Kulang nalang sumubsob si Nicole habang nag bibilang ng mga reject na lote. Kanina pa sya pinag tatawanan ng mga kasama nya. 1am palang ng madaling araw pero ilang beses na syang gustong masuka sa sobrang pag pipigil ng antok. “Ano Nicks kaya pa.” “kuha mo ako kape kuya Kiel.” unggot ni Nicole. “Kahit ubusin mo pa ang kape sa pantry di ka na kakayanin.” tugon naman ni Randy. “hindi ko naman iinumin ihihilamos ko baka magising ako.” nagtawanan ang mga ito sa biro nya. “Hindi yun joke wag kayong tumawa.” reklamo ng mga ito ngunit na hinto ang tawanan ng mga ito at prang mga dagang nag pulasan after magbigay galang sa bagong na dating na amo. Tiningnan pa ito mula paa hanggang ulo. Naka tshirt itong dilaw na may tatak na Fila short na itim at tsinelas lang ang puti talaga nito napansin

