Chapter 14 TROY "Please take the seat beside me," wika ko saka binuksan ang pinto sa may tabi ng driver seat. Hindi na din nagreklamo si Alexa at agad din na pumasok. Ewan ko kung ba't hindi siya nagsalita. Ang alam ko kasi magrereklamo siya at paniguradong mas gusto niyang maupo sa likod ng kotse kesa sa harap. Napangisi ako. Siguro ay nalulutang parin siya sa dahil sa pagkakahawak ko ng kamay niya kanina. Hindi ko rin naman maiwasan mapangiti ng lihim habang nakahawak sa kamay niya. Ang smooth ng kamay ni Alexa. Kahit isa siyang breadwinner ay parang hindi halata ba bugbog sa trabaho ang kamay niya. Nang makapasok siya ay naglakad ako para pumunta sa pinto ng driver seat. Bubuksan ko na sana ang pinto nang biglang mapahawak ako sa dibdib ko. Parang may kung anong kirot ang biglang

