Goodluck

1640 Words
"Good morning, baby ko." bati ko kay Ysha pag baba ko. "Good morning, Papa." lumapit pa s'ya sa akin. "Where's Nanay Linda?" "Nasa kitchen po, Papa." Sya naman labas ni Nanay, galing sa kusina bitbit ang sinangag. "Good morning, Nay," "Good morning, Evo. Sya nga pala, ngayon ang dating ang sinasabi ko sayong mag aalaga kay Ysha. Nasabi ko na sa'yo kagabi diba?" "Yes Nay, ikaw na ang bahala. May urgent meeting po ako ngayon." tumango tango naman si Nanay. "Let's eat." ani ko pa. Muling kong hinarap si Ysha na abala sa pagkain n'ya. "Baby ko, Papa can't make it tonight. Sorry, next time na lang tayo manuod ng movie. Baka late na si Papa makauwi." saad ko pa. "Okay lang Papa. Nanay told me may visitors later. Excited na po akong makilala sila." masigla n'ya pang sambit. Good girl. Finish your food." bahagya ko pang ginulo ang buhok n'ya. "Nay, ikaw na bahala kay Ysha. Aalis na po ako." "Sige Anak, dito ka ba kakain?" "Hindi Nay, salamat." Hinalikan ko muna si Ysha saka ako lumabas ng bahay habang nagmamaneho sumagi sa isip ko ang sinabi ni Nanay. About sa tagapag -alaga ni Ysha. Naawa naman ako sa situation kaya pumayag na akong isama ang kapatid. Sa loob loob ko pa, mabuting Ate ito dahil hindi n'ya kayang iwanan ang kapatid mag-isa. Nang matapos ang meeting ng team namin nagyaya si Sky. Sa isang bar kasama ang iba pa namin workmates. Tatanggi sana ako mas gusto ko pang umuwi at makasama ang anak ko. Pero wala na akong nagawa pa. Wala ako sa mood ngayon. Kahit pa kanina pa ako inaakit ni Becca. Well she's my f*****g buddy and clear sa aming dalawa na hanggang doon lang 'yon. And safe ako palagi every time na ginagawa namin 'yon. She's also an architect. Pretty, sexy and wild in bed. But not tonight I'm tired. Kita ko pa ang pagkadismaya n'ya ng magpaalam na ako ka kanila. Medyo tipsy na rin ako. I need to drive home pa kaya control lang ang pag-inom ko. "Pre! I-hug mo ako kay Ysha." ani pa ni Sky tumango naman ako sa kanya. At tinapik ko pa ang balikat n'ya. "Una na ako guys!" paalam ko at naglakad na ako palabas ng bar. "Pre! Ingat." sigaw pa ni Sky. Tuloy-tuloy akong naglakad palabas papunta ng parking lot. Tinignan ko ang relobkog suot alas dyes na. Pamihado tulog na si Ysha. Every weekends routine na namin mag -ama ang manood ng sine or gumala sa park. I'll make sure na may quality time kaming dalawa. Kahit pa gaano ka hectic ang trabaho ko. Mabilis akong nakarating sa bahay. Nakaramdam ako ng hilo habang naglalakad ako papasok sa loob. Kaya naman huminto muna ako saglit. Nang may mapansin akong anino ng tao. Hindi agad ako makakilos dahil sa nakita ko. Isang babae ang nakatayo mahaba ang buhok n'ya. Ilang beses akong kumurap impossible na si Nanay Linda. Bakingkinitan s'ya at matangkad. Kinusot ko pa ang mga mata ko ng ilang ulit. Wala na ang babae na nakita ko. Lasing lang siguro ako. Napailing pa ako saka ako mabilis naglakad paakyat ng kwarto. Pinuntahan ko muna si Ysha sa kwarto n'ya na katabi ng room ko. Tulog na tulog ang Anak ko. Inayos ko ang kumot n'ya at hinalikan ko s'ya sa noo bago