CHAPTER 3

1100 Words
ELEANA’s POV Lahat yata ng pagmamay-ari ng mga Lucifer ay marangya. Mas lalo na rito sa loob ng bahay nila. Nakakalula. Nakakahilo. Lahat yata ng gamit dito ay puwedeng nakawin at puwedeng isanla sa pawnshop kung gusto mong magkapera. Dalawang kulay lang ang halos nakikita ko sa loob nitong bahay. At iyon ay ang itim at puti. Maganda at elegante. Sigurado na pulido ang bawat pagkakagawa ng sulok nitong bahay. “Kumain ka na muna. Sigurado na hindi ka pa kumakain bago pumunta rito. Sumunod ka sa akin.” Napatingin ako sa likuran ni Tyron. Ang totoo ay hindi ko inaasahan ang ganitong pagtanggap mula sa kahit sinong miyembro ng pamilya Lucifer lalo pa at kilala ang pamilya nila. Kilala ang pamilya nila hindi lang dito sa Pilipinas. Maging sa ibang bansa ay matunog ang apelyido nila. Lucifer. Paano nga ba hindi magiging matunog kung very unique ang surname mo, hindi ba? Pangalan pa ng sikat na fallen angel. “Eleana?” untag ulit sa akin ni Tyron kaya kaagad akong sumunod sa kaniya. Hinintay niya naman ako kaya sabay na kaming naglalakad patungo sa isang silid. “Malalim yata ang iniisip mo.” “Ah.” Napakamot ako sa ulo. “Naisip ko lang kasi na kapag yata may nakawin ako dito kahit isang gamit sa loob ng bahay ninyo, yayaman na ako.” Huli na para ma-realize ko ang sinabi. Hindi ko na napigilan pa ang bunganga ko sa pagiging matabil. “Iyan ang huwag na huwag mong gagawin. Galit ang pamilya namin sa magnanakaw.” “Bakit?” Kumurap ako. Hindi ko napansin na tumigil na pala ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. “Alam mo naman siguro na may mga ilegal kaming gawain. Pero hindi isa roon ang pagnanakaw. Para sa aming mga Lucifer, mas matinding kasalanan pa ang magnakaw kaysa ang pumatay.” Nakuha niya ang atensiyon ko dahil sa sinabi niya. Kung ganoon ay totoo nga ang sinabi ni Mrs. Arsenia sa amin. Hindi maikakabit ang salitang magnanakaw sa pamilyang ito. Ayon na rin kay Mrs. Arsenia, hindi rin mga sinungaling ang mga Lucifer. Kaya kapag tinanong mo sila kung sino ang mga pinatay nila, aaminin nila iyon sa iyo. Aamin sila na hindi nagmamayabang. Parang natural lang na sagot sa isang katanungan na gusto mong marinig. “Ano ang ginagawa ninyo sa mga taong nahuhuli ninyong nagnanakaw?” Alam ko na kasalanan ang magtanong ng kung ano-ano, pero may kung ano sa loob ko na gustong umalpas. May gusto akong malaman para kahit papaano ay magkaroon na kahit katiting man lang na kasagutan ang gumugulo sa isipan ko. “Pinuputulan namin ng kamay at hinahayaan hanggang sa tuluyan itong mamatay.” Napaatras ako habang tutop ko ang bunganga ko. May isang alaala na gustong kumawala sa isipan ko. Napapikit ako nang mariin. “Oh, come on, T. Stop scaring her.” May kamay na humawak sa kamay ko. “Ey, Miss, are you okay?” Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at saktong tumama iyon sa kulay asul na mga mata. Isang magandang babae ang nakangiti sa akin habang nakaupo ito sa silya na de-gulong. “Namumutla ka, ah? For sure, hindi ka pa kumakain. Lahat kasi ng dinadala rito ni Arsenia ay hindi niya muna pinapakain, eh.” Ngumiti ulit siya sa akin bago niya binalingan si Tyron. “Ako na ang bahala sa kaniya. May lakad pa, ‘di ba?” Itinaas ni Tyron ang kaliwang kamay niya kung saan naroon ang mamahalin nitong relo. At tila ba may naalala na matagal nitong nakalimutan nang walang pasabi na tumakbo palayo sa amin. “Bye, see you later, T.” Hindi na nasagot pa ni Tyron ang sinabi ng babaeng lumpo dahil nawala na ito sa paningin namin. “Itulak mo ang wheelchair ko, please?” “Ah, sige po, Miss.” Naglakad ako papunta sa likuran niya at nagsimulang itulak ang wheelchair niya sa lugar na itinuro niya. Tahimik lang naming binabaybay ang may kahabaang pasilyo hanggang sa dumako kami sa labas ng mansiyon, sa bahaging likuran. Mula sa kinatatayuan namin ay tumambad sa akin ang mahabang kahoy na lamesa. Halos mapuno iyon ng pagkain sa ibabaw. Pero hindi ang mga pagkain ang nakaagaw ng atensiyon ko, kundi ang dalawang tao na nag-uusap habang kumakain. Sa tingin ko ay ang dalawa ang haligi at ilaw ng tahanan ng Lucifer. Makikita sa features ng lalaki ang pagiging Kastila nito, habang ang babae naman ay makikita ang Western features nito. “Good afternoon.” Dahil sa sinabing iyon ng babaeng tulak-tulak ko ay naglingunan sa gawi namin ang dalawa. Sa akin natuon ang atensiyon ng dalawa kaya napayuko ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pakiramdam ko ay naumid ang dila ko dahil sa presensiya ng mag-asawa. “What is your name, hija?” Unti-unti ay inangat ko ang mukha ko. Buo, pero mababaw lang ang boses ng head of the family nila. Mabagal din itong magsalita kaya kahit marami itong sasabihin sa akin ay sigurado na maiintindihan ko. Ibinuka ko ang bibig ko para sana magsalita nang biglang magkaroon na naman ng komusyon dahil sa pamilyar na boses na nauulinigan ko. “Pakawalan ninyo ako! Wala akong kasalanan!” Napalingon pa ako sa mga bagong dating, pero agad ring nag-iwas nang magtagpo ulit ang mga mata namin ni Constantine. “Don’t mind them. Halika na at umupo na tayo. Gusto kong kumain na kasalo kita.” Bilang katulong, at dahil amo na ang nag-utos sa akin ay agad akong naglakad sa isang upuan. Tumawag ng isang katulong ang dalagang lumpo kaya lumapit ito sa amin. “Lagyan mo siya ng pagkain sa plato, Amanda, please,” malambing na saad nito sa babaeng sa tingin ko ay ilang taon lang ang tanda sa akin. “Yes, Miss Amethyst.” “By the way, I’m Amethyst. Ikaw, ano ang pangalan mo?” “Eleana, Miss Amethyst.” “Wow, what a lovely name. Bagay sa iyo ang pangalan mo, maganda. Kasingganda mo.” Sa gulat ko ay biglang tumawa ang babaeng hawak ng mga tauhan nila. “Sa ganiyan din tayo nagsimula, Amethyst, hindi ba? You’re like an angel back then, kaya wala akong nagawa kundi mahulog sa charm mo. But look at me now! Lahat ng magaganda sa paningin mo, sinisira mo, Amethyst, dahil ganiyan ang tunay na ikaw!” Ano ang ibig niyang sabihin? Nagkatitigan kami ng babae nang tumingin ako sa kaniya. “Kaya ikaw, kung ako sa iyo, mag-iingat ako, lalo na sa babaeng iya—” Kasabay ng pagputok ng baril ay ang pagdilim ng paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD