"Waah!" Na isigaw niya sa magkahalong gulat at takot kaya't nawalan na din siya ng balanse at napa upo sa sahig. Hindi naman nag tagal ay bumaba ang hudyong driver.
"Ayos ka lang?" Insincere na sabi ng lalaki na bumaba mula sa sasakyan. Hindi naman na niya na iwasan magalit dito dahil mukhang wala itong paki alam kahit na masagasaan siya nito.
"Papatayin mo ba ako?!" Singhal niya dito at sapo ang balakang na tumayo.
"Mukha namang ayos ka lang." Pa pilosopo pa na sabi nito.
"'Yan lang ba masasabi mo pagkatpos mo ako muntik sagasaan?!" Sigaw niya dito.
"Hindi ko naman sinasadya may dumaan kasi na aso iniwasan ko lang at saka hindi ka naman nasaktan." Antipatiko pang sabi nito. Madilim sa paligid at tanging ilaw lamang sa poste ang nagsisilbi nilang liwanag kaya hindi siya marahil maaninag nito.
"Hindi ka ba hihingi ng tawad?!" Bulyaw niya ulit dito pagkatapos makatayo.
At ngayon ay na estatwa siya. Napaka guwapo naman kasi ng lalaki na kaharap niya at hanggang balikat lamang siya nito. Hindi naman niya mapigilan na titigan ito.
"Why would I do that? Hindi ko naman sinasadya and you're not even hurt." Presko pa na depensa nito sa kanya.
At kahit guwapo pa ito ay hindi napigilan ng kanyang tainga na mag pintig dahil sa kasamaan ng ugali nito. Aanhin mo naman ang guwapo ngunit akala mo naman kampon ng dilim dahil sa sama ng ugali.
"Aba'y! Hoy! Mister! Ikaw na nga itong muntik maka sagasa ikaw pa itong nagmamalaki! Natural lang sa tao na huminga ng dispensa lalo na't kapag naka sakit siya!" Bulyaw niya dito.
"Tignan mo, nasugatan ako dahil sa'yo kaya dapat lang huminga ka ng tawad! At huwag mo akong english- english- in!" Hindi na niya nakapag pigil na angil dito at dinuro pa ang dibdib nito.
Nakita naman niya ang pag silay ng ngiti sa mga labi nito. At hindi niya maintindihan kung bakit. Nasisiraan na marahil ito ng ulo o talagang sira na talaga siguro ang ulo nito noon pa.
(Lord, ang guwapo naman nito!) Hindi niya ma iwasan na humanga dito. At lumapit naman ito sa kanya.
"So, 'yun pala ang ikinagagalit mo. Now, I know." Tila naman na iintindihan na sabi nito.
At saka nito dinukot sa bulsa ang wallet nito. Naguguluhan naman siya na tiningnan ito. Ano kaya ang binabalak nito g gawin?
"Here's a cash. Bahala ka ng ipagamot 'yan. Ito lang naman ang hinihintay mo di' ba? Kasya na marahil ito para diyan sa maliit na sugat mo."
"I'm too busy to play with your games kaya heto kunin mo. Marami pa kasi akong kailangan gawin." Antipatiko na sabi nito.
Pagkatapos ay inabot sa kanya ang apat na isang libong piso siya naman ay tinignan lamang ang pera sa kamay nito. At feeling naman niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa utak sa sobrang galit dito. Bukod pala sa mayabang, presko, antipatiko at masama ang ugali nito ay napaka matapobre din ng Hudyo!
"Hindi ako ganoong klaseng tao." Matigas niyang sabi dito at tinalikuran ito ngunit hinabol siya nito.
"Huwag ka ng mahiya. Ito naman talaga ang gusto mo d--- " Hindi nito natuloy ang sinasabi dahil na ibaligtad at na ihagis na niya ito ng malakas sa sahig dahil sa inis dito.
"Awww." Daing naman nito sa sakit at nasa sahig pa din. Kinuha niya ang pera sa sahig saka tumalungko sa naka higang lalaki.
"Hindi lahat ng tao mukhang pera tandaan mo 'yan. Oh, ito ang pera gamitin mo pang pa ospital mo. Baka kasi nabalian ka." She said to him.
Kitang kita naman niya ang galit sa mga mata nito na tila kakainin siya nito ng buhay ano mang oras.
And put the money inside his polo's pocket. And she gave him a smirk before she leaves. Narinig naman niya ang marahan na habol nito sa kanya ngunit hindi niya ito nilingon. Dapat lang naman iyon dito kung tutuusin kulang pa iyon dahil sa panlalait at pagtapak nito sa kanyang dignidad.
"Guwapo sana kaya lang kampon naman ng dilim." Pa iling iling niyang sabi sa sarili.
-----
"Aling Mina ito na po 'yung order niyong gulay. Saan ba ito ibababa?" Tanong niya sa middle age na matanda na nagtitinda ng gulay sa maliit na convenient store.
"Naku, Mira! Mabigat 'yan. Sandali ipapatawag ko si Ton- Ton para siya na mag buhat niyan." Nag aalala na sabi nito sa kanya.
"Huwag na ho, baka magalit pa 'yung anak niyo sa inyo kapag naabala niyo siya sa pagdo- dota. Magaan lang naman ito. Saan ho ba ito ilalagay?" Tanong niya ulit dito.
"Diyan na lang sa gilid. Naku, ikaw talagang bata ka. Kababae mong tao para kang lalaki sa lakas." Sabi naman nito sa kanya.
Matapos niyang kuhanin sa jeep ang gulay ay ibinaba naman niya ang order nitong isang sako na sibuyas, bawang, patatas, saka repolyo sa gilid. At saka niya nginitian ang matanda.
"Oh, heto ang bayad. Salamat." Natutuwa namang sabi nito saka inabot ang pera sa kanya.
"Teka, sobra ho ito." Sabi niya dito.
"Naku, hayaan mo na. Mabait at lagi ka naman on time kaya isipin mo na lang na bonus." Naka ngiti pa din na sabi nito. Napa kamot naman siya sa ulo at ngumiti na lang.
"Salamat ho." Pagpapasalamat na lang niya at ngumiti bago tuluyang umalis.
"Manong ang sabi ko sa'yo mag banat ka ng buto, hindi 'yang namamalimos ka." Saway niya sa matandang lalaki na madungis na sumalubong sa kanya.
"Ikaw, naman Mira. Nag iipon lang ako ng puhunan." Katwiran naman nito.
"Hay naku, manong para namang hindi kita kilala." Na iiling na sabi niya dito.
"Heto ang isang bundle na talong. Ibenta niyo. 30 per kilo niyan. 25 isang kilo kapag pinakyaw lahat 'yan." Sabi niya dito at inabot ang isang bundle ng talong dito mula sa jeep.
Umaliwalas naman ang expression nito sa mukha.
"Hulog ka talaga ng langit, Mira!" Nagagalak na sabi nito.
"Oh, Manong mahirap mamitas niyan kaya huwag mo sayangin. Kapag nakita pa kitang namamalimos hindi na kita kaka usapin, sige ka." Pananakot pa niya dito.
"Itong bata nare, tinakot pa ako." Napaamot na,an sa ulo na sabi nito.
"Kahit kay Aling Mina mo na lang siguro 'yan ibenta. Sabihin mo galing sa akin. Paano mag de- deliver pa ako sa kabilang bayan." Pamamaalam niya dito saka sumakay ng jeep pa tungo sa kabilang baryo.
"Mira, sagutin mo na kasi ako." Pangungulit naman ni Dominic sa kanya ng makarating siya sa kabilang bayan at magde deliver ng gulay sa ina nito.
"Dom, siyam na taon ka pa lang. Kapag tumanda ka baka pag isipan ko pa." Biro naman niya dito at natawa ang ina nito.
Matapos makapag deliver ay sumakay na siya ng jeep. Papaandarin na san niya iyon ng bigla siyang may narinig na hindi inaasahan kaya hindi niy na ituloy ang tangka na pag alis.
"Mae! Mae! Ano'ng nangyari sa'yo? Bakit nagwawala ka?" Tanong ng kaibigan nito dito. Sinabog kasi nito ang paninda nitong gulay sa gitna ng daan at naghahalumpasay ito doon. She seems na malapit na itong mabaliw.
"Tina! Ano ng gagawin ko?! Ano ng gagawin ko?!" Halos masiraan na sabi nito.
"Bakit ano bang nangyari?" Nag aalala naman na tanong ng kaibigan nito.
"'Yung pang tuition ng anak ko para sa susunod na sem... Diyos ko! Itinakbo ni Loretta! Galing ako kanina sa kanila at wala daw tao buhat noong nakaraang linggo pa!" Nagwawala na sabi nito.
Siya naman ay nan lamig ang batok. At hindi makapaniwala dahil kung totoo iyon ay mas malaki laking pera ang mawawala sa kanila dahil matagal na siyang naghu hulog dito. Mabilis niyang in- start ang jeep at pumunta sa bahay na tinitirhan nito.
"Tao po! Tao po!" Tawag niya sa tapat ng bahay nito. Bigo naman siya mapa labas si Loretta dahil ang care taker ang sumalubong sa kanya.
"Ano 'yon?" Tanong nito sa kanya.
"Nandiyan po ba si Loretta?" Tanong niya dito. Kitang kita naman niya ang pag usok ng ilong nito ng marinig ang pangalan na Loretta.
"Wala siya dito! Noong isang linggo pa umalis! Hindi man lang nga nag bayad ng renta para sa tatlong buwan na utang eh!" Galit na galit na kuwento nito.
"Gnoon ho ba. Sige. Salamat." Sabi niya dito bago tuluyang umalis.
Laglag balikat siyang bumalik sa jeep na nanlalambot ang tuhod at saka siya pinag pawisan ng malapot. Inilabas niya ang kanyang cellphone at dinial ang numero nito. Umaasa siyang makaka usap ito o kaya naman ay may dahilan ito kung bakit ito umalis. Ngunit gumuho lahat iyon dahil out of coverage ito.
Paano na ang pera na inipon nila ng Tatay niya? Paano na ang mga pangarap nila?
Ano ng gagawin niya? Iyon na lamang ang tangi nilang pag asa para maka ahon at magkaroon ng maginhawang buhay. Ang tanging paraan upang makapg simula sila muli. Ngunit nag laho na.
-----