ako lumabas ng kwarto n'ya . Nang magising ako kinabukasan napahilot pa ako sa ulo. Nalasing yata ako kagabi mabuti na lang walang pasok ngayon. Kaya plano kong matulog at magpahinga ngayon. Nagtuloy ako sa toilet upang naghilamos sasabayan ko lang kumain si Ysha. Dahil may utang ako sa kanya kahapon. Sa paglabas ko pa lang amoy na amoy ko na ang mabangong amoy ng pagkain. Nakaramdam tuloy ako ng gutom. Pagbaba ko wala sa dining si Ysha at Nanay Linda. Kaya naman nag tuloy ako sa kusina. Abala sila sa pagluluto ng almusal. Bigla kong naalala ang taga pag alaga ni Ysha kahapon nga pala s'ya dumating. S'ya rin siguro ang nakita ko kagabi. Pero bakit parang close na agad sila anak ko base sa nakikita ko ngayon. Tumikhim ako upang kunin ang atensyon nila. "Good morning, Papa," masayang bati ng Anak ko. At hindi man lang lumapit sa akin para bigyan ako ng halik. Abala sa pagbabalat ng itlog na pula katulong ang isang batang lalaki. Malamang ito ang kapatid ng taga pag alaga n'ya. "Good morning po." bati n'ya pa sa akin. Ngumiti naman ako bago ako sumagot. Gwapong bata malamang maganda rin ang ate n'ya sa isip isip ko pa. "Oh! Evo gising ka na pala. Anong oras ka dumating kagabi?" tanong pa ni Nanay Linda. "Alas dyes na Nay, " habang sa babaeng nakatalikod ako nakatingin. In fairness, sexy s'ya. Maganda ang hugis ng legs. Litaw na litaw dahil sa suot nyang maikling maong short. Morena ang kulay n'ya na lalong nakadagdag sa s*x appeal nito. hinihintay ko na lang na humarap s'ya baka maganda lang pag nakatalikod. Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang humarap s'ya sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali. S'ya Lang naman ang napahiya sa akin sa palengke sya ang tindera ng pechay! Tama s'ya nga! Wala akong pakialam kung maganda, sexy at malaki ang dibdib n'ya! Natigil pa ako sa pag iisip ng ma realized ko na pinupuri ko yata s'ya. "Good morning, sir," bati pa n'ya sakin. "A-anong ginagawa mo rito?" "Nagluluto sir, hindi ba halata? May hawak akong pagkain tapos nasa kusina ako? Anong pwede bang gawin dito? Mag swimming?" pilosopo n'ya pang sagot sa akin. "I mean bakit ka nasa bahay ko?" kunot noo ko pang tanong. "Ahh...yon naman pala yon sir. Linawin mo kasi para gets ko." iiling iling pa nyang sagot. "Ganito kasi yon. Kahapon diba naiwan ni Nanay ang ID n'ya sa pwesto ko. Tapos pumunta ako rito para ibalik kay Nanay. Eh sakto naghahanap si Nanay, nang tagapag-alaga ng junakis mo ito na nga-" "So...ikaw pala ang magiging tagapag-alaga ng Anak ko?" putol ko pa sa mahabang paliwanag n'ya. "Tumpak! Ganoon na nga sir. Ang galing mo sir!" Hindi ako makapaniwala na s'ya ang magiging Nanny ni Ysha. Bakit sa daming tao sa mundo s'ya pa? "Papa, remember si Ate banana cue?" tanong pa ni Ysha. "Yes baby ko, the one you told me. Who gave you a banana cue why?" "Yes papa! Her name is Ate Helena. I told you she's pretty like me. Diba Ate Helena?" "Yes baby girl. Maganda tayong dalawa." sang ayon n'ya pa sa sinabi ng anak ko. Mukhang nakahanap ng kakampi. "Ate Helena, Papa told me, gusto ka nyang makilala. You're