"Hijo, are you okay?" untag ni Mommy sa akin. Kaya naman napalingon pa ako. Alam na nila ang nangyari about me and Helena. At hindi sila nagsalita ni Dad, about sa mga nangyayari. I know nasaktan si Mom, kahit hindi n'ya sabihin. Ayaw n'ya lang ipakita sa akin. She loves Helena so much, kaya alam ko masakit sa kanya ito. "Oh! Mom, bakit gising ka pa? Baka hanapin ka ni Dad. Hindi pa naman sanay 'yon na wala ka, sa tabi n'ya" biro ko pa. Natawa naman si Mom habang napapailing. Umupo s'ya sa tabi ko at kumuha rin ng beer. Nagulat pa ako ng tunggain n'ya ito. Like what the? "Whoa! What's happening here!" bulalas ko. "What? Gulat ka? Ngayon mo lang nakita si Mommy, na uminom?" Natatawa nyang tanong. "Kung hindi mo na tatanong, sa pustahan sa alak kung bakit ko, napilit ang Daddy, mo noon

