"Trevor...wag mo munang bubuntisin si Helena! Gusto ko sexy s'ya sa gown n'ya huh!" umiiyak pang bilin ni Tita. Ngayon araw kasi ang alis nila pabalik na sila ng America. Kaya naman iyak s'ya ng iyak mula pa sa bahay kanina. Pero babalik naman sila bago ang araw ng kasal namin. Marami lang silang aayusin sa America at balak na nilang tumira dito sa Pinas. May pinatayo na silang bahay bakasyunan dito rin sa Nueva Ecija. "Hindi ko masasabi Mom," biro pa ni Trevor kay Tita kay naman kinurot pa s'ya nito. "Umayos ka huh! "banta pa ni Tita. "Mamsi, pregnant na po ba si Mama?" usisa pa ni Ysha. Kaya naman sabay-sabay pa kaming napatingin sa kanya. Binuhat ko s'ya at gigil na hinalikan sa pisngi. "Nope. lkaw lang ang number one baby ko! Atsaka nagbibiro lang si Mamsi," sabi ko pa bigla nama

