Nanny

1088 Words
Sayang ang gwapo pa naman ng customer ko panira talaga to si Corazon! Nagmamadali pa akong umuwi. Nang puntahan ako ni Ricardo at sabihin na hinahakot na ng mga tauhan ni Corazon ang mga gamit namin. Malayo pa lang tanaw ko na ang tauhan ni Corazon. Sa labas ng bahay namin at bitbit ang mga luma naming gamit. Mabilis akong tumakbo nang makita ko ang isa nyang tauhan na bitbit ang electric fan namin. Sumigaw pa ako ng malakas upang makuha ang atensyon nila. "Hoyyyy! Bitawan mo yan! Napanalunan ko pa 'yan sa raffle sa barangay!" malakas ko pang sigaw. Lumapit ako sa tauhan n'ya para kunin ito. Nang mapansin ko na bitbit naman ng isang lalaki ang lamesa namin na plastic at ilalagay sa sasakyan. Sinigawan ko si Jordan para kunin ito. "Jordan…! Ang lamesa ko! Takbuhin mo bilis!" "Mga walanghiya kayo! Wala na nga akong gamit dito," "Ateeee! Malakas na sigaw ni Hale. kaya naman nilingon ko s'ya. Nakikipaghilahan s'ya sa radyo namin na hawak ng tauhan ni Corazon. "Bitawan mo 'yan!" malakas kong sigaw. "Pamana pa 'yan ng Lolo namin! At pag nasaktan ang kapatid ko. Ilibing kita ng buhay!" Gigil na gigil ko pang sigaw saka ako tumakbo kay Hale. "Baklaaaaa tulong! " malakas na tawag ni Jordan. Nakikipag agawan s'ya sa tauhan ni Corazon. "Punyeta ka! Nag-iisa na nga lang upuan namin! Kukuhanin mo pa!" Tumakbo ako papunta kay Jordan upang tulungan s'ya. Kinuha ko ang kahoy na nadaanan ko at hinampas ko sa tauhan ni Corazon. Buong akala ko tapos na sila muli na naman sumigaw si Hale. "Ateeeee! Ang TV natin," kaya naman dali-dali kong sinaklolohan si Hale. "Shutaaaa ka! Black and white na nga lang 'yan. Pinag interesan n'yo pa!" Sabay hila ko sa TV namin na de pokpok pa para lang magkaroon ng tao. "Hoy! Corazon! Lalayas kayo o buburahin kita sa mundo!" singhal ko pa. "Hoy! Helena! Ang kapal ng ingrown mo! Baka nakakalimutan mo, ang pinag-usapan natin!" banat n'ya pa sa akin. "Hindi ka ba makapaghintay? Wag kang mag alala pag namatay ka. Isusunod ko sa'yo ang bayad!" "Walanghiya ka talaga!" galit na sigaw ni Corazon. "Bibigyan lang kita ng tatlong araw. Para lumayas na sa bahay ko. Dahil kung hindi.. ipakukulong ko kayo! Mga pangit!" banta n'ya pa sa amin. "Manang Corazon, hindi ka rin po maganda. Kahit tumingin ka pa po sa salamin." sabad pa ni Hale sa usapan. Nagulat pa ako sa sinabi n'ya kaya naman mabilis kong tinakpan ang bibig n'ya gamit ang kamay ko. Halos mamatay naman sa kakatawa si Jordan sa tabi namin. Kaya naman siniko ko s'ya. Samantalang halos bumuga ng apoy si Corazon sa labis na pagkapahiya Saka naglakad palayo sa harapan namin. Muli namin binalik ang mga gamit sa loob ng bahay. Wala na talaga akong choice kundi lisanin ang bahay namin. Kailangan ko nang tanggapin na mawawala na ito sa amin. Hindi naman sapat ang ipon ko para ibayad kay Corazon. Baka gamitin ko na lang ito sa pag aaral ni Hale. "Hale, dito ka muna. Babalik pa ako sa palengke. Jordan, samahan mo muna s'ya." Tumango naman ang kaibigan ko. At lumabas na ako ng bahay. Nang makarating ako sa palengke halos paubos na ang iniwan kong pechay kanina. "Bakla! Ito na ang pinag bentahan mo kanina." ani pa no Ricardo sabay abot sa akin ng pera. Hindi ko na naabutan ang gwapo kong customer kanina."Sayang naman." mahinang sambit ko pa. "Bakla! Salamat huh!" ani ko. "Wala 'yon Helena! Ikaw pa ba. Oo nga pala! Naiwan ng huli mong naging customer na matandang babae kanina." "Sino 'don?" kunot noo ko pang tanong. "Yong may gwapo at yummy na kasama. Bago ka umalis kanina. Sinubukan ko syang habulin , kaso nakaalis na s'ya," "Sige ako na bahala rito. Mamaya ko na lang ibabalik. Salamat ulit huh!" "Bakla awra na ako," paalam pa ni Ricardo at naglakad na. Hinintay ko lang maubos lahat ng paninda ko. Para makapunta na ako sa may ari ng ID. Hindi rin naman nagtagal ubos na ang paninda ko. Kaya gumayak na ako papunta sa address na nakasulat sa ID. Malapit lang 'yon dito at ilang beses na rin akong nakapasok sa subdivision nila. Kaya madali lang akong pinayagan ng security guard na pumasok. "Salamat kuya. Ibabalik ko lang ito sa customer ko kanina." sabi ko pa. "Sige Helena, kabisado mo naman sa loob. Saka address 'yan ni Architect." ani pa ni kuya guard. Inisa isa ko ang house number nang tumapat ako sa kulay asul na bahay. " Ang ganda!" bulalas ko pa. Kaagad kong pinindot ang doorbell. Ilang saglit lang lumabas ang matandang babae. Nagulat pa s'ya nang mabungaran ako. "Magandang tanghali po, Nanay," nakangiti kong bati sa kanya. "Magandang tanghali rin, ineng. Diba ikaw si Helena ang tindera ng pechay kanina?" nakangiti pa nyang tanong. "Opo. Ako nga po 'yon. Nay, naiwan n'yo kasi ang ID n'yo kanina." sabi ko pa saka ko kinuha ang ID n'ya sa bag ko. "Naku! Kanina ko pa itong hinahanap! Salamat naman Helena. Iba talaga pag nagkaka edad na." iiling iling pang sabi n'ya. "Paano Nay, una na po ako," paalam ko sa kanya. "Helena pasok ka muna sa loob." yaya n'ya pa sa akin. "Naku! Nay, wag na po." tanggi ko pa sa alok n'ya. "Helena, baka may kilala ka na naghahanap ng mapapasukan. Naghahanap kasi ako ng mag aalaga sa Anak ni Evo," "Talaga Nay? Ako po naghahanap ng trabaho sana. Kaso Nay, may kapatid po ako. Kung pwede po sana isama ko s'ya dito. Habang nagtatrabaho ako," "Nasaan ang mga magulang n'yo? Hindi n'yo ba sila kasama?" tanong n'ya pa. "Naku Nay! Maagang nakipag meeting kay San Pedro," natawa naman si Nanay sa sinabi ko. "Ikaw talaga. Nakakatuwa ka talaga, wag kang mag alala ako ang bahala sa'yo," Namilog pa ang mga mata ko dahil sa sinabi n'ya. "Talaga Nay? Salamat po talaga. Sanay po ako sa gawaing bahay. Kaya wala po kayong aalalahanin. Masarap po akong magluto. At mahilig po ako sa bata." pagmamalaki ko pa. "Sige Helena, bumalik ka dito bukas. Para makausap ka rin ni Evo," Habang naglalakad ako naisip ko ang mga sinabi ko kanina sa alaga ni Nay Linda. Napangiwi pa ako ng maalala ko ang mga 'yon. Baka hindi ako matanggap dahil 'don! Tanungin ko baw naman kung Daks or Juts! "Ikaw kasi Helena, ang tabil mo!" pagalit ko pa sa sarili. Bahala na sana matanggap pa rin ako. Pero may Anak na pala s'ya. Nasaan kaya ang asawa n'ya? Mga tanong ko sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD