Chapter 24 ALEXA Pumasok ako sa loob ng apartment. Sumunod naman si Troy. Dumeretso ako sa kusina habang si Troya ay nanatili sa sala. Bahagya akong napapikit. "Baliw na ba ako? Bakit ko siya inaya mag-dinner dito sa bahay? Nakalimutan ko na ba na isang exclusive na tao si Troy? Mansion ang tinitirhan niya. Lahat ng gamit niya ay mamahalin. Samantalang... dito ultimo sala yari pa sa kahoy." Napapikit ako at gusto ng umiyak kasi dapat hindi ko siya inaya dito. Humarap ako para bumalik sa sala. "Ay kabayo ka!" Muntik ko ng mabunggo si Troy na noon ay nasa likuran ko na pala. Ngumiti siya. "Hindi naman ako maarte sa mga gamit Alexa. Infact, mas gusto ko ang mga furniture na nandito. Because I love antiques." Bahagyang tumaas ang kilay ko. "T-Talaga?" "Yeah... why? Ba't parang muk

