Chapter 23 ALEXA Naramdaman ko ang malaking kamay ni Mr. Kang sa ulo ko dahilan para makaaringking ako sa sakit. Dinala niya ako sa bintana at dinikit ang mukha ko doon patalikod sa kanya. "A-Aray! Bitawan mo ako!" Mas lalo niya akong dinikit doon. Halos hindi na ako makakilos sa ginawa niya. "Alam mo bang sa lahat ng ayaw ko ay 'yong pinipigilan ang mga ginagawa ko?!" gigil na sabi niya. Naiiyak na ako lalo na nang maramdaman ko ang kamay niya na nagsisimulang gumapang sa iba't ibang parte ng katawan ko. "Huwag! Please maawa ka!" wika ko sa malakas na tinig kahit sobrang napipitpit na ang mukha ko sa pagkakaipit sa bintana. "Maawa? Pagkatapos mo akong sampalin? Hindi mo ba kilala ang sinasampal mo para gawin mo 'yon? ha?!" Pakiwari ko ng mga oras na iyon ay katapusan ko na

