LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Lisa Mary papasok sa mansion ngunit hiningal napatigil siya nang mapagtanto niyang hindi niya pala alam kung saan ang master bed room. "Paano na? Kanino ako magtatanong?" naiiyak nang aniya. Hindi niya alam pero iniisio pa lang niya na totoo ang sinabi ni Emem ay parang naninikip na ang dibdib niya sa sakit. "Inday Mary, ayos ka lang ba?" Napa-angat siya ng tingin nang marinig niya ang pamilyar na boses at tumambad sa kanya ang mukha ni Regie, ang kasambahay ni King na ilongga, medyo naging close sila ng babae dahil ilongga ang kanyang lola at naaliw siya sa kadaldalan ng babae. "Reg, alam mo ba kung saan dito ang master bed room at may susi ka ba?" mabilis na tanong niya at humawak sa kamay ng babae. Magkahalong pagtataka at pag-alala ang nababasa niya sa

