"AND FOR the Finanacial Statement of the company, as you can see we just put a letter, saying that the company's Financial Statement is confidential," ulat ni Perry nang nasa huling bahagi na sila ng kanilang defense.
Tumango tango naman ang mga panelist. "Okay! We'll respect that. And I would like to greet the both of you, in advance, of course for your upcoming graduation. Congratulations and good luck to your journey outside the university. I hope you can apply everything you have learned from us to your desired job," huling mensahe ng kanilang Dean saka sila idinismiss na dalawa.
Pagkatapos nilang ayusin ang kanilang mga gamit ay agad silang lumabas ng room dahil sa susunod na magdedefense.
"Tara na kay Mrs. Adaoag! Baka nandoon na iyon ngayon sa room niya," pag-aya ni Perry kay Harrison.
"Sige, tara! Siya na lang ang hindi pa pumipirma sa afternoon clasa natin, 'no?"
Tumango naman si Perry saka nila dali-dali nilang tinungo ang kabilang building. Guro kasi nila iyon Human Resources subject nila kaya naman dali-dali nilang tinungo ang silid nito.
Matapos nilang magpapirma ay deretso uwi na sila. Naglalakad na sila pauwi ng mapag-usapan nila ang tungkol sa paghahanap nila ng trabaho.
"Tuloy ba tayo Lunes?" tanong ni Perry kay Harrison.
"Oo naman!"
"Hindi ba muna natin tatapusin ang graduation day bago mag-apply sa EEE Inc.?" segunda niya.
"Mas mabuti nang maaga tayo doon kaysa naman maunahan pa tayo ng iba