UNBEARABLE TEN

2176 Words
NAKAKATATLONG hakbang na siya paalis ng cabin niya nang maisipan niyang bumalik ulit upang tignan ang sarili sa salamin. Hindi niya alam kung bakit niya gibawa iyon. Basta ang alam lang niya, kailangan niyang magmukhang presentable sa harap nito. Sinuklay niya ang kaniyang buhok at nag-spray lang ng kaunting pabango saka tuluyang bumalik sa restaurant. "Here's my polo. It's brand new so you can have it. You don't need to return it!" bungad niya sa lalaki pagkabalik niya kung saan nakaupo na ito ngayon sa kaninang bakante pang lamesa. Tinanggap naman nito iyon at agad na isinuot. Malinis na rin ang sahig na pinaghulugan ng mga kakainin niya sana. "Thanks! But, not because you lent me your shirt, you do not owe me anymore." The man said while looking at Perry intently. Napalunok siya. Ipapabayad ba nito sa kaniya ang halaga ng damit nitong namantsahan niya? Gugulpuhin kaya siya o ipapakulong at hahatulan ng pang-habambuhay na pagkakabilanggo? Lihim siyang nagdasal. Wala pa naman siyang ipapambayad dito. Kung alam lang niyang mangyayari ito ay sana hindi na niya tinanggihan pa ang perang ibinibigay sa kaniya ng kaniyang ina bago siya umalis. Hindi kasi niya tinanggap ang pera dahil mayroon naman siyang ipon. Kung ipapagulpi naman siya, sayang naman ang gandang lalaki niya. At kung patatalsikin naman siya sa barko para ipakain sa mga pating, sayang din ang pagiging birhen niya kung pating lang ang makikinibang. Pero kung iyong huli nga ang mangyayari ay hindi na siya magdadalawang isip na hilingin dito na kunin muna nito ang virginity niya para naman malasap muna niya iyong kakaibang ligaya at sarap bago tuluyan mawala sa mundo. "Hey!" Napamaang siya saka ibinalik ang tingin sa mukha nito. "Huh?" "I'm talking to you, young man, but you're spacing out!" sita nito. "Oh! I'm sorry! I was just wondering what you could ask for in return for what I did to your shirt," pag-amin niya. Lumapit naman ito sa kaniya dahilan para masinghot niya ang nakakabaliw na amoy nito na tila pinaghalong mamahaling pabango at natural na amoy nito. Pati na ang amoy ng hair gel na gamit nito nang bahagya nitong ilapit ang mukha sa kaniya ay amoy na amoy din niya. "I said, you still owe me..." napapikit siya nang malanghap din niya ang amoy menthol nitong hininga. Akala niya maglalapat ang kanilang mga labi ngunit narinig na lang niya itong lumunok saka bumulong sa kaniya. "You owe me a dinner," anito na nakapagpabalik ng hangin sa baga niya. Nang makarecover siya ay mabilis naman niyang inilabas ang kaniyang wallet at napakamot sa kaniyang batok nang wala siyang cash na dala. Alam kasi niyang libre siya lahat sa cruise ship kaya d na siya nagwithdraw. Balak kasi niya na credit card lang ang gamitin sa mga bibilhin niyang pasalubong para sa kaniyang ina. "Ahm..." Napanganga na lang siya nang marinig niya ang bruskong tawa nito habang umiiling. "Relax, young man. It's just a dinner, it doesn't mean anything," anito saka pinagkrus ang mga kamay sa ibaba ng dibdib nito. Bakit parang bigla na lang may pumitik sa gitna ng mga hita niya dahil sa boses na ginamit nito sa kaniya nang bulungan siya? Ngunit umiling-iling siya. "How long do you plan to be a statue there? Come and join me. You will not be satiated if you just stand there." Sa sinabi nito ay may kung ano sa katawan niya ang bigla na lang nagpasunod nito at mabilis na umupo sa harapang upuan nito. Mayamaya lang ay may dumating ng mga pagkain na dala ng mga crew. Halos manglula siya nang hindi na niya makita ang mesa dahil napuno na iyon ng sari-saring pagkain. Pasimple muli niyang tinignan ang kaniyang wallet, nagbabakasakali na may mga naipit pa siyang cash doon pero halos lumabas ang mga langaw doon at bahayan ng mga gagamba dahil wala talaga siyang nakita kahit sentimo. Tanging ATM, Credit cards at meal stab lang. He laughed. "You know what? You should have seen your face right now." Muling kumabog ang puso niya nang masilayan niya ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin dahilan para magkaroon ito ng killer smile na kahit sino siguro kababaihan ay mahuhulog ang salawal. Ngunit sa kabila niyon ay napayuko siya sa kahihiyan. Mukha kasi siyang mamumulubi sa dami ng in-order nito. Iyon pala ang kaparusaan niya sa pgiging harus-harus niyang kilos. Hindi na niya yata maiaapak pa ang mga paa niya sa Hamburg Germany dahil sa cruise ship na lang siya para libre ang pagkain niya. "Don't worry, it's my treat." Napaangat ang ulo niya. Natuwa siya pero kinakabahan din at the same time. Nasa mukha kasi nito na hindi lang ito basta gagawa ng mga bagay na walang hiniginging kapalit. Naiilang na nga siya sa mga titig nito na tumatagos hanggang talampakan niya. "But, it's unfair to you. I should be the one who treated you because I owe you," pagdadahilan niya. Mahirap kasing magkaroon ng utang na loob sa isang tao. Minsan kasi isusumbat pa iyon sa 'yo kaya mas maganda ng makasiguro siyang wala siyang maiiwan na atraso dito. "It's okay! Your shirt compensate you." Napangiti siya sa biro nito. "Finally you smiled," anito dahilan para mamula siya at mapainom ng cucumber juice ng wala sa oras. Bahagya pa siyang nasamid. "You okay?" nag-aalalang tanong nito sabay abot sa kaniya ng table napkin na agad naman niyang inabot. Pagkatapos niyang punasan ang kaniyang bibig ay nagulat na lang siya ng tumayo ito saka bahagyang lumapit sa kaniya habang ang isang kamay nito ay nakasuporta sa lamesa. "I'm sorry! I just want to lighten up the mood because you look uncomfortable with me." "S-sorry!" hinging paumanhin niya. "Let me." At pinunasan nitong muli ang gilid ng kaniyang labi dahilan para magkatitigan silang dalawa. Kasabay din niyon ang malakas at mabilis na pagtibok ng kaniyang puso. Para itong bola ng basketball na walang tigil sa pagdi-driball. Napansin din niyang natigilan ito sa ginagawa at napatitig sa kaniyang labi. Bakit ganoon? Bakit ganoon ito makatitig sa kaniyang mga labi? Hindi kaya magkakulay ang dugong nananalaytay sa kanila? "So what do you do for a living?" anito nang makahuma habang siya ay napasubong muli. He swallowed first what he ate before answer him. "A-actually, I just graduated from a business course." Tumango-tango ito saka isinubo ang karne ng steak. "That's good to hear! Do you have anyone with you here?" "No! I'm alone." "Why? Are you broken hearted?" tanong nito kapagkuwan matapos uminom ng wine sa wine glass nito dahilan para mapakagat labi siya. Bigla kasi siyang nakaramdam ng uhaw nang makita niya kung paano mamula at mamasa ang mga labi nito dahil sa red wine. Parang gusto niya iyong lasapin at sipsipin. "Staring is rude, young man!" suway ng banyaga kaya napatuwid siya ng upo. "I-I'm sorry! Ahm... You were saying?" "I said, are you broken-hearted? Because you're alone in this European trip." Bakit ba alam nito ang bagay na iyon? Ganoon na ba ngayon? Na kapag broken hearted ay magtatravel alone? Akala niya kapag broken hearted ang isang tao ay magpapagupit ng buhok na in demand sa mga kababaihan at magpapaka-gangster naman kapag sa kalalakihan? But he will not admit it that he's right in his suspicion about him. "Nope! Actually, this European trip was my uncle's graduation gift. He treats me so that I can unwind from having a hard time being a student for a long time." Sumandal ito sa upuan at nangalumbaba sa arm rest saka dumikwatro. "Wow! What a generous uncle you had." Nakita niya kung paano mag-flex ang mga muscles nito. Napansin din niya ang pinong buhok sa dibdib nito na sumisilip sa suot nitong damit niya. Nakabukas kasi ang dalawang butones nito. "Atually, my uncle is the best uncle in the world. I consider him as my father than my real father even though I have never seen my uncle in person," he answered as he drinks his wine. "Why? Where's your dad?" he asked. Nag-iwas siya ng tingin dito. Dapat pa ba niyang ibahagi ang parteng iyon ng kwento ng kaniyang buhay sa taong ngayon lang niya nakilala? "He left us just to be with his man," bigla ay sambit niya. Hindi niya alam kung sino ang nagtulak sa kaniya para sabihin pa iyon. Siguro kasi alam niyang kahit husgahan siya nito ay hindi siya masasaktan. Kumbaga, sa oras na makarating sila sa Hamburg ay maghihiwalay din ang landas nila at hindi na rin magkukrus pa ang kanilang mga landas kaya makkalimutan din nila ang isa't isa. "Oh! I'm sorry for asking." Pero sa isiping iyon ay parang hindi siya sumang-ayon sa sarili niya. May kung anong panghihinayang siyang naramdaman. Hindi ito umimik ngunit nakatitig na naman ito sa kaniya. "It's okay. I'm at fault too. I shouldn't share my not so special life history to you," hinging paumanhin niya. "No problem! I won't judge you. All of us has different life history." Hindi siya umimik, sa halip ay mgumiti na lang siya ng tipid dito. "But I admire your mother for raising you so well." "Yeah! I also admire her for being a strong woman. She's always by my side every time I needed her. She also treated me like a kid. She even make me a glass of milk every night." "From the tone of your voice and the way you say it, you are obviously missing your mother." "Actually, this is the first time I have traveled without her." "Really?" "Yeah! She has a lot of events she needs to attend to in her flower shop that's why." "So, your mother is a business woman?" "Yes! My Uncle Julius helps her with that." "That's nice!" "My uncle gave her investment so that my mom would't think about my dad." "Everyone will do that just to protect his or her younger sibling. If I'm in his shoes, I will do the same," komento nito. "Yeah! Even if my uncle is just an adopted child, he treated us like his biological family." "For real? Your life history is so interesting. So where's your uncle now?" "Mom said his still in America. Actually we didn't see each other since mom gave birth to me. We communicate through email only. And I only saw his childhood picture with my mom, so we don't have any idea if what he really looks now." "Doesn't your uncle know that there's a skype or any other social media so you can see each other as well? Nagkibit balikat siya. "He always says that he is busy with all his paperworks." "Your uncle is a type of a mysterious man, huh?" "I think so!" aniya saka muling inabala ang sarili sa pagkain. Ganoon din naman ang kaharap niya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan ito muli. Sa awrahan kasi nito ay batid niyang hindi lang ito ordinaryong turista lang. Nasa kilos kasi nito ang pagiging isang makapangyarihan at maimpluwensiyang tao. Nasa boses din nito ang pagiging maotoridad na kahit ano sigurong iutos nito ay talagang susundin mo. Napansin din niya ang mga naglilitawang mga ugat sa kamay nito na isa sa mga gusto niya sa lalaki. Ang lakas kasi ng dating niyon para sa kaniya. Mahahaba din ang mga daliri nito. Nang mag-angat ito ng tingin ay agad niyang iniwas ang tingin dito at inabala na lang ang sarili sa paligid. Hindi niya talaga kaya ang presensiya nito lalo na't ito ang kauna-unahang nakasalamuha niya sa barko. "Ahm, h-how about you? What do you do for a living?" "Oh, me? Well, I'm a businessman. And I'm just like you, due to my hectic schedule this past few days, i decided to unwind. To breath some fresh air." Tumango-tango naman siya dahil tama ang hinala niya na hindi ito basta-bastang simpleng tao lang. "So, your also alone in this trip or you have companion?" "Well, I'm with my companion." "Where are they? You should with them, not with me." Tumaas ang isang kilay nito. "Why? What's wrong eating with you? "N-nothing. It's just that, they are your companion so, you should with them." "I'm tired of them. I always have them with me at work so it's better if I let myself to meet someone new." Sa sinabi nitong iyon ay tila nagkaroon ng kagalakan at kasiyahan sa puso niya. Knowing na siya ang maswerteng taong nakilala nito. "Ahm, since we talk about some our background. Can i know your na—" tatanungin na sana niya ang pangalan nito nang bigla na lamang umingay at nagkakulay ang kalangitan dahil sa fireworks display ng cruise ship na gabi-gabing ginaganap tuwing sasapit ang alas-diyes ng gabi. Napangiti siya nang wala sa oras. Iyon kasi ang unang gabi niya sa cruise ship nang may kasamang nanonood ng fireworks. "I like your smile." The man said out of the blue. Nang lingunin niya ito ay muli na naman itong nakatitig sa kaibuturan niya dahilan para umakyat sa mukha niya ang kakaibang init. Ayaw man niyang bigyan ng kahulugan ang mga kilos at titig nito pero malakas talaga ang kutob niya na isa rin itong homosexual.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD