Chapter 22 TROY Ilang beses na ako tumingin sa wrist watch ko saka muling tumingin sa labas ng kotse. Inaaninag ko kung nandoon na ba si Alexa hallway or baka kung nasa elevator pa. Or baka naman nag cr pa. "Imposible naman na hindi pa siya makarating dito?" wika ko sa sarili ko saka muling tumingin sa relos na pambisig ko. Kung pumasok man siya sa cr sigurado naman ako na kanina pa 'yon nandito. Saktong 5 minutes ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Mabuti na lamang at nagawa kong i-save a number niya. Well, siya lang naman ang number na naka-save dito. Kumunot ang noo nang malaman na unattended ang cellphone niya. Naghintay pa ako ng isang minuto hanggang sa nagpasya akong bumaba ng kotse. Muli kong tinawagan ang cellphone ni Alexa ngunit ganoon parin ang sumasagot.