kind daw po." Pambubuking pa ni Ysha. Dali-dali akong tumakbo sa pwesto ni Ysha at tinakpan ko ang bibig n'ya gamit ang kamay. Baka kung ano pa ang masabi n'ya. Kitang-kita ko naman ang ngisi ni Helena nang tingnan ko s'ya. Bakit parang ako yata ang napapahiya sa sarili kong pamamahay? "Sir, huh!" sinagi pa ni Helena ang balikat ko saka tumawa ng nakakaloko. "Mamaya na natin pag usapan 'yan! Mag agahan muna tayo." ani pa ni Nanay. "Papa, let me go. I will help them." Isa- isa na nilang dinala sa lamesa ang mga pagkain na niluto nila. Naiwan naman akong nakaawang ang labi at labis na nagtataka. Kung anong gayuma ang ginamit n'ya at gusto na agad s'ya ni Ysha? Sumunod na rin ako sa dining area at mukhang ako pa yata ang outsider dito. "Helena, saan kayo pupunta?" narinig ko pang tanong ni Nanay. "Sa Kusina po, Nay. Tawagin n'yo lang po ako pag may kailangan kayo." "Sit down." malumanay kong utos. "Pero sir-" "Sabay-sabay tayong kakain sa bahay na 'to." saad ko pa. Hindi namin itinuturing na ibang tao ang mga naging kasambahay namin. Ganito ang kinalakihan ko mula nang bata pa ako. Mukhang nagulat pa si Helena sa sinabi ko. Kaya naman tinuro ko ang upuan. Kahit pala bastos ang bibig n'ya may hiya rin pala sa isip ko pa. Nilagyan pa ni Helena ng pagkain si Ysha sa plato nito. Habang nagmamasid lang ako sa bawat galaw n'ya. Sunod naman ang kapatid nito ang nilagyan n'ya. Sunod si Nanay. Lalagyan n'ya rin ako ng sinangag pero tumanggi ako. Huli n'yang nilagyan ang plato n'ya nagulat pa nang maglagay s'ya ng kanin. Sa katawan n'ya iisipin mo na diet s'ya. Ibang iba sa mga kababaihan na nakasalamuha ko na. Nakikita ko rin na maasikaso s'ya sa mga bata. Pinaghimay n'ya pa si Ysha ng tinapa at nagsalin ng gatas sa baso. "Helana, come to my office." utos ko pa sa kanya matapos kaming kumain. Nauna na akong naglakad habang nakasunod lang s'ya sa akin. "Have a seat." "Sir, pwede ba tagalog? Ang sakit mo sa bangs!" reklamo pa n'ya. "Sino ba ang boss?" tanong ko. "Ikaw nga sir, baka lang naman pwede." "Umupo ka na ng masabi ko na ang trabaho mo dito." "Maglaba marunong ka?" tanong ko. "Naku sir! Sa sobrang sipag kong maglaba tipong suot mo pa, hinubad ko na!" sagot n'ya. Naubo ako sa sinabi n'ya wala yata talagang matinong magiging sagot ito. "Ms. Magnaya, seryoso ako." "Sorry naman sir. Pinapatawa lang kita. Seryoso mo masyado tsk!" katwiran n'ya pa. Matapos kong isa isahin wala naman siyang naging reklamo pa. "Si Ysha ang priority mo dito. Ang safety n'ya ang mahalaga." "Kayang-kaya ko 'yan sir! Ikaw gusto mo alagaan din kita?" biro pa n'ya na kinataas ng kilay ko. "Isa pa pala… ayaw ko ng maingay!" "Ay sir sobra! Hindi naman ako maingay!" "Ayaw ko rin… nang palasagot." dagdag ko pa. "Sir, nangangatwiran lang-" "Gusto ko ng tahimik." putol ko sa sasabihin n'ya. Bigla naman na tahimik si Helena dahil sa mga sinabi ko. Nang makalabas s'ya ng opisana ko napahilot pa ako sa sentido. Mukhang stress ang aabutin ko dito. Lahat ng sinabi ko may sagot s'ya. Goodluck talaga Evo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD