The first year of moving on wasn't easy. Hindi madali. Laging masakit. Hindi naman ako nakapaghanda. Walang nakapagsabi sa akin na mahirap ang ganito. Sabagay dahil ito ang unang relasyon na pinasok ko. Pinilit ko na lang na magpatuloy sa buhay para sa sarili ko. Dahil patapos na ako ng kolehiyo, pinilit ko ang sarili ko na mag-aral na lamang. Paano naman sa bawat lugar na nililingon ko ay siya ang nakikita ko. Parang pelikula na nag rereplay sa akin ang mga eksena naming dalawa. Tuwing bumabalik sa akin iyon ay iyak na ako nang iyak ulit. Hindi naman ako inabala nila Mommy. Wala naman silang ibang sinasabi sa akin which is mas mainam sa akin. Aral-Bahay-Kain-Tulog That was my routine for one year. Hindi na rin ako tumatanggap ng ibang modeling gig na naintindihan naman ni Ate Kay

