bc

PAG-IBIG SA LIKOD NG MASKARA

book_age16+
1.2K
FOLLOW
3.2K
READ
drama
tragedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Isang simpleng babae si Irene, puno ng ambisyon para sa kaniyang pamilya na nagbunsod sa kanya upang magtrabaho sa ibang bansa. Subalit ang inaakala niyang maayos na trabaho ay ang nagdala sa kanya sa isang pinakamadilim na bahagi ng kanyang buhay.

Niloko siya ng isang illegal recruiter at binalak na ibenta sa isang matandang milyonaryo, dahilan para siya ay tumakas. Sa kanyang pagtakas as isang trahedya ang nangyari sa kanya. Mabuti na lang at may isang taong nag-magandang loob na tumulong sa kanya—si Mr. Flores. One of the Asia’s young billionaire na nag-alok sa kanya ng tulong upang isagawa ang kanyang plastic surgery dulot ng pagkasira ng kanyang mukha.

Nang matapos isagawa ang kanyang plastic surgery ay handa na niyang harapin si Mr. Flores, ang taong tumulong sa kanya. Ano kaya ang magiging tugon niya kung ang hilingin ng lalaki bilang kapalit ay ang pakasalan ito?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Andrew, babe!” isang malambing na tawag ng isang babae na pumasok sa penthouse ni Andrew. Nagtuloy-tuloy ito patungo sa silid ng lalaki. Hindi na nito ipinaalam sa lalaki ang kaniyang pagdating mula kanyang business trip dahil gusto nitong sorpresahin ang nobyo. Sabik na sabik na siya dahil dalawang buwan na lang ay ikakasal na sila ni Andrew. “Babe!” pinihit nito ang seradura. Laking gulat nito nang makita si Andrew na natutulog pa sa kama at may kasama itong babae. “What do you mean by this?” agad na sambit ni Hailey na dali-daling pumasok ng silid at hinablot ang kumot na nakabalot sa dalawa. Napabalikwas nang bangon si Andrew sa sobrang pagkagulat. Agad itong napatingin sa katabi. “Wait…what happened?” usal nito na napahawak pa sa kaniyang sumasakit na ulo. Bigla namang napatakip ng kumot si Isabelle sa hubad na katawan nito. Dumilim ang mukha ni Hailey na nagpalipat-lipat nang tingin sa dalawa. “What happened, huh? Explain all of this, Andrew!” umiiyak sa galit na sabi ni Hailey. “H-hailey, babe, I can explain—” pero bago pa maituloy ni Andrew ang kanyang sasabihin ay dumapo na sa kanyang pisngi ang isang sampal. “Babe…” Nakatingin lang siya sa nobya at hindi rin alam kung ano ang ipaliliwanag niya gayong kahit siya ay hindi alam kung bakit katabi niya si Isabelle. Pilit niyang inaalala ang mga nangyari kagabi. “I never thought you could do this, Andrew! I gave you my trust, but it turns out you were just cheating me! And you!” bumaling ito kay Isabelle na nakayuko lamang at tila hindi makatingin sa hiya, “I trusted you and treated you as my sister, pero ito pa ang ginawa mo! You bit*h!” Hindi nito napigil ang sarili at hinablot nito si Isabelle na noon ay nakaupo pa sa kama. Binigyan ito ni Hailey ng dalawang magkasunod na sampal. Hindi nakaimik si Isabelle, napayuko lamang ito at umiiyak. “Hailey, honey, I don't know what happened last night, please listen to me first—” “Liar!” dinuro nito si Andrew. Akmang hahawakan nito si Hailey sa balikat ngunit mabilis na tumalikod ito at tinungo ang palabas na pintuan. Nagmadaling nagsuot ng damit si Andrew at hinabol nito si Hailey na nakalabas na ng pintuan. “Hailey!” tawag nito. Tumakbo si Hailey at pumasok sa pasarang elevator. Hindi na ito naabutan ni Andrew. Kung kaya’t lumabas siya sa hallway ng condominium at sumakay sa hiwalay na elevator. Wala sa kanyang hinuha na lokohin ang nobya, mahal na mahal niya ito. Unti-unti na niyang naalala ang nangyari kagabi. Nag-inuman sila sa bar kasama sina Isabelle at ang iba pang kaibigan. Hinatid siya ng isang kaibigan dahil hindi na niya magawang mag-drive pa. Pagdating niya sa penthouse, mayamaya lang ay dumating na rin si Isabelle. Naalala niyang may nangyari nga sa kanila. Aminado siyang lalaki lang siya at natutukso rin. Maganda si Isabelle at hindi lingid sa kanyang kaalaman na matagal na itong may gusto sa kanya. Humahangos siya nang lumabas sa elevator pagdating nito sa lobby. Nakita niya si Hailey na mabilis na naglalakad patawid ng kalsada at tila wala sa sarili. Hindi rin ito tumitingin kung may paparating na sasakyan kung kaya’t agad niya itong hinabol at tinawag. “Hailey!” Napatingin siya sa mabilis na papalapit na sasakyan na tila hindi napansin ng babae. “Look out, Hailey!” sigaw niya sa nobya. Ngunit huli na nang mapansin ng babae ang sasakyan. Tumilapon ito sa gilid ng kalsada. Nakita ni Andrew ang malakas na pagkabundol dito ng sasakyan kaya agad siyang tumakbo sa kinaroroonan nito. “Hailey!” Umiiyak na dinaluhan niya ang duguang nobya. Kitang-kita niya ang pagtulo ng mga luha nito. “Don't worry, I'll take you to the hospital!” tarantang sabi niya na hindi mapigil ang panginginig ng kanyang katawan sa sobrang takot sa nangyari sa babae. “A-andrew…please save our b-baby…” nahihirapang sabi nito habang hawak-hawak ang tiyan. “What?” naguguluhan si Andrew sa narinig kung anong baby ang sinasabi ni Hailey. “Please…Andrew…ang baby natin…” ulit na sabi nito na hirap na hirap na sa paghinga. “No, please, don't talk for now. I will call an ambulance.” “A-andrew…I’m…” hindi na nito naituloy ang pagsasalita dahil lumabas na ang dugo sa bibig nito. “No!!!” Hindi alam ni Andrew kung anong gagawin niya. Wala siyang magawa habang tinitingnan lamang ang nobya na nahihirapang huminga. “Save our …b-baby…” “No! You're not going to die; we're still getting married, right?” Umiiyak na siya at takot na takot. Noon lang niya napagtanto at naunawaan, ang tinutukoy ng nobya; buntis ito. Lalo siyang natakot, hindi niya akalain na nagdadalantao pala ang kanyang nobya. “Okay, okay, don't worry, please don’t talk. I'll take you to the hospital. I'm so sorry, babe... I'm so sorry... I promise you’ll be okay?” dinala niya ang kamay nito sa kaniyang labi at hinagkan habang hindi niya mapigil ang paglandas ng kaniyang mga luha. Mayamaya pa ay dumating ang ambulasiya na siyang rumisponde agad. Agad na isinakay sa ambulansiya si Hailey at sumama si Andrew sa hospital. Pagdating sa hospital ay hindi mapakali si Andrew. Iyak siya ng iyak at wala siyang ibang naalalang tawagan kundi ang kanyang kaibigang si Brent na agad namang pumunta sa hospital. “What happened, bro?” nagmamadaling lumapit si Brent sa kaibigan na noon ay panay na ang iyak. Umiling si Andrew, “She’s dead.” Kanina lang ay nagwawala siya at halos maglupasay dahil hindi siya makapaniwala nang sabihin ng doktor na dead on arrival ang kanyang nobya. Namutla si Brent sa narinig. Kahapon lang ay nagkuwentuhan pa sila tungkol sa nalalapit na kasal pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Hindi halos maikuwento ni Andrew ang nangyari. Hindi umaalis si Andrew sa tabi ni Hailey habang nakaburol ito. Tila gumuho ang kanyang mundo dahil sa pagkawala ni Hailey. Wala na rin ang kanyang anak. Muling lumandas ang kanyang mga luha. “Rest for a while, hijo, wala ka pang tulog at hindi ka rin kumakain,” anang ina ni Hailey na tinapik siya sa balikat. “No, Tita, this is all my fault. Naging pabaya ako sa kanya…” “Don’t blame yourself, hijo, wala namang may gusto sa aksidente,” anang ina ni Hailey na napaiyak na rin. Subalit mas lalo lamang nadudurog ang kanyang puso dahil alam niyang siya ang dahilan kung bakit namatay si Hailey. Hindi lang niya masabi sa pamilya nito ang totoong nangyari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook