Chapter 21 ALEXA Isang malakas na palakpakan ang narinig ko pagkatapos kong tumayo at dumaldal sa unahan. Kumuha ako ng hangin para bigyan ng lakas ng loob ang sarili ko na ngumiti sa kanila Nakangiti na bumalik ako sa upuan. Napatingin ako kay Troy na noon ay nagniningning ang mga mata. "Congratulations. You did it!" he said. Sapat lang para ako lang ang makarinig sa sinabi niya. Isang maluwag na ngiti ang binigay ko sa kanya. "T-Thank you sir. Akala ko hindi ko na matatapos 'to." "Paano naman na hindi? Ang galing mo nga eh. I told you, just believe in yourself." Muli akong ngumiti sa kanya. "Salamat po sir." Isang malawak na ngiti rin ang binigay sa akin ni Troy. Ilang sandali ay umiwas din ako ng tingin kasi parang pakiwari ko ay nalulunod na ako sa mga ngiti at titig niya.

