Profile/One:

1509 Words
Name: George Timothy Gonzales Age: 27 Height: 6 ft Description: He is tall, dark and so handsome but he never smile. His hair and his eyes is black that makes his aura dark as it really is. Hobbies: Ignoring everyone, being strict all the time and having a motto of "money is all that matters". Business: Neverland Theme Parks Complex: His troublemaker fiancé. ------------- Please Vote! "Miss Sakay?" Alok niya sa dalagita na nasa gilid ng kalsada at binusinahan ito ngunit umiling ito. "Sakay! Sakay! San Jose!" Alok pa niya sa mga taong nasa gilid ng kalsada at itinigil ang sasakyan ng may pasehero na gustong sumakay. "Maki asog nga lang ho." Magalang niyang sabi sa mga pasehareo upang maka upo ang isang teacher na babae. Isa lamang ang pag pasada sa mga pang araw araw na trabaho niya. Sa umaga ay nagba bagsak siya ng mga tanim nilang gulay sa bayan at sa iba pamg maliliit na mini mart at restaurant. Pagkatapos ay pumapasada siya ng jeep hanggang hapon. Sa gabi naman ay namamasukan siyang cook sa isang restaurant malapit sa Mall. Ganoon lumilipas ang araw araw niya na buhay dahil ayaw niyang nag aaksaya ng kahit kaunting oras man lang. Hindi lahat ng babae ay kaya iyon este kahit lalaki pala dahil imbis nga naman na siya ay mag focus sa pagpapaganda at pag aalaga sa sarili ay heto siya kayod kalabaw at iniinda ang matinding sikat ng araw. Upang kumita ng pera at matupad ang pangarap nila ng kanyang ama na makapagtayo ng restaurant nila balang araw. Hindi naman sa nagmamalaki sila ngunit bukod kasi sa mahilig sila mag luto ay magaling din sila mag luto lalo na ang kanyang ama. Kaya na ngako sila na gagawin ang lahat para matupad ang kanilang pangarap. Ito naman ay namamasukang driver ng isang negosyante. Ito na lamang ang natitira niyang magulang dahil namatay na ang kanyang ina ng siya pa ay nasa high school. "Manong, ang luwag luwag doon! Bakit ba siksik ka ng siksik sa tabi ko?" Narinig niyang reklamo ng na iirita niyang dalaga na pasehero sa isang middle aged na lalaki. "Eh sa gusto ko nga dito ma upo eh!" Narinig naman niyang depensa ng lalaki. Napansin niya na hindi naman ito lasing at matino ang pag iisip nito. Saka maluwang naman ang puwesto sa harap kaya bakit sumisiksik ito sa dalaga? Maliban na lang kung may motibo ito. "Tinamaan ng magaling!" Na iinis niyang sabi sa sarili saka tinapakan ng madiin ang preno. Halos naman mawala ang balanse ng lahat ng kanyang pasahero at naguguluhan kung bakit siya huminto sa gitna ng public lane. Hindi naman siya nag aksaya ng oras at binaba ang m******s na lalaki upang maturuan ng leksyon. "Manong, heto 'yung binayad mo. Sumakay ka na lang sa ibang jeep. Tinatakot mo ang mga pasehero ko." Marahan niyang sabi sa at ibinigay dito ang binayad nito kanina. "Bakit ako bababa?! Ganito ka ba tumrato ng pasehero?!" Nagagalit na singhal nito. "Pasensiya na manong pero sa iba na lang kayo sumakay." Sabi niya dito. Na iinis naman na sumunod ito sa kanya. "Salamat, Kuya." Pasasalamat ng dalagita sa kanya. Hindi naman niya alam kung matatawa o ma iinis dahil napagkamalan pala siya nitong lalaki dahil sa ayos niya. Naka tago kasi ang kulot niyang mahaba na buhok sa kanyang Miami Heat na cup at naka Large na itim siyang t- shirt na dinoblihan ng long sleeve at loose na pants saka converse. Tinanguan na lang niya ang dalaga at pinaandar na muli ang makina. Hindi iyon ang unang beses na naka encounter siya ng ganoon na pasehero. Wala na talagang matinong lalaki sa Pilipinas. ***** "Oh, anak kawaan ka ng Diyos." Sabi ng kanyang ama ng nag mano siya pagkadating. "Kumain ka na at baka mahuli ka pa sa shift mo." Anyaya ng kanyang ama pagkatapos ay nag hain na ito. "Sige, Tay." Sabi niya at umupo na sa lamesa. "Kamusta ang pasada?" Tanong nito sa kanya habang kumakain. "Maganda Tay kasi pasukan na naman kasi. Kaya marami pasahero." "Ay, Hija dumaan nga pala si Loretta dito kanina. 'Yung ipapa deposit mo daw sa bangko para sa buwan na ito dadaanan na lang daw niya bukas." Dagdag pa nito. "Ah oo nga pala, paki bigay na lang 'yung kinita natin para sa buwan na ito." Bilin naman niya dito. "Sige, ibibigay ko bukas sa kanya. Hay sa wakas anak ilang buwan na lang marahil at makakapag tayo na tayo ng maliit na kainan. Magbubunga na din ang ilang taon nating pagsisikap at pag iipon." "At kapag kumita na ang ating kainan maitutuloy mo na din ang iyong pag aaral ng kolehiyo. Makalipas ang 7 taon." Masayang sabi ng kanyang ama. Kung tutuusin dapat ay matagal na silang may sapat na ipon ngunit noong nakaraang taon lamang sila nakabayad sa perang inutang nila noong nagkasakit ang kanyang ina. Nagkaroon kasi ng malubhang karamdaman ang kanyang ina noon na dahilan upang i- admit nila ito sa ospital at dahil sapat lamang sa kanila ang kinikita ng ama ay hindi ito naging handa sa pagkakasakit ng kanyang ina. Halos anim na buwan itong naka admit sa ospital at hanggang sa oxygen na lamang ang sumosuporta dito. Ayaw nila itong sukuan dahil hindi pa din sila nawawalan ng pag aasa na gagaling ito. Hanggang sa makalipas naman ang isang taon ay ang ina na din niya ang kusang sumuko. At dahil sa lending at 5'6 sila nangutang ng pang bayad sa pang pa ospital nito ay nabaon sila ng labis sa utang dahil sa nagpatong patong na interest na sabay sabay lumaki kaya't hindi na din niya na ituloy ang kanyang pag aaral. Wala naman na kasi silang kamag anak na maaring tumutulong sa kanila dahil sila na lamang tatlo ang natitirang magkaka pamilya. "Hindi ko naman kailangan mag tapos pa Tay. Kontento na ako sa ganito." Sabi naman niya dito. "Huwag matigas ang ulo mo. Kapag nakatapos ka marami kang maaring makuhang magandang trabaho. Hindi naman puwede habang buhay jeepney driver ka samantalang kababae mong tao."pag uumpisa na naman ng sermon nito sa kanya. "Paano ka magkaka asawa niyan? Kung ako nga lang ang masusunod gamitin mo na lang ang na ipon natin sa pag aaral mo kaysa sa pagbubukas ng kainan." Pagtatapos nito. "Hindi puwede, Tay! Kailangan natin ma itayo ang restaurant na pangarap niyo ni Inay." Pag tutol niya dito. "Oh siya sige, pero mag aaral ka." Pag suko naman nito sa pakikipagtalo sa kanya. Minabuti na lang niya kumain dahil malapit na siya mahuli sa kanyang shift sa restaurant. ***** "Mira, seafood casserole, shrimp tempura at set B daw sa table number 4." Order sa kanya ni Kim ang kaibigan niya na waitress na nagta trabaho din sa restaurant na pinapasukan niya. Asian theme ang kanilang restaurant kaya Asian cuisine din ang kanilang menu. "Okay! Coming!" Masigla at naka ngiti niyang sabi dito. Ngayon ay naka shift siya bilang cook hanggang alas onse ng gabi. Tatlo silang naka toka na cook ngunit parang mag isa lamang siya dahil sa dami ng customer nila ngayong gabi. "Mira, matagal pa ba ang order sa no.2?" Tanong naman ng waiter na si Chad. "Heto na! Heto na nga!" Naka ngiti na lamang niyang sabi. "Ayos ka talaga Mario." Natutuwang sabi nito. Iyon kasi ang palayaw sa kanya ng mga kakilala niya. Lalaking version daw ng "Mira" ang "Mario". Noong high school pa niya nakuha ang palayaw na iyon dahil mahilig siya makipag away kahit lalaki pa ang kaharap niya. Paano ba naman mga pang asar ang mga ito kaya hindi niya ma iwasan patulan kaya sa huli ay pareparehas sila umuuwi ng may pasa sa mukha. Hindi nag tagal sa dami ng order ay mabilis na lumipas ang oras at mag aalas onse na din. At iilan na lamang ang kanilang customer kaya sinimulan na niya linisin ang kalat at itapon na ang mga natirang basura. "Manang, kunin ko na basura niyo at para ma isabay ko na sa pagtatapon." Sabi niya sa matanda. "Naku, hulog ka talaga ng langit Mira." Natutuwang sabi nito. "Oo nga, Mira. Napaka bait mo kung may anak ako na lalaki. Irereto talag kita." Pambo ola naman ng isang matandang babae. "Naku, huwag niyo na nga po akong bolahin para magtatapon lang ng basura eh." Naka ngiti niyang saway dito. Pagkatapos niya makuha ang mga basura ay dumaan siya sa employees entrance upang doon iyon ilagay dahil bukas ay dadaanan iyon ng nagbabasura. "Siguro kailangan ko na talaga tanggapin ang day off na inaalok ni Ma'am." Sabi niya sa sarili pagkatapos mag buga ng hangin nang maramdaman ang pagod dahil sa dami ng kanyang trabaho at sideline. Naka tanaw siya sa bitwin habang nasa tabi ng poste at namamahinga nang bigla na lamang may mabilis na mamahaling sasakyan na papunta sa direksyon niya at nawala ito sa public lane. "Waah!" Na isigaw niya sa magkahalong gulat at takot kaya't nawalan na din siya ng balanse at napa upo sa sahig. Hindi naman nag tagal ay bumaba ang hudyong driver. ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD