NANG tuluyang mawala sa paningin niya si Harrison ay agad na nilapitan at pinulot ni Perry ang mga itinapon nitong key chain nilang dalawa. Nanginginig ang mga kamay na pinagmasdan niya ang dalawang bagay na iyon. Ang kaninang pag-iyak niya ay napalitan na ng hagulgol. Hindi niya akalain na hindi pa rin pala nito itinapon ang key chain na nahulog niya sa hotel.
Niyakap niya iyon at mahigpit na niyakap. "Harrison!" hinagpis niya kasabay ang malakas na buhos ng ulan. Ramdam niyang basang-basa na siya pero wala siyang pakialam.
"S-sorry! I'm so s-sorry!" habol pa niya sa nanghihina ng boses.
Ang matagal na niyang kinakatakot ay dumating na. Ang matagal nilang pinagsamahan ay natapos sa isang iglap lamang. Sobrang sakit niyon sa kaniyang puso na para bang gusto na niyang hugutin iyon palabas ng ribcage niya. Kung maibabalik lang sana niya ang araw na nasa bar sila ni Harrison ay hindi na sana niya itinuloy ang balak niyang iyon.
Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatili roon hanggang sa namalayan na lang niya na nasa loob na siya ng kaniyang kwarto. Mabuti na lamang at tulog na ang kaniyang ina dahil kung hindi, malamang wala siyang ibang maidadahilan dito sa itsura niya. Mukha kasi siyang basang sisiw at siguradong itatakwil siya ng kaniyang ina sa oras na malaman nito ang totoong dahilan. Hindi lang ang relayom nila ni Harrison ang masisira kundi pati ang pagiging malapit ng pamilya nila sa kanilang mag-ina.
Bahagya pa niyang sinilip ang katapat na kwarto ni Harrison sa kaniyang bintana ngunit hindi niya ito nakita, nakasarang bintana at kurtina lang ang tanging nakikita niya. Na kahit ang mga ilaw sa loob ay nakapatay din.
Napasabunot siya sa kaniyang buhok. Gusto niyang saktan ang sarili dahil sa mga pinaggagagawa niya. Sising-sisi siya. Sana ay nakuntento na lang siya sa kung ano lang ang mayroon sila, na sana ay hindi na siya masyadong naghangad pa.
SAMANTALANG gulong-gulo rin ang isip ni Harrison. Halo-halo ang nararamdaman niyang galit, poot at panghihinayang sa tagal ng pagkakaibigan nila ni Perry. Dahil sa pagkataranta niya nang magising siya sa Inn na pinagdalhan sa kaniya ni Perry ay hindi na niya nagawang magtanong sa mga nakakasalubong niya o sa receptionist kung sino ba ang nagdala sa kaniya roon dahil dali-dali siyang umalis ng Inn ng nakayuko.
Gusto niyang magsumbong sa mga pulis pero hindi niya magawa, hindi sa naaawa siya kay Perry, kundi nahihiya siya para sa kaniyang sarili. Ayaw niyang pag-usapan siya ng mga tao. Ayaw niyang husgahan at masira ang reputasyon niya lalo na ang kaniyang pamilya.
"Argh! You ruined my life!" hiyaw niya saka pinagsususntok ang pader ng kaniyang banyo. Kasalukuyan kasi siyang nagsha-shower. Pakiramdam kasi niya naroroon pa rin ang mga bakas ni Perry, na ang dumi-dumi niya.
Tila manhid na siya dahil wala na siyang naramdamang sakit kahit na alam niyang dumudugo na ang kaniyang kamao. Sariwa pa rin kasi sa kaniyang alaala ang ginawa nito kahit na wala siyang matandaan. Pakiramdam niya kanina lang nangyari ang lahat. Hindi niya nakikita ang sarili na magiging intimate siya rito. Sa tuwing naiisip niya iyon ay talagang kinikilabutan siya.
Para pa siyang tanga kakaisip at kakahanap sa social media ng mga posibleng si Selena na hindi naman pala nag-eexist? Kaya pala kahit ang dami na niyang nakitang litrato ng mga nagngangalang Selena ay wala man lang sa mga iyon ang naaalala niyang nameet niya kuno sa bar.
At isa pa sa ikinagagalit niya ay ang pang-aagaw nito kay Megan at ang pagsisisnungaling nito sa kaniya. Iyon pa naman ang pinakaayaw siya sa lahat. Kahit naman sino masasaktan kapag iyong kaibigan mo o iyong taong itinuring mong parang tunay na kapatid ay niloko ka't ginawan ng hindi maganda. Hindi lang ang pagkakaibigan nila ang sinira nito, kundi pati na ang mga binuo nilang mga pangarap.
He hated liars so much! And of course, he dislike people who take advantage of him.
"PERRY, anak?" Perry back to his senses when he felt his mother's hand on his shoulder.
Magkatabi kasi silang kumakain ng almusal ngayon.
"Hmm?" tanging nasambit niya.
"May problema ka ba, anak? Kanina ka pa tulala diyan at wala pa ring bawas ang pagkain mo. At saka bakit ka ba nakayuko? Iyang buhok mo, nakatabing pa sa mata mo. Hindi ka ba naaalibadbaran?" puna nito saka itinaas ang kaniyang mukha mula sa kaniyang baba.
Nanlaki ang mga mata dito. "Ano'ng nangyari sa mukha mo? Bakit may pasa ka?"
Iniiwas niya ang kaniyang mukha mula sa pagkakahawak ng kaniyang ina. "Napaaway lang po sa bar kagabi."
"Iyan na nga ba ang sinasabi ko, e!"
Umalis sandali ang kaniyang ina at sa pagbalik nito ay bitbit na nito ang cold compress.
"Patingin nga?!" anito saka hinawakan ang kanyang panga saka sinimulang dampian ang namamaga niyang mukha.
"Aray, 'Ma, masakit!" angil niya ng idampi nito ang cold compress sa kaniyang pasa na nasa gilid ng kaniyang putok na labi.
"Talagang masasaktan ka sa akin kapag hindi ka umayos diyan!" Napatuwid naman siya ng upo.
"Ano ba kasing ginawa ninyo at napaaway kayo, ha?"
Hindi siya nakaimik. Hindi niya alam kong dapat na rin ba niyang ipagtapat sa ina ang tungkol sa kasarian niya.
His mother faces him and rubbed his shoulder. "Perry, I'm your mother, if you have any problems, you can tell me everything."
He heaved a deep sigh. Tumingin siya sa kaniyang ina na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sa kaniyang sagot.
"Wala ito, Ma. Malayo naman ito sa bituka."
"Anong malayo sa bituka? Ni lamok nga at langaw hindi ko pinalalapit sayo, tapos ipapabugbog mo lang?"
Niyakap naman niya ito sa baywang nito habang nakaupo pa rin siya sa dinning chair nila.
"Ma! Huwag ka na masyadong mag-alala sa akin. Promise ko sa 'yo na hindi na ulit ako pupunta ng bar."
"Sinabi mo 'yan, ha? Baka mamaya sa kabaong na kita sunod na makita."
"Ma, naman!" angil niya.
"E, si Harrison? Kumusta naman siya? Kasama niyo rin siya kagabi, hindi ba? Napaaway rin ba siya? Naku! Kayo talagang mga bata kayo kung kailan kayo tumatanda, e, nagiging malalapitin kayo sa gulo!"
'Hindi siya okay, Ma, dahil sa akin.'
Mga salitang gusto niyang sabihin sa ina ngunit hindi pa siya handa. Kakatapos lang nito umiyak dahil sa muling pagpapakita ng kaniyang ama rito kaya ayaw niyang umiyak naman ito ng dahil sa kaniya.
"Hoy! Tulala ka na diyan?"
"O-okay naman siya, Ma. Umawat lang talaga ako sa away kagabi kaya hindi sinasadiyang ako ang tamaan," pagsisinungaling niya na sana ay hindi pa siya kunin ni Lord.
"Ano ba kasing dahilan at napasama kayo sa away, ha?"
Naging malikot ang mga mata niya. "A-ano kasi, Ma, m-may babae kasing muntik ng mabastos kagabi sa bar kaya tinulungan namin."
'Sorry, 'Ma, if I lied again. Sorry if I can't tell it to you right now that that person I'm talking about is Harrison, my best friend.' Perry said to himself.
"Naku! Babae na naman pala. Pero teka, anak. Kailan mo ba balak mag-girlfriend, ha?" Bente-dos ka na pero wala ka pa rin pinapakilala sa akin?"
Patago siyang napangiwi. "W-wala pa kasi sa isip ko 'yan, 'Ma. Gusto ko, ikaw muna bago ang iba."
Naantig naman ang puso ng kaniyang ina sa sinabi niyang iyon kaya naman napayakap ito sa kaniyang ng mahigpit. "Ang sweet naman ng anak ko. Sigurado akong maswerte ang babaeng mapapangasawa mo."
'Ma, lalaki po. Lalaki! Hindi babae!' sigaw niya sa isip niya.
"S-siguro po!" tanging sambit niya.
"Ay oo nga pala, anak. May pinadala ang Uncle Julius mo galing America." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kaniya saka may kinuhang sobre sa ibabaw ng estante.
"Heto! Graduation gift niya raw sa'yo," anito pagkaabot ng sobre sa kaniya.
"Talaga po?" Tumango naman ito saka binuksan ang sobre at inilabas ang laman niyon.
Si Uncle Julius niya kasi ay adopted brother ng kaniyang ina. Hindi na kasi pwedeng mag-anak ulit ang Lola niya noon dahil sa hirap ito manganak. At dahil sa kagustuhan na magkaroon ng lalaking pang anak ng kaniyang Lolo ay naisipan ng mga ito na mag-ampon. Halos magka-edad lang ang magkapatid at naging close sa isa't isa na animoy tunay na magkapatid. At ang Uncle Julius din niya ang naging katuwang ng kaniyang ina sa pagpapaaral sa kaniya.
Noong seventeen years old kasi ito ay nakapasa ito ng scholarship sa Harvard University kaya naman hindi na niya ito nakita mula nang ipanganak siya. Nakikita lang niya ito sa mga lumang litrato nito noong kabataan nito na kasama ang kaniyang ina. Kahit ang kaniyang ina ay hindi na alam ang mukha ng kaniyang kapatid ngayon. Hindi kasi ito mahilig mag-picture kaya kahit sa mga profile picture nito sa socmed ay ibang litrato ang ginagamit. Hindi rin nila magawang makipag-video call rito dahil sa pagiging abala raw nito sa trabaho.
"Trip to Europe?" takang sambit niya nang makita niyang Cunard Cruise Ship ticket ang laman niyon.
"Oo, anak! Gusto kasi ng Uncle mo na makapagliwaliw ka naman bago ka maghanap ng mapapasukan mong trabaho."
He smiled. His mother was right. He really needs an attraction to mend somehow his broken heart.
"Iba talaga si uncle. Siguro isa na siyang successdul businessman sa America. O kaya nakapag-asawa na iyon ng mayaman doon kaya afford na niya ang mga ganitong mga bagay," manghang sabi niya.
"Ewan ko ba diyan sa uncle mo, masyadong masekreto."
Ngunit bahagya siyang nalungkot sa napagtanto. "Paano kayo, Ma? Bakit isa lang ito? Hindi po ba kayo sasama sa akin?"
"Bibilhan din sana ako ng ticket ng uncle mo kaya lang naisip ko na wala kasing maiiwan dito sa bahay at sa shop natin kaya isa lang ang pina-book ng uncle mo. At saka isa pa, dalawang wedding event ang magaganap sa araw na iyan na um-order sa akin ng mga bulaklak kaya sayang din ang kita ko sa shop."
Napanguso siya. "Sayang naman! Paano ko magagawang magsaya doon kung hindi ka kasama?"
"Ayos lang, anak. Marami pa namang pagkakataon na makapag-travel tayong dalawa. Basta huwag mo lang ako kalimutang bilhan ng pasalubong, ha?"
"Si Mama talaga!" naiiling na sabi niya.
"Just sail away, experience comfort on board, and have a nice tour in Europe, okay?" anito habang hinihimas siya sa kaniyang mga balikat.
MAKALIPAS ang dalawang Linggo ay dumating na nga ang araw ng kanilang Graduation Day. Dalawang linggo na rin ang lumipas mula nang huli silang magkita at magkausap ni Harrison.
And because of that, they're still not in good terms, but they manage to be civil in front of their batchmates and family.
But sometimes, awkward moments are really unavoidable, especially when Harrison's Dad asked them about the company they wanted both to enter.
"Kumusta pala iyong in-applyan ninyong kompaniya? May balita na ba roon?" tanong ng ama ni Harrison sa kanilang dalawa.
Kasalukuyan kasi silang nanananghalian sa bahay nina Harrison kung saan nagsalo-salo sila bilang pagdiriwang ng kanilang pagtatapos sa kolehiyo. Pareho kasi silang natanggap sa EEE Inc.
Ngunit nanatiling tahimik ang dalawa. Bahagya rin tinapunan ng tingin ni Perry ang kaibigan ngunit nakatuon lang ang atensiyon nito sa kinakain nito.
"Naisip ko, Dad, na sa ibang kompaniya na lang magtrabaho dahil may nakita akong kompaniya na mas malaki magpasahod kaysa sa EEE Inc."
"Ganoon ba? Saan naman iyon?" segunda naman ng ina nito.
"Sa Thailand po, Ma," mabilis na sagot nito.
