NIYAKAP ni Lisa Mary ang sarili habang nakatingin kay King na ginagamot ang sarili. Napakagat siya ng kanyang ibabang labi nang mapansin niyang hindi lang pala iyon galos kundi medyo malalim na sugat, mabuti na lang hindi sa parte ng puso ng lalaki ang natamaan niya. Sumulyap si King sa gawi niya at nagtama ang mga mata nila. Tumayo ito, na tapos na nito ang paglagay ng bandage sa dibdib nito kaya't lumapit ito sa kanya. Nasa kama siya nakaupo habang ito kanina ay sa sofa. "Hey, stop crying, l'm okay–" "Kung hinayaan mo na lang sana ako umalis–" "You know, l can't do that, kitten," mabilis na sagot ni King at umupo sa tabi niya at kinuha nito ang kanyang kamay at dinala sa mga labi nito. "At bakit naman?" maluha-luhang tanong niya. "I don't know, l can't bear to be apart from you,

