Nagising ako kinabukasan na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Unti-unti akong nagmulat ng mata at pilit inaalala ang nangyari kahapon. Ang natatandaan ko lang nag-inom kami ni Sky dahil nagtatampo ako sa kanila. Kasi kahit isa walang bumati sa akin. Kahit si Dad at Mom. Nagtataka ako paano ako nakauwi dito? Saka bakit parang may mga bisita sa baba kagabi. Tumayo ako sa kama at nagtungo sa shower room baka sakaling maalala ko, ang mga nangyari pagnaligo ako. Mabilis kong tinapos ang paliligo ko. At wala naman akong balak pumasok ngayon. Dahil masakit ang ulo ko saka natapos ko na ang work ko kahapon. Dali -dali akong bumaba at nang makita nila ako, nagtaka pa ako bakit parang ang tahimik nilang lahat. At masama ang titig sa akin. "Good morning darling, Ysha at Hale!" masiglang bati ko