Napayuko si Perry sa narinig. Tila bumalik iyong sakit na naramdaman niya nang matuklasan nito ang tunay niyang pagkatao. Hindi na talaga siya nito mapapatawad. Handa itong lumayo huwag lang siya makita't makasama.
Maybe, he's the one who should look for another job online that qualifies his degree, far from Harrison. He also wants to forget and just move on even if it's really hard for him.
Maigi nang siya na lang ang lalayo dahil alam niyang pangarap nitong makapasok sa EEE. Handa siyang magsakripisyo huwag lang ang pangarap nito.
And what Harrison says surprises their family. They both know that their family knew that there's something wrong between them, but they remained silent.
"Ganoon ba?" Nabaling naman ang tingin ng ina nito sa kaniya. "Ikaw Perry? Kumusta ka naman? Balita ko napaaway kayo sa bar noong nakaraang gabi dahil sa babae?"
Nabato si Perry sa kaniyang kinauupuan sa narinig na iyon mula sa ina nito. Iyon na nga ba ang sinasabi niya. Nakwento na ng kaniyang ina ang tungkol sa nangyari sa kanila.
Nagulat na lang sila nang tumayo at bigla na lang ibinagsak ni Harrison ang mga kobyertos sa kaniyang plato.
"Tapos na po ako. Aakyat lang po ako sa taas," anito saka dali-daling umalis sa hapag.
Nagkatinginan naman ang mga kasama niya sa lamesa. "Ano nangyari sa anak mo?" tanong ng ama ni Harrison sa asawa na ikinakabit balikat lang nito.
Hinawakan naman ng kaniyang ina ang kamay niya. "Puntahan mo nga, anak. Baka may problema ang kaibigan mo."
Nagdalawang isip pa siya kung susundin ba niya ang sinabing iyon ng kaniyang ina o hindi. Pero nang balingan niya ang magulang ni Harrison ay nasa mukha ng mga ito ang pagsang-ayon.
"Sige po. Excuse lang po," paalam niya saka pinuntahan ang kaibigan.
Magandang pagkakataon na rin kasi iyon para makausap niya si Harrison tungkol sa pag-give up nito sa EEE Inc.
"DUDE, p-pwede ba tayong mag-usap?" bungad niya ng maabutan niya ito sa terrace.
Galit itong tumingin sa kaniya. "Ano 'yong sinabi ni Mama kanina, ha? Napakasinungaling mo talaga! Paano mo nagagawang matulog ng mahimbing sa gabi habang ako, gabi-gabing dinadalaw ng kababuyang ginawa mo sa akin, huh?!"
"Iyon ang akala mo! Gabi-gabi kong pinagsisisihan ang ginawa kong iyon sa iyo. Kung maibabalik ko nga lang ang oras ay ibibalik ko na, e! Alam kong mali ako kaya nga gabi-gabi ko iyong inihihingi ng tawad sa Diyos!"
Natahimik ito kaya nagpatuloy siya.
"Bakit hindi ka magsumbong sa mga pulis para makaganti ka?" isa rin iyon sa ipinagtataka niya.
Bakit hanggang ngayon ay malaya pa rin siya? Bakit hindi siya nito isinumbong sa mga pulis?
"Hindi mo ako katulad!"
"Handa naman akong pagbayaran lahat ng iyon sa kulungan, e!"
"Sa tingin mo kapag ginawa ko iyon hindi maaapektuhan ang pamilya natin, huh? Nanatili akong tahimik para sa ikabubuti at ikatatahimik ng pamilya natin!"
Nangilid ang mga luha niya sa sinabi nitong iyon. Kunsabagay ay may punto ito. Siguradong pag-uusapan sila ng mga tao. At ayaw din naman niyang iwan ang kaniyang ina ng mag-isa kung makukulong siya. Gusto niyang yakapin ang kaibigan dahil kahit papaano ay iniisip nito ang kapakanan ng kaniyang ina.
"I'm really sorry," umiiyak na sabi niya rito.
"Huwag kang humingi ng tawad sa akin dahil kahit kailan, hinding-hindi kita mapapatawad.
"A-alam ko naman, e. Pero hindi ako magsasawang hingiin iyon sa 'yo. At sana huwag mong bitawan ang EEE. Ako na lang ang lalayo. Hindi ba't iyon naman ang gusto mo?"
"Mabuti naman at nakaramdam ka. Ito na sana ang huli nating pagkikita't pag-uusap," anito saka siya nito tinalikuran.
Naluluhang inihatid niya ito ng tingin. Umaasa na lilingunin din siya nito. Pero bigo siya.