UNBEARABLE NINE

2182 Words
IBINUKA ni Perry ang kaniyang mga kamay sa ere upang damhin ang malakas at sariwang hangin ng karagatan na nagbibigay sa buong katawan niya ng masarap na pakiramdam habang nakatayo sa nguso ng barko. Pakiramdam niya siya si Rose ng Titanic ng mga oras na iyon. Isama pa ang pinaghalong kulay asul at berdeng tubig na nasisinagan ng haring araw. "Grabe ang ganda dito!" manghang sabi niya nang marating niya ang top deck. Hindi iyon ang unang beses na nakasakay na siya ng barko dahil noong nagpunta silang Puerto Galera ay nagbarko sila papuntang Oriental, Mindoro. Pero ito ang kauna-unahang cruise ship na nasakyan niya sa buong buhay niya kaya hindi niya maiwasang mamangha sa lahat ng nakikita niya. The Cunard flagship is one of the finest, luxury ocean liners in the cruise industry. Cunard's flagship, Queen Mary 2, is known the world over for its accommodations, amenities and trips. Hindi nga niya akalain na mayroon itong labing-apat na palapag. Bukod sa may sarili itong pool ay mayroon din itong game rooms, ballrooms, numerous theatres and lounges, and other luxurious accommodations. Mabuti na lang din at hindi siya mahihiluhin kaya naeenjoy niya ng sobra ang kanilang paglalayag kahit na unang beses pa lang niyang sasakay ng cruise ship. The voyages include two European ports after departure from New York. The nine-night cruise from New York to Hamburg, Germany, stops at Southampton after six days at sea. From there it takes another full day and night to reach Hamburg. The 10-night version adds a stop at Le Havre between Southampton and Hamburg. Iba't ibang lahi ang sakay ng ship kaya hindi niya alam kung may makikilala ba siyang kababayan niya para hindi siya loner. "Sana nandito ka," aniya na malungkot niyang ikinatawa at ikinailing. "Baliw na yata ako. Bakit ko ba kasi siya iniisip? Tsk!" Napagpasyahan na lang niya na aliwin ang sarili kaya naman tinungo na niya ang game room ng barko. Mas magiging masaya sana siya kung kasama niya ang kaniyang ina. Sigurado siyang kahit saang sulok ng barko ay magpapakuha ito sa kaniya ng litrato. Bigla tuloy niya namiss ang kaniyang ina. Limang araw na kasi silang hindi nakakapag-video call dahil sa mahinang signal. Pero nangako naman siya na itetext o tatawagan niya ito sa oras na makarating siya ng Europe. Naputol lamang ang pamumuni-muni niya nang marinig niya ang ingay at hiyawan ng mga grupo na nagtatampisaw ngayon sa malaking swimming pool ng barko. Siguro isa iyon sa kailangan niya ngayon para makapag-relax naman siya kaya naman mabilis siyang bumalik sa kaniyang cabin upang magpalit ng damit. Subalit sa kaniyang paglalakad ay muli niyang naramdaman na parang may sumusunod sa kaniya ngunit sa tuwing lilingunin niya ang kaniyang paligid ay wala naman siyang nakikita. Iniisip na lang niya na baka napa-paranoid lang siya dahil wala siya masyadong nakakausap. Pagpasok niya sa kaniyang cabin ay hindi pa rin niya maiwasang mamangha dahil sa kakaibang disenyo nito. Ang cabin kasi na kinuha sa kaniya ng Uncle Julius niya ay isang Royal Caribbean style na may virtual view. The insides of the cabin equipped with 82-inch LED, HD, floor-to-ceiling screens that stream real-time views and sounds of the sea and ports. Everything but the ocean breeze, right into passengers' rooms. Pagpasok kasi sa loob ay bubungad agad sa kaniya ang ocean scenery dahil sa kulay asul ang kulay ng mga dingding. Ang cabin niya ay may isang pandalawahang tao na kama na may single sofa, vanity mirror, comfort room at may maliit na bintana na hugis bilog. And katulad sa mga hotel, mayroon din silng twenty-four hours room service. Mabilis na nagpalit siya ng sando na pinatungan niya ng hawaiian polo at broad short na tinernuhan niya lang ng slippers saka shades at dali-daling ng lumabas bitbit ang isa sa mga dala-dala niyang Boy's Love series book. Nang makarating siya sa pool area ay mabilis niyang iginala ang kaniyang mga mata sa mga long chair na naroroon upang magbilad muna sandali sa araw. Nang makakita at makaupo siya sa bakanteng upuan ay agad niyang tinawag ang isa sa mga crew ng barko na nag-ooffer ng mga libreng inumin sa mga guests upang humingi ng isang cucumber juice na isa sa mga paborito niyang inumin. Matapos uminom ay iginala muna niya sandali ang paningin sa paligid at sari-saring mga lahi ang nakita niyang nagtatampisaw sa pool. Ang iba sa kanila ay halos wala ng itago sa katawan lalo na ang mga kababaihan dahil sa mga bikining mga suot. Habang ang iba naman sa mga kalalakihan ay naglalakihan ang mga muscles sa katawan ngunit hindi iyon ang yipo niya sa lalaki. Ayaw niya kasi ng sobrang lako ng katawan na animoy papunta na sa katawan ng nga wrestler. Ang gusto niya ay iyong saktuhan lang. "HEY, HANDSOME! Wanna have some fun?" napatingala siya sa babaeng humarang ng liwanag na nagmumula sa sinag ng haring araw na siyang ilaw niya sa binabasa niyang Boy's Love series na pinamagatang, The Red Thread, na isinalin na sa salitang ingles. Thailander kasi ang original na nagsulat niyon. Mabuti na lang at may na-order siya online ng english version niyon. Hindi kasi siya nagsasawa na basahin iyon kahit na napanood na niya iyon sa youtube channel ng Wabi Sabi. Marami din kasing mga scene na wala sa youtube kaya mas okay pa rin sa kaniya ang book version. At masasabi niyang, kahit na ilang beses na niya iyon nabasa ay hindi pa rin nagbabago ang epekto niyon sa kaniya. Nandodoon pa rin iyon, kilig, sakit, gulat at tuwa. Halos lahat na yata ng emosyon na pwedeng maramdaman ng isang tao ay narororoon na. Napakaganda naman kasi talaga ng plot twist. Isa din kasi iyon sa mga wholesome story na nabasa niya. Ang iba kasi sa mga nabasa niya bukod sa magaganda rin ang plot ay halos may mga detailed and intensed bed scenes. "Hey!" agaw pansin muli ng babae sa kaniya. "Yes?" pormal na sambit niya. "I said, you wanna have some company?" pag-uulit nito habang inaakit siya. Bahagya siyang bumangon mula sa pagkakahiga sa long chair para makaupo siya ng maayos saka tinanggal ang kaniyang sun glasses. Tinitigan niya ang babae mula paa pataas sa mukha nito. Well, she got the looks and body. Pero hinding-hindi siya masisilaw kahit na ibalandra pa nito ang dibdib nito sa harap niya na alam naman niyang peke. Mas okay sana kung six pack abs ang bubungad sa kaniya baka sakaling tumulo pa ang laway niya dahil hindi nadadaya ang abs. Kung pwede nga lang niya ito itulak sa pool ay sana kanina pa niya ginawa dahil sa pang-iistorbo nito sa kaniya. Nagpigil lang siya dahil ayaw niyang mag-umpisa ng gulo. At saka kahit papaano ay babae pa rin ito at kailangan niyang igalang lalo na't ibang lahi ito. "I appreciate your offer, Miss, but I think there's someone who's really more interested in you than me," he said while pointing at the guy who's intently looking at them. Mabilis naman sinundan ng dalaga ang itinuro niya. "Ahm, I think you're right 'cause it looks like I'm not really your type," she said while staring at the book cover of the book he was reading. Hawak-hawak pa kasi niya ang libro ng ituro niya ang lalaki sa kabilang bahagi ng pool kaya siguro ito nadismaya sa kaniya. Narealize nito na lalaki talaga ang gusto niya. Natatawang napailing na lang siya dahil sa naging reaksyon nito. She should have seen her face. It was epic! Kulang na lang ay lumubog na lang ito sa harapan niya dahil sa kahihiyan. Kaya naman humiga na lang siya ulit para ipagpatuloy ang kaniyang pagbabasa. Tatapusin na muna niya ang chapter na binabasa niya bago siya magtampisaw sa pool. Maganda na rin pala na hindi niya kilala ang mga tao sa paligid dahil nagiging malaya siya. Na hindi niya kailangang magkunwari na isa siyang Pogay or Handsome gay sa salitang ingles. KINAGABIHAN, lumabas ng cabin si Perry para kumain ng hapunan. Ganoon kasi sa cruise ship na nasakyan niya, buffet style pero para sa kaniya, eat all you can basta dala niya lang ang meal stab. Kasama kasi iyon sa ibinigay package sa kaniya ng kaniyang tiyuhin. Aside from that, he will receive breakfast and lunch within the main restaurants. Daily afternoon tea including sandwiches, cakes and pastries. Drinks including tea, coffee, water and fruit juices. Masasarap at hindi nakakasawa ang mga pagkain at mga inumin dahil araw-araw ay iba-iba ang mga putahe. Nang mapuno na ang plato niya ay agad na siyang naghanap ng mauupuan. Buong akala niya ay wala na siyang mapupwestuhan pero nang mahagip ng mata niya ang dulong bahagi ay may bakanteng lamesa doon na pangdalawahang tao kaya naman bago pa siya maunahan ng iba ay dali-dali na siyang nagtungo roon. Ngunit sa kaniyang pagmamadali ay natisod siya sa sarili niyang mga paa dahilan para tumilapon lahat ng dala niya. At hindi lang iyon basta tumilapon kung saan dahil may lalaking sumalo ng lahat ng iyon, pero hindi ang mga kamay nito ang sumalo kundi ang katawan at ulo nito. Sakto kasi sa mukha nito ang platong hawak niya kung saan natapon naman ang ibang laman sa puti nitong pulo. Nanlaki ang mga mata ni Perry sa nangyari. "Oh, s**t! I'm sorry!" hinging paumanhin niya saka agad na kinuha ang table napkin sa bakanteng mesa na uupuan niya sana. Ipinunas niya iyon sa buhok at mukha nito. Nang matapos ay sinunod naman niya ang damit nito. Ngunit sa pagkataranta niya ay lalo lamang nagkalat sa damit nito ang mantsa. "Ops! S-sorr—" natigilan siya sa paghingi niya ng tawad nang hawakan nito ang kamay niyang may hawak na pamunas. His heart skipped a bit when he finally looks back at the handsome face of the man intently. It was as if the surroundings had stopped and he could see nothing but the man in front of him who seemed to have been dropped by the sky for him to admire. His almond eyes are like a black hole that at any time you will be taken to the other side of the world. His nose is pointed, his eyebrows are thick and even. He has a masculine jaw and strong chins, especially when he camouflages it with a beard. He's also taller than him because he's just up to his nose. And something caressed his heart as if electricity had awakened his whole being. Bumaba pa ang tingin niya rito papunta sa gitna ng mga hita nito upang silipin kung may ipagmamalaki ba ito o wala. Ngunit naisip din niya na huwag na lang, baka kasi bigla na lang siya nitong suntukin. Kaya naman ibinalik nalang niya ang tingin rito dahilan para mapalunok siya lalo na ng makita niya kung paano gumalaw ang adams apple nito. "Hey!" pukaw nito. He quickly pulled his hand from him when he finally recovered from fantasizing him, especailly when he heard his intimidating voice. Perry bowed. "I'm really sorry for my clumsiness, Sir. I didn't expected that—" "It's okay! You don't have to apologize because it's my fault too. I'm busy looking around while walking that's why I bumped into you." Pilit siyang ngumiti rito. "Ahm, don't worry, I can lend my shirt to you. Just wait here, I'll just go back to my cabin so that you can change your clothes." Akmang tatalikod na siya nang pigilan siya nito. "Wait!" anito saka niya muling hinarap. Halos malaglag ang panga niya ng biglang mag-slowmo ang paligid habang tinatanggal nito ang suot na hawaiian polo. Para itong model sa isang komersyal. At sa bawat pagbukas nito ng botones ay sinusundan niya ng tingin at paglunok. At sa hindi inaasahang pangyayari ay natanaw nga niya ang kanina pa niya nais na makita. Dahil doon ay napakagat labi siya lalo na ng makita rin niya naghuhumiyak nitong walong pandesal sa tiyan. Tila inihulma ng pinakamagaling ng skultor sa buong mundo. Isama na rin ang biceps at triceps nito na tama lang sa kaniyang tipo. "Hey! You forgot my shirt!" sambit nito. Natauhan na lang siya ng bigla nitong hinagis sa mukha niya ang damit nito na agad naman niyang nasalo. "Make sure to get rid of the stain before you give it back!" "I will!" "And one more thing! You owe me, so come back here immediately," anito kaya agad siyang bumalik ng kaniyang cabin. Pagkasara na pagkasara niya ng pinto ng kaniyang kwarto ay wala sa sariling inamoy niya ang damit nito na siyang nanuot sa kaniyang ilong. Amoy na amoy niya ang pinaghalong pabango at natural na amoy nito. Hindi niya tuloy alam ang gagawin kung ibabalik pa ba niya iyon o hindi na. O kung babalikan pa ba niya ang lalaki o hindi na. Ngunit nang maalala niya ang sinabi nitong hihintayin ang pagbabalik niya ay agad siyang kumuha ng pamalit nitong damit habang iniwan na muna niya sa single sofa chair ang namantsahan nitong damit. Baka mamaya masisi pa siya kapag pinulmunya ito. Pero naisip niya, ano kaya ang hihilingin nitong kapalit sa nagawa niya? Pagbabayarin ba siya nito? Ipapatapon sa dagat para ipakain sa mga pating?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD