CHAPTER 76

1206 Words

Belyn “No! Hindi kayo aalis ng anak natin. I will not allow you to leave this house. Pakinggan mo nga muna ang paliwanag ko, Belyn!” Lumakas ang boses ni Aaron, tila nauubusan siya ng pasensya magpaliwanag sa akin. Tumigil sandali bago muling nagpatuloy magsalita. “Itinago ko sa ‘yo, baby, kasi ayaw ko ng gumulo ang pagsasama natin. Hindi naman din importante dahil totoo naman na mahal kita. I love you so much. Ikaw lang naman ang minahal ko sa tanang buhay ko.” “Mahal?" bigkas ko na may pait na tono. "Mahal mo pero pinatagal mo pa, Aaron? Madali lang magsabi kung totoong maganda ang hangarin mo pero hindi eh! Naglihim ka pa rin sa akin! Ang sabihin mo walang mahalaga sa ‘yo kun'di malutas ang kaso na hawak mo. Kaya gustong-gusto mo makuha ang loob ng Daddy ko para malaya kang makakilos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD