Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magiging asawa ko na si Trevor. Malapit na akong maging isang ganap na Mrs. Galledo. Natawa pa ako nang balingan ko s'ya namumula kasi ang pisngi n'ya dahil sa sampal ko kanina. Kunot noo naman n'ya akong tinignan habang nagmamaneho s'ya papunta kami ngayon sa dati kong bahay. Nauna nang umuwi sina Tita at Tito pati mga bata sa bahay matapos ang masayang event sa buhay namin. Maraming bisita na inimbitahan si Trevor hindi ko inaasahan pati mga kapitbahay ko makikita ko kanina. Sobra akong na sorpresa sa ginawa ni Trevor lahat ng taong magpapasaya sa akin pinapunta n'ya. Sobrang swerte ko kay Trevor sa lahat ng aspeto. At wala na akong mahihiling pa nasa kanya na lahat ang hinahanap ko. "Soon to be Mrs. Galledo, masaya ka? Magkakaroon ka na

