Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ng maisukat ko ang wedding gown kanina. Para akong nakalutang sa alapaap. Sobrang saya ng puso ko sa mga oras na ito. Sa wakas ang pangarap ko mangyayari na. Magiging ganap na akong Mrs. Galledo ilang buwan na lang. Hinaplos ko pa ang singsing na nakasuot sa daliri ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magkakaroon na ako ng sariling pamilya. Napapangiti pa ako habang nakaupo sa duyan. Hindi kasi ako makatulog ngayon kaya lumabas na lang muna ako. Upang magpahangin muna. Ang sarap ng simoy ng hangin ngayon. Langhap na langhap ang bango ng mga palay. Hinayaan kong liparin ng hangin ang mahaba kong buhok. Balak ko na sanang magpagupit ngunit ayaw naman ni Trevor. Gusto n'ya ang mahaba kong buhok. Nagulat pa ako ng biglang may tumak

