Wala akong maisip na pwede na pakulo para kay Helena kaya naman nagpatulong ako sa mga kaibigan ni Helena. Sa bahay n'ya kami nag meeting para sa gagawin kong proposal sa kanya. Madali kasing makaramdam si Helena kaya dapat pag isipan ko. Sir Trevor, yayain mo kayang mag-date si Helena, tapos ilagay mo sa soup n'ya ang singsing," suhestiyon ni Filipinas sa akin. Pwede naman ang suggestion n'ya. Tumango tango ako sa sinabi n'ya. "Ano ka ba inday! Patay gutom si Helena paano kung malunok n'ya? Edi namatay s'ya!" salungat naman ni Teodoro sa sinabi ni Filipinas. "Alam ko na!" malakas na sigaw ni Ricardo. Kaya naman sabay-sabay kaming napatingin sa kanya. "Ikaw Ricardo! Siguraduhin mo may kwenta 'yan huh! Tatamaan ka sa akin!" banta ni Jordan sa kaibigan. "Ipagbubog kaya natin si Helen

