"Hilina, okay ka lang ba? Ang tahimik mo may problema ka ba?" untag ni Filipinas sa akin. "H-huh? Okay lang ako. May iniisip lang." "Ano 'yon?" usisa ni Filipinas. "Hindi naman importante," sagot ko. "Si Ser Trevor? Ayiiieee…" tukso n'ya saka sinundot ang tagiliran ko habang may kakaibang ngiti sa labi. "Baliw hind no!" kontra ko pa sa sinabi n'ya. Pero ang totoo kanina ko pa iniisip ang Nanay ng dating asawa ni Trevor. Baka manggulo s'ya sa amin. Pero dapat akong magtiwala kay Trevor na hindi na s'ya muling babalik sa bahay. Dumagdag pa ang kausap ni Trevor kanina. "Natatakot na ako sa'yo Hilina! Minsan ang ingay mo. Tapos ngayon tahimik mo!" Napapailing na saad n'ya kaya naman natawa na lang ako. "May iniisip lang ako, wag kang mag- alala normal pa ako!" biro ko pa. "Ano naman?"

