Chapter 20 ALEXA Kinakabahan ako ngayon. Paroo't parito ako habang sinasaulo ang mga possible questions sa akin ng mga board members. Naalala ko na may isang negosyante na dadalo sa meeting at on the spot na magdi-deal ng partnership sa Alfonso Food Corp kapag naging maganda ang presentation. Magsasalita din si Troy pero kasi parang ako ang mas magbibigay sa kanila ng karagdagang ideya sa mga sasabihin ni Troy. Kumuha ako ng hangin saka tumingin sa malaking salamin sa washroom ng comfort room. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Bahagya akong napatigil nang may pumasok. Nagkunwari akong naghuhugas ng kamay para hindi mapansin ng sinuman na nati-tensed ako. Nilingon ko ang pumasok kasi narinig ko kaagad ang isang pamilyar na boses niya na dumadagundong sa pagtawa. Saktong n

