"Jordan! Hindi ko kasalanan kung bakit tayo natalo! Buti nga may consolation prize pa, akong nakuha!" Singhal ko kay Jordan na kanina pa akong sinisisi. Kung hindi daw ako bobo panalo, sana kami. Kasalanan ko ba? Na hindi ko alam ang relasyon ni Sisa kina Basilio at Crispin.
"Ewan ko sa'yo, Helena! Tara na!"
"Oh! Para sa'yo," abot ko sa kanya ng Isang libo para sa effort n'ya.
"Saka, ok lang na talo tayo! Atleast hindi rin, si Melanie ang nanalo!" Tumawa pa ako ng malakas, ng maalala ko ang reaction n'ya kanina. Hindi nga s'ya nakapasok man lang sa top! Buti nga! Hmp!
Sumama pa papunta ng bahay si Jordan. Para makita raw si Hale.
Malapit na ako sa bahay ng biglang sumigaw ang kapitbahay ko. At nagmamadaling lumapit pa sa amin.
"Helena..! Si Hale! Sinugod ni Manong Edgar sa hospital! Bilisan mo!" Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi n'ya. Nakatingin lang ako, na para bang wala akong narinig. Wala akong naintindihan sa sinabi n'ya.
"Helena!" Tara na!" Sigaw pa ni Jordan.
"Huh? Oo! Tara!" Sigaw ko pa ng mabawi ako sa pagkabigla.
"Kuya! Pakibilisan naman! Mas mabilis pa yata akong maglakad, kesa sa tricycle mo!" Reklamo ko pa sa tricycle driver. Kakamot kamot naman s'ya sa ulo. Nang makarating kami sa hospital galit na galit pa ako.
"Walang hiya! Kung alam ko lang na, pwedeng lakarin! Hindi na sana ako sumakay!" Galit na galit ko pang reklamo.
"Baklang Helana! Tama na 'yan. Bilisan mo!"
Kaagad akong tumakbo sa information desk. Para magtanong tungkol kay Hale. Mukhang busy pa, makipag landian ang nurse na naabutan ko.
"Miss! Miss!" Tawag ko sa nurse. Pero hindi ako iniintindi nito. Naka ilang ulit pa ako ng tawag, mukhang wala pa rin itong naririnig. Abala sa kausap nyang kapwa nurse. Dito sumabog na ang galit ko. Aba at talagang sinusubukan ako nito!
" Hoy! Talipandas ka! Kakausapin mo ako? O babasagin ko 'yang pangit mong mukha!" Sigaw ko pa, at mukha naman syang natakot sa banta ko. Kaya dali dali siyang lumapit sa akin.
"A-ah, yes po ma'am. Ano po 'yon?" Takot na takot pa nyang tanong sa akin.
"May batang lalaki na sinugod dito? Kanina lang. May kasamang matandang lalaki?" Tanong ko pa.
"Bata po ma'am?" Ulit pa nito sa tanong ko.
"Uulit ko pa ba!" Singhal ko pa sa kanya.
"N-no po ma'am. Opo may batang sinugod dito. Nasa emergency po ngayon." nanginginig pa nyang sagot.
"Salamat! Sa susunod, kung makikipaglandian ka! Please naman sa gwapo! Hindi sa mukhang engkanto!" Pahabol ko pa.
Tatawa tawa lang si Jordan sa tinuran ko.
Naglalakad na kami sa papunta ng emergency room. Nanginig pa ako ng, may ilabas na pasyente na nakahiga at nakatakip ang katawan ng puting tela.
"Helena…" mahinang tawag ni Jordan sa akin.
"No!" Sigaw ko pa saka ako tumakbo ng mabilis papunta rito.
Nang makalapit ako, dito na bumuhos ang luha ko.
Hinarang ko pa ang nurse, na nagtutulak ng bangkay.
"Hindi…! Hindi ko kaya!" Hinagpis ko pa , habang nakaalalay si Jordan sa likod ko. Iyak ako ng iyak. Habang yakap ko ang bangkay. Nang magtanong bigla ang nurse sa akin.
"Ma'am, babae rin ba kayo, ni sir?" Manghang tanong pa n'ya. Bigla naman akong naguluhan sa sinabi n'ya. Hinarap ko s'ya habang nagpupunas ako ng luha.
"Anong b-babae? Kabit? Kerida? " Tanong ko pa.
"Nahuli kasi ni misis, na maraming babae si sir, kaya n'ya, napatay." mahinang chika pa ng nurse sa amin. Mas lalo pa akong naguluhan. Kaya naman, inalis ko ang takip sa mukha ng bangkay.
"Shuta ang pangit!" Bulalas ko pa dahil sa gulat. Akala ko si Hale na 'to! Salamat Lord.
"Kuya… nambabae pa yan?" Hindi makapaniwala na tanong ni Jordan.
Tumango naman ang chismosa na nurse.
"Baka naman mayaman!" ani ko pa.
"Ang sabi ma'am, kilabot daw yan si sir, ng mga kolehiyala," iiling iling pang sabi ng nurse.
"Ay! Kahit naman ako, kikilabutan talaga!" Sagot pa ni Jordan.
"Letse ka! Nagawa mo pang nambabae! Mukha ka ngang salungo! Tssk!" Kausap ko pa sa bangkay. Nagtatawanan pa kaming tatlo. Muntik na ngang mainip ang bangkay na nasa harapan namin. Nawala sa isip namin, ang totoong dahilan kung bakit kami narito ni Jordan.
"Ate…!" Sigaw mula sa likuran namin. Sabay-sabay pa kaming napalingon dito.
"Hale…!" Tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap ko s'ya ng mahigpit.
"Anong nangyari sa'yo? May masakit pa ba sa'yo?" Nag aalala ko pang tanong sa kanya.
"Helena…sabi ng doctor, may UTI raw si Hale. Kailangan nyang bilihin ang reseta na gamot," paliwanag ni Manong Edgar. Saka inabot sa akin ang reseta na, kailangan kong bilihin dito.
"Salamat Manong Edgar, buti na lang nadala n'yo si Hale ng hospital." nakangiti ko pang pasasalamat.
"Wala yon, mabait kayong magkapatid, sa mga kapitbahay natin. Binabalik lang namin." tumango tango naman ako, habang karga ko pa rin si Hale.
"Jordan, ikaw muna ang bahala kay Hale. Hintayin n'yo na lang ako sa labas." utos ko pa sa kanya.
Habang naglalakad ako papunta sa pharmacy. Nadaanan ko ang isang bata na nakaupo sa upuan. Nagtaka ako kung bakit narito s'ya, at walang kasama. Kaya naman nilapitan ko s'ya, para tanungin.
"Hi." bati ko sa kanya. Nagulat pa ako ng makilala ko ang bata, na kaharap ko ngayon.
"Ate banana que? Ikaw nga po!" Namilog pa ang mata n'ya, ng makilala n'ya rin ako saka yumakap sa akin. Natawa pa ako sa tawag n'ya sa akin.
"Bakit ka narito? Alam mo bang bawal ang bata rito? Sinong kasama mo?" Sunod-sunod ko pang tanong sa kanya. Nang kumulas s'ya ng yakap sa akin.
"Si Nanay Linda ko po, dinala po nila here. Masakit po kasi ang feet n'ya," paliwanag n'ya pa sa akin.
"Nasaan ang parents mo? Tatawagin ko sila," sabi ko pa.
"Tinawagan ko na po, ang Papa ko. Sabi n'ya po he's on the way na." bibong sagot n'ya sa akin.
"Ah ganon ba. Buti naman, sana dumating na s'ya," ani ko pa. Nagdesisyon ako na samahan ko muna s'ya rito. Hanggang dumating ang Papa n'ya. Ang daming kwento ng bata na ito.
Sa nakikita ko. Malambing rin syang bata. Na chika n'ya rin na wala na syang mama.
"Parehas pala tayo. Wala na rin akong Mama," malungkot ko pang sagot.
"Ikaw na lang, Mama ko?" Sabi pa n'ya saka nag beautiful eyes pa. Muntik pa akong gumulong with feelings dahil sa sinabi n'ya.
"Little girl, palabiro kataga." Ani ko pa.
Maya- maya pa tumakbo s'ya ng makilala n'ya ang lalaki na naglalakad. Papa n'ya siguro bulong ko pa.
Gusto ko pa sanang kausapin muna. Pero baka hinahanap na ako ni Hale kaya naglakad na ako palayo. Sayang naman. Mukha pa naman gwapo.
"Baklang Helana! Muntik na akong tubuan ng ugat dito! Ang tagal mo!" Asik pa ni Jordan sa akin.
"Ayaw mo non sisibol ka na!" Pang aasar ko pa. Sabay tawa ng malakas.
"Salamat Jordan, ingat ka sa pag uwi." ani ko pa ng ihatid ko s'ya palabas ng bahay.
Nang makaalis si Jordan, pumasok na ako sa loob ng bahay.
Nagtuloy ako sa banyo para mag half bath mabilisan lang ginawa ko at mahal ang tubig.
Pagbalik ko sa kwarto muli kong binilang ang ipon ko. Kung sapat na ba ito.
Hays malaki pa ang kulang nito. Saan kaya ako kukuha pa? Nabawasan pa s'ya dahil sa binili ko ng gamot ni Hale. Helena fights lang! Makakaipon ka rin! Minsan naiingit ako sa ibang kaedaran ko. Nagagawa nila ang gusto nila sa buhay. Nabibili nila ang gusto nila. Samantala ako, puro trabaho na lang, kung buhay lang sana si Mama.
Wag kang mag alala Helena! Pag naka graduate na si Hale, ng college magagawa mo na ang gusto mo! Paalala ko pa sa sarili.
Napangiwi pa ako ng maalala ko grade two pa lang si Hale. Sana nakakalakad pa ako 'non!