bc

Book 2 : Sa Pagdating ni Ryan

book_age16+
378
FOLLOW
1.0K
READ
family
second chance
drama
sweet
bisexual
humorous
mystery
disappearance
first love
mxm
like
intro-logo
Blurb

Tatlong taon na ang nakakalipas nung mamatay ang pinakamamahal ni Josh na si Matt.

Hindi pa rin niya makalimutan ang binata kaya sarado pa rin ang puso niya para sa panibagong pagibig.

Ngayon 3rd year college na si Josh ay kilalang kilala siya sa buong school bilang ace dancer ng dance troupe na sinalihan niya, bukod pa dun ay siya ang campus hearthrob ng kanilang unibersidad.

Ito naman at dumating ang isang 2nd year transferee student na si Ryan Williams, maangas at mahilig gumala at makipagparty party pero never pa itong pumasok sa isang relasyon.

Paano kung magkrus ang landas ni Josh at Ryan? Ano kaya ang mangyayari? Muli kayang bubuksan ni Josh ang puso niya para sa binata? Susubukan ba ni Ryan na pumasok sa isang relasyon niya na sa tingin niya ay dahil lang sa isang bagay na nakaukit sa nakaraan ni Josh?

Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pagkikita mas lalo na't kamukhang kamukha ni Ryan si Matt, ang pumanaw na kasintahan ni Josh.

Paano kung si Matt pala si Ryan?

Tunghayan kung paano haharapin ni Josh at Ryan ang mga bagay na darating sa buhay nila sa kanilang pagkikita.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Malik Mata
 Chapter 1 - Malik Mata Josh's Point-of-View                "Parang nakita ko si Matt" sabi ko kay Luke.                 Sa tingin ko ay hindi ako namamalik mata sa nakita ko, nakita ko talaga si Matt sa likod ni Luke kanina. Nararamdaman ko ang bilis ng t***k ng pusong ko.                   "Hayyyzz!! Pagod ko lang siguro pre, tara na nga at uwi na tayo, tyaka mo na lang ako ilibre kapag maayos na yang kalagayan mo." sabi sa akin ni Luke sabay akbay sa balikat ko.                 Mukhang totoo nga ang sinabi niya, mukhang namamalik mata lang ako, bakit ko naman makikita ang isang taong matagal nang patay, pwera lang kung minumulto niya ako. Sumama naman ako kay Luke at nagpresenta na ito na ihahatid ako nito, hindi kasi ako nagdala ng kotse ko dahil alam kong mahihirapan akong  magpark dahil maraming tao ngayon sa school.                 Sakay sakay ng big bike ni Luke ay hinatid niya ako sa condo ko na regalo sa akin ng mga magulang ko nung tumuntong ako sa kolehiyo. Binigyan nila ako ng condo para naman daw matry ko mamuhay ng mag-isa. Noong una ay ayaw ko kasi walang mag-aalaga kay Jiro kapag wala si yaya pero napilit naman ako ng mga magulang ko dahil sila na lang daw ang bahala so ito ngayon, nakatira ako sa condo ko na kumpleto naman dahil hindi nagkukulang mga parents ko sa akin.                 Naisipan kong magshower muna para mahimasmasan ako, bigla kasing gumulo ang isipan ko dahil sa nakita ko kanina after namin magtanghal. Pagkatapos kong magshower pinatuyo ko muna ang sarili bago humiga sa kama ko. Habang nakahiga ay itinaas ko yung dalawang kamay ko at tinignan ang mga singsing na nakasuot dito, yung sa kanang kamay ay isang silver ring, ito yung regalo ni Matt sa akin dati. Sa kaliwang kamay naman ay isang white gold ring, ito naman yung singsing na isinuot namin nung ikinasal kami sa wedding booth.                 Hindi ko napansin na tumulo na ang luha ko sa pag-alala sa nakaraan, hanggang ngayon kasi ay hinid ko pa rin makalimutan ang taong pinakamamahal ko. Maya maya din lang ay nakatulog na ako. KINABUKASAN..                 Maaga akong gumising dahil may balak akong puntahan, Nagtungo agad ako sa banyo at naligo, nagsipilyo at inayos ang sarili ko. Pagkatapos kong magpatuyo ay nagsuot na ako ng damit, pinili ko ang isang black na long sleeves and folded in half ang manggas nito, black skinny jeans at dark blue na high cut na sapatos. Pagkatapos ko magbihis ay umalis na ako agad at hindi na kumain pa ng agahan.                 Bago ako pumunta sa pupuntahan ko ay dumaan muna ako sa isang flower shop at bumili ako ng isang bouquet ng white roses. Balak kong dalawin ang pinaglagakan ng abo ni Matt, oo abo, dahil nung namatay siya ay pinacremate siya ng tatay niya at pinaburol ng tatlong araw bago ito inilibing. Kailangan na daw kasi umalis agad ng tatay niya kaya sandali lang ang naging burol. Naisipan ko siyang dalawin dahil matagal tagal na rin noong huling dalaw ko sa kanya, siguro ayun ang dahilan kaya nakita ko siya kagabi, ayun ay dahil siguro akala niya ay nakalimutan ko na siya.                 Inilagay ko ang white roses sa puntod niya at nag-alay ako ng mataimtim na dasal. Nagkwento din ako sa mga nangyari sa aking buhay nung sandaling hindi ako nakakadalaw sa kanya.                 "Alam mo Matt, sumayaw kami kagabi, meron kasing party sa school at kailangan namin magperform. Alam mo bang akala nandun ka at minumulto ako dahill nakita kitang nanunuod sa audience." patawa kong sabi. Ganito talaga ako, kinakausap ko siya na parang nandyan lang sa tabi ko.                 Matapos siguro ng ilang oras na pagtatambay ko doon ay naisipan ko na rin umalis. Hindi muna ako umalis at naisipan kong dumaan sa karinderya ni Aling Chiming, matagal tagal na rin nung nakita ko yung matanda, isa rin kasi siya sa mga labis na naapektuhan nung namatay si Matt dahil tinuring niya na itong tunay na apo. Ayun nga't ayaw niyang ipaalis yung ibang mga naiwan na gamit ni Matt sa bahay nila dahil ayun na lang daw ang ala-alang naiwan nito sa kanya.                 "Hi Lola Chiming!!" pagbati ko sa kanya pagpasok ko sa karinderya niya.                 "AAAAAAHHHHHHHH!!! Hi Josh!! Buti naman at napadalaw ka! " masayang sabi ni Lola Chiming, halata sa kanya na namiss din niya ako.                 "Syempre naman po. Dito po ako mag-aagahan ah." sabi ko sa kanya.                 "Sige lang, sakto at naghahanda na si Janjan ng makakain" sabi nito.                 "Janjan!! dagdagan mo yang ihahain mo at nandito si kuya Josh mo!! dito daw siya kakain." sigaw ni Lola Chiming sa likod ng pinto sa counter.                 "Opo!!" pagsagot naman si Janjan.                   Si Janjan ay tunay na apo ni Lola Chiming, ibinilin ito sa kanya ng kanyang bunsong anak dahil magtatrabaho ito sa ibang bansa at wala itong pwedeng pagkatiwalaan bukod sa kanya. 2nd year high school na ang apo ni Lola Chiming at mukha namang mahal na mahal nito ang Lola nito.                 Ang dami naming napagkwentuhan ni Lola Chiming, nasabi ko rin sa kanya na parang minulto ako ni Matt dahil parang nakita ko sa school namin after namin magperform ng isang sayaw.                 "Talaga apo?" tanong nito sa akin na parang may kaparehong karanasan.                 "Mukha ngang nagmumulto si Matt, kasi minsan parang nakita ko siya sa Mall ng isang araw." sabi nito sa akin.                 Nagulat naman ako sa sinabi niya, mukha ngang nagpaparamdam si Matt, siguro akala niya ay nalimutan na namin siya dahil napapadalang ang pagdalaw namin sa puntod niya. Pagkatapos namin magkwentuhan ay napagdesisyonan ko nang umalis dahil kailangan ko pang maghanda dahil ngayon ang napagkasunduan naming araw ni Luke na ililibre ko siya ng inom.                 Itinext ko na siya ng mga bandang hapon na dun na lang kami magkita sa bar na lagi naming tinatambayan. Pagdating dun ay medyo late na rin, gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak ngayon gabi dahil gusto ko munang makalimot. Kaya naman dirediretso lang ako sa pagtungga ng alak.                 "Hoy pare!! hinay hinay lang!! may bukas pa!! huwag mong sobrahan ang pag-inom." sabi sa akin ni Luke.                 "Pagbayaan mo na ako pare!! minsan lang naman." sagot ko dito, medyo may tama na ako ng oras na iyon dahil marami na akong nainom na alak. Gusto ko lang talaga lunurin ang sarili ko dahil alam kong kapag ganito ay nakakatakas ako sa reyalidad, sa reyalidad na wala na si Matt sa aking piling. Maya maya pa'y niyaya na ako ni Luke na umuwi dahil talaga may tama na ako, sobrang dami ko nang nainom.                 Inalalayan niya ako sa paglalakad dahil susuray suray na ako. Minabuti na naming sumakay ng bus dahil hindi na kami pwede pang magdrive. Habang nandun ay ako ang nasa bandang bintana, gusto ko kasi na nakikita ng dinadaanan namin, isa rin kasi to sa way para mas makalimot ako.                 Huminto ang bus sa isang bus stop, kaya naman ay tinignan ko si Luke, mukhang tulog na tulog ang loko, mas marami akong nainom pero nauna pa atang maknock-out. Pagbalik ko ng tingin sa bintana ay meron isang lalaki ang kumuha ng aking atensyon. Nananaginip na naman ba ako, minumulto na naman ba niya ako? Hindi ako makapaniwala sa aking nakita, dahil sa tanawin sa hindi kalayuan ay nakita ko si Matt, nakatingin din ito sa akin pero blangko lang ang itsura nito. Hindi ko alam pero nabigla talaga ako, hindi ko siya inalisan ng tingin, unti-unti ay naramdaman kong naggigilid na ang aking luha, tatawagin ko sana siya ngunit muling umandar ang bus na sinasakyan namin, hindi ko siya inalis ang titig sa kanya hanggang mawala na siya sa aking paningin.                 Napahinga ako ng malalim. "Totoo ba yung nakita ko?" tanong ko sa sarili ko. Hindi ako mapalagay, feeling ko nakita ko siya at parang pakiramdam ko ay buhay na tao ang nasa harapan ko kanina. Maya maya pa ay tuluyan ng umagos pababa ang luha ko.                 "Uy bro? ayos ka lang? may problema ba? bakit ka umiiyak?" tanong sa akin ni Luke, mukhang nagising ito nung muling umandar yung bus.                 "Ah eh, ewan para kasing nakita ko na naman si Matt." sagot ko sa kanya.                 "Itigil mo na nga yan!! Lasing ka lang eh, ilusyon mo lang yun, lagi mo kasi siyang iniisip." sabi nito sa akin.                 Kahit naman na lasing ako ay nasa ulirat pa ako, bakit ba bigla na lang siyang susulpot? Ano ba ang nais  niyang ipahiwatig? Bakit lagi siyang nagpapakita?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
265.7K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.9K
bc

NINONG III

read
416.9K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.4K
bc

DEYANIRA (His Secret Agent)

read
44.9K
bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook