Mas lalo pa akong nagulat ng bumulagta ang lalaki sa harapan ko. Kinubabawan ito ni Trevor at pinaulanan ng sunod-sunod na suntok. Halos hindi makahuma ang lalaki na nakahiga sa lupa. Mabilis akong tumayo upang awatin s'ya dahil mukhang wala itong balak na tumigil. Matinding galit ang nakikita ko sa kanya ngayon. Halos hindi ko makilala si Trevor dahil sa madilim na ekspresyon n'ya. "Gago ka! Lumaban ka! Babae lang ang kaya mong saktan!" galit na galit na bulyaw ni Trevor. At muli nyang sinutok ang lalaki. Pilit ko syang hinila upang awatin natatakot ako baka may magawa pa syang hindi maganda. "T-trevor! Trevor! Stop na please…!" pakiusap ko pa sa kanya. Ngayon ko lang nakita na ganito ka bayolente si Trevor at nakakatakot! Kinuha n'ya ang silyang kahoy na nasa tabi namin at akmang ih

