Belyn Pagpasok namin ng main door pababa naman si Benesha sa hagdan. Gising na pala ang anak ko nakasuot pa ng terno n'yang barbie pantulog. Buti na lang nakapasok na kami ng bahay. Nasa kalahati pa siya nagmamadali ng bumaba kaya mabilis na pinuntahan ni Aaron. Upang salubungin sa hagdan. “Daddy!” Benesha giggled. Halata sa mga mata nito masaya sa pagdating ni Aaron. Pagdating sa huling baytang binuhat na ni Aaron bumalik din sa akin. Sabay na rin kami nagpunta kasama ni Daddy sa sala. “Mommy, lumabas ka po?” She said, raising her eyebrows. Natatawa si Aaron hinilot ang salubong na kilay ng anak niyang nagtataray kaya humagikhik ang anak ko. “Mommy?” inulit akong tinawag akala yata hindi ko siya narinig. “Oo anak bibili sana ako ng taho,” “Ohh? Nasaan na po ang taho? Gusto ko rin p

