Belyn Pababa pa lang kami ng hagdan nasilip ko naroon ang dalawa kong biyenan nakaupo sa sala. Tila inaabangan ang pagbaba namin ni Benesha. Dahil sa amin agad sila tumingin ng pagkababa lang namin sa pinakahuling baytang. “Lolo, Lola,” masayang sigaw ni Benesha mabilis tinawid ang kinaroroonan ng dalawa kong biyenan, pagkatapos kumalong sa Lola niya at binidang aalis daw kami patungo sa Lolo niya. “Bye po Lola. Babalik po ako agad don't be sad na,” sabi pa nito sa Mommy Eulyn yumakap pa sa leeg. “Oo apo ko. Kami ni Lolo Maynard ang maghahatid sa inyo,” tugon ni Mommy kay Benesha pagkatapos nakangiting tumingin din sa akin kaya napangiti na lang din ako. Wala na ang lungkot sa mata ni Mommy Eulyn. Kumalma na siya kaysa kanina, noong nasa dining area kami. Siguro napakalma na ni Daddy

