Kumunot ang noo ni Yoshin ng mabasa ang message ng kapatid. Anong ibig sabihin nitong protect Nicole for all cost. Ibig bang sabihin kilala din ng ate nya si Nicole. Alam din nitong si Nicole ang asawa nya pero bakit kailangan nitong sabihin na protektahan nya si Nicole. Bakit? At kanino? Napatingin sya kay Nicole na tahimik na kumakain sa tabi ni Lee kanina pa sya nag timtimpi. Asikasong asikaso kasi ito ni Lee umorder kasi ng seafoods si Lee at ito pa ang nag hihimay ng kakainin ng asawa nya. Umiral pa kanina ang pagiging childish nya dahil pinag talop din ni Nicole si Lee ng hipon pero bago pa yun makain ni Lee agad nyang kinuha sa plato ni Lee ang hipon. Sya lang dapat ang pinag babalat ni Althea ng hipon hindi kung sinong lalaki lang kung di pa sya sinaway ni Yoona di nya maalala

