CHAPTER 2

1053 Words
ELEANA’s POV Paano ba dapat ako kumilos sa harap ng napakagandang mga mata ng lalaki? Malamig ang mga mata niyang kulay abo na nakatunghay sa akin. Tila walang buhay iyon, at walang emosyon. At para bang ang may-ari ng mga matang iyon ay hindi man lang naranasan na umiyak kahit isang beses man lang. Tumikhim ako kasabay ng pagbaling ng paningin sa ibang bagay. Malamig man ang hatid ng mga mata niya ay nakakapaso naman iyon kaya hindi ko makuhang makipagtitigan sa kaniya nang matagal. “Bago ka rito?” Nagsalita ang nagngangalang Tyron kaya pakiramdam ko ay may nabasag sa pagitan naming lahat dahil sa ginawa niya. Nagpakurap ako at handa nang magsalita nang may nagsidatingan naman na apat na nagpaka-suit na itim na kalalakihan habang may kinakaladkad na babae na nagpupumiglas. “Bitiwan ninyo ako! Mga hayop kayo!” sigaw nito kasabay ng pagbalya sa mga taong nakahawak dito. Subalit ang lakas ng babae ay hindi sapat para makakawala ito sa tila bakal na mga kamay na nakahawak dito. May humawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa nagmamay-ari ng kamay na iyon. Tyron? Nagtatanong ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin kaya halos mawala ang maliit niyang mga mata. “You want to come inside? Namumutla ka, eh. Baka kako kailangan mo ng tubig.” Malumanay ang boses ni Tyron, hindi katulad ni Constantine na pakiramdam ko ay tila kulog iyon dahil sa pagdagundong nang magsalita ito kanina. Indikasyon ang boses ni Constantine ng authority, unlike this one na friendly. Napalunok ulit ako bago ako sumulyap sa babae na kahit nagpupumiglas pa ay kakikitaan na ng luha sa mga mata. Puno na rin ng takot ang magandang mukha nito. “Ano po, Master Tyron, kayo na po ba ang bahala kay Eleana? Aalis na ho ako. Kailangan na ako ngayon sa agency ko.” Sa edad nito ay halata ang paggalang sa paraan ng pakikipag-usap nito sa binatang Lucifer, na hindi ko na ipinagtaka dahil kahit malaki ang agwat ng edad ng dalawa, ay napakalaki naman ng agwat ng estado ng buhay sa pagitan ng dalawa. Nang tingnan ko si Tyron ay nakangiti siya. Maaliwalas ang mukha niya, hindi katulad ni Constantine na seryoso ang mukha. Tinapik pa ni Tyron ang balikat ni Mrs. Arsenia bago ito tumango. “Mag-ingat ka sa pag-uwi, Mrs. Arsenia. Salamat ulit.” Matapos niyang kausapin si Mrs. Arsenia na ngayon ay palabas na ng gate ay saka niya naman ulit ako binalingan. “Tara sa loob?” aya ni Tyron sa akin pero imbes na tumango ay napatingin ako sa gawi ng babaeng hawak ng mga tauhan nila. “Paano siya?” Hindi ko pa napigilan ang kamay ko kaya itnuro ko pa ang gawi nila. Sakto naman na napalingon sa akin ang babae. Ngumisi siya sa akin kahit pa nga may luha sa mga mata niya. “Ikaw, mamamatay ka rin! Kakainin ka nang buhay ng mga Lucifer sa impiyernong ito!” Matapos niyang sabihin iyon ay saka siya humalakhak nang malakas. Napayuko ako. Mukhang nababaliw na ang babaeng iyon kung titingnan. “Don’t mind her. She’s not sane.” Sa ikalawang pagkakataon ay hinawakan ni Tyron ang braso ko at tuluyan na akong hinila palayo kina Constantine. Sumakay kami sa sasakyan na naka-park hindi kalayuan. Si Tyron ay pumwesto sa driver’s seat at para makaiwas na hindi kami magtabi ay sa likurang bahagi ako sumakay. Nilingon niya ako nang makaupo na ako. He half smiled. “Dito ka umupo sa tabi ko. Hindi mo ako driver.” Hindi nakaka-offend ang paraan ng pakikipag-usap niya sa akin. Nakangiti pa nga siya. Magaan ang loob ko sa kaniya kahit pa nga nabibilang siya sa pamilya ng pumapatay ng mga tao. Bilang pagsunod sa sinabi niya ay umibis ako sa sasakyan at naglakad papunta sa front seat. Nang masiguro niyang komportable na ang pagkakaupo ko ay saka niya pinaandar ang sasakyan. Akala ko nga ay hindi siya magsasalita, pero nagkamali ako. “Huwag kang maglilibot dito sa gabi.”  Napatingin ako sa kaniya. Sinalubong niya naman ang mga mata ko kahit pa nagmamaneho siya. “Bakit po, Master Tyron?” “Hulaan mo kung bakit.” “May gumagala po bang masasamang espirito dito?” Tumawa siya dahil sa sinabi ko. “Hindi mo kailangan na makakita ng demonyo para maniwala na nag-e-exist sila, dahil ang ibang mga tao mismo ay mga demonyo na nag-anyong tao. Seeing a demon is not necessary, because people are capable of doing wicked things. Or if the devil doesn't really exist, man will find a way to create him. Naniniwala ako na bawat isa sa atin ay may nakatagong demonyo sa kasuluk-sulukan ng pagkatao natin.” Napamaang ako sa sinabi niya. “At lalabas iyon kapag gugustuhin natin, ganoon ba, Master Tyron?” Umiling siya. “Hindi. Mali ka. Lalabas lang ang demonyo sa pagkatao natin depende sa kaharap natin.” Tumango ako bilang pagsang-ayon. Sa ikli ng oras na narito ako ay masasabi ko na mabait ang isa ito. Payapa ang mukha niya, kabaliktaran naman iyon sa bibig niyang hindi yata mapipirme kapag hindi nagsasalita. Gwapo si Tyron, sa totoo lang. Singkit ang mga mata niya na parang ngumingiti kapag nagsasalita siya. May kahabaan ang hanggang batok niyang buhok na kulay pula na bumagay sa kaniya dahil maputi siya. Matangos ang ilong na makipot kaya ang sarap pisilin. Payat si Tyron pero matangkad. Hindi masagwang tingnan para sa isang lalaki ang katawan niya. At higit sa lahat, mabango siya. Kahit yata sampung araw siyang hindi maligo ay hindi siya babaho. “You like what you’re seeing?” Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Masiyado yata akong nawili sa pagtunghay sa mga mukha niya kaya hindi ko namalayan na matagal ko na siyang tinititigan. “We’re here,” anunsiyo niya at tumambad sa akin ang napakalaking mansiyon. Pakiramdam ko ay nasa isang fairytale movie ako dahil sa ganda ng bahay na nakikita ko. “Bahay ninyo? Ang ganda,” wala sa sariling saad ko. Napalingon ako nang tumawa si Tyron. “Bakit?” “Why? Are you expecting a terror house?” Napalunok ako. “H-ha? H-hindi po, M-Master Tyron.” Halos pumilipit na ang dila ko sa pagsagot. “Relax lang. Nagbibiro lang ako. Mabuti pa ay bumaba na tayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD