I tried to call her many times pero hindi n'ya sinasagot nakaramdam ako ng pag aalala para kanila. Nagpaikot-ikot ako sa park habang tinatawagan ko pa rin s'ya. "Papa...!" umiiyak na tawag ni Ysha nang makita n'ya ako mabilis akong tumakbo papunta sa kanya upang aluhin s'ya. Binuhat ko s'ya at pinunasan ko ang luha at sipon n'ya dahil wala syang tigil sa pag-iyak. "Why are you crying? Hale nasaan ang Ate Helena mo? Bakit hindi n'yo s'ya kasama?" sunod-sunod kong tanong. "Ser, naiwan si Hilina, doon! Puntahan n'yo na po mukha kasing goons 'yong lalaki na kausap n'ya." mabilis akong tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Helena. Halos umakyat ang dugo ko sa ulo nang makita ko na nakaupo na sa lupa si Helena akma pang susugod ang lalaki kaya naman mabilis akong tumakbo upang daluhan si Helen

