Nagising ako sa tunog ng cellphone ko ayaw ko sanang bumangon. Lalo't katabi ko ang babaeng malapit ko ng maging asawa. Ilang linggo na lang ganap na syang Mrs. Galledo, napangiti pa ako sa isipin na ito. Dahan-dahan akong bumangon upang hindi magising si Helena. Inayos ko ang comforter na tanging tumatakip sa hubad nyang katawan saka ko s'ya kinantilan ng halik. At kaagad kong isinuot ang boxer ko at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng table lumabas ako ng kwarto at nagtuloy sa opisina ko. "Hello Caraig. Anong sa atin brod? Nagpatawag ka?" "Galledo, pwede ba tayong magkita mamaya? May dapat kang malaman tungkol sa pagkamatay ng asawa mo. Sa wakas brod, ito na!" Bigla naman akong nanlamig sa sinabi n'ya ang tagal kong hinintay na magkaroon ng linaw ang lahat. At kung sino man ang may pana

