Paalam

1548 Words

Habang kausap namin si Sister Mirasol, hindi ako naghalata na nagulat ako sa nalaman ko ngayon. Bakit hindi sinabi ni Trevor sa akin ito? Kaya ba s'ya ang pumili ng simbahan? Lahat na lang ba may kinalaman pa rin kay Ysabel? Hanggang kailangan kaya ako nagtatago sa likod ng isang patay? Mas pinili ko na lang manahimik. At wag sumali sa usapan nila. Kahit pa pinakilala ako ni Trevor na magiging asawa n'ya. Nag-offer pa si Sister Mirasol ng tulong para maisaayos ang kailangan namin para sa magiging kasal namin. Pilit ko na lang ngumingiti sa kanila. Hanggang sa magpaalam na kami sa kanya. "Okay ka lang darling? Kanina ka pang tahimik?" tanong n'ya pagbalik namin ng sasakyan. Tinitigan ko lang s'ya at napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko alam ang dapat kong isipin dahil sa nalaman ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD