Belyn Nagbihis lang kami pareho ni Aaron wala naman nangyari sa amin. Gusto lamang daw ng asawa ko, magpahinga kasama ako kasi miss daw niya ako ng sobra sa dalawang gabing hindi niya ako kasama. “Baby, ‘wag malikot please? I'm really sleepy and tired,” pakiusap pa ni Aaron ng kami'y nakahiga na sa kama. Tumahimik na lamang ako. Maya-maya lang tulog na tulog na’t naghihilik pa ang katabi kong asawa. Talaga nga totoo hindi natulog ng dalawang gabi nang wala kami rito ni Benesha. Kung pagbabasehan ang antok nito ngayon. Dahil ganun din naman ako. Simula noong pag-uwi namin sa bahay. I only get three hours of sleep. Because I was also thinking about Aaron. Nagpasya akong sabayan ko siyang matulog. Total maaga pa rin naman gigising na lang mamaya ng oras ng tanghalian. Nakangiti ako nang

