Chapter 22 - Blindness Josh's Point-of-View Ilang araw na rin nung huling pagkikita namin ni Ryan, ewan ko ba kung ano ang nasa isip niya kung bakit niya biglang sinabi sa akin na siya si Matt. Nahihibang na kaya sya o ganun na lang ba siya kadesperado na mapatawad ko siya? Nakakainis mang isipin ngunit parang mas lalong lumalim yung pagkainis ko sa kanya, pero sa isa namang banda ay nagdadalawang isip ako, para bang part ng utak ko na ang nagsasabi na totoo ang sinasabi niya sa akin, pati ang puso ko, parang lulundag tuwing iniisip ko iyon, paano kung totoo nga? Wednesday ngayon, himala, hindi na ako kinukulit ni Ryan, minsan kasi talaga aabangan niya ang pagdating ko sa school, ang pagdadala niya ng pagkain ko para sa lunch, at meryenda naman na dina

