Georgina ang pag-aaral matapos makatapos ng bachelor's degree. Ayaw nilang mag sayang ng panahon. Tutal naman ay doon rin ang punta nilang dalawa. Si George ay nagpatuloy ng pag aaral ng abugasya at siya naman ay medisina.
Nakilala niya ito noong high school dahil palagi itong kasama ni George. Iisang high school lang naman kasi ang pinasukan nilang tatlo.
"But please don't tell George. You know her." Pakiusap niya rito.
"I will not tell her but you know Joshua, for sure ikakalat niya sa lahat na nagtrabaho ka sa bar. Gagantihan ka noon. Okay lang ba sayo iyon? You can ask George for legal help para hindi mangyari iyon." Suggest nito.
"Wala naman akong pakialam kung anong kumalat na balita sa akin. Ang mahalaga ay makatapos ako ng medicine at maging isang doctor sa kahit anong paraan." Sambit niya. Iyon naman talaga ang pangarap niya. Ang maging doctor gaya ng yumaong ama niya.
"Paano kung malaman ni George?" Tanong nito sa kanya.
"We'll cross the bridge when we get there." Sagot naman niya rito.
"Okay. But I will not allow Joshua to do such things don't worry." She asured her. "Pero anong nangyari sa inyo ni Jared?" Kumikislap ang mga matang tanong nito.
Kumunot ang noo niya. "Kilala mo siya?"
"Si Jared? Of course." Pagmamalaki pa nito. Itinuro nito ang business card na nasa lamesa. "Siya ang tagapagmana ng hospital na iyan." Itinuro nito ang hawak niyang business card. "Siya rin ang pinaka gwapo at sikat dito sa school. Hindi mo ba alam iyon?" So kaya pala meron itong business card ng CEO ng Hospital na iyon dahil ito ang tagapagmana?
Umiling siya. "You're hopeless." Sabi nito. Maya-maya ay may naalala ito. "Alam mo bang siya iyong tinanggihan na mong makapareha last year?"
Kumunot muli ang noo niya. May naalala nga siyang ganoong insidente. Last year kasi ay nag botohan kung sino ang magiging queen and king sa taunang Anniversary party ng University nila. At siya ang napiling maging queen ngunit tinanggihan niya iyon dahil hindi naman niya kilala ang makakapareha niya at isa pa ay wala siyang panahon sa mga ganoong party. Mas pipiliin niyang pumasok na lamang sa part-time job niya kesa mag party. Naalala niya pa kung pano madisappoint si George at Jessica ng malaman ng mga ito na hindi siya aattend doon.
"You mean istudyante siya rito?" Tanong niya rito.
"Yes and she's your senior. Medicine din ang tine-take niya." Sabi nto sa kanya.
"W- what?" Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Ang inaakala niya ay hindi na niya makikita pa itong muli ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay istudyante din pala iyo sa University na pinapasukan niya at higit sa lahat ay senior pa niya? 'What a small world.'
"So anong nangyari sa inyo ni Jared?" Tanong muli na ni Jessica. "May palitan ba ng number naganap? Give me some details naman." Pangungulit pa nito.
"Siningil ko lang siya." Sagot niya rito.
"What? he saved you. Bakit mo siya siningil? You should have thanked him." Sabi naman nito sa kanya.
"Well, His not what you think. Alam mo bang inoffer-an niya pa akong makipag s*x sa kanya matapos ko siyang singilin? What a jerk! Kaya sinampal ko siya." SAbi niay rito. Naiinis pa din siya pag naaalala niya ang nangyari.
"Hmm. Kung ako ang nasa katayuan mo. Makikipag s*x ako sa kanya kahit walang bayad. He is so hot kaya. Alam mo ba kung gaano ka dami ang magpapakamatay para sa atensyon niya?" Malanding sabi pa nito.
"Jessica! Ang bunganga mo!" Sita niya rito.
Humalakhak naman ito. Kaya sumenyas siyang huwag itong maingay. "I'm sorry my virgin friend. I can't help it. Ang sarap mo talagang asarin. Pero talagang sinampal mo siya?" Paninigurado nito.
"Of course, he deserved it." Sabi niya na binuksan ang libro at nagpatuloy sa pagbabasa. Wala siyang panahon pag usapan ang isang walang kwentang tao. Mag aaral na lang siya. May mapapala pa siya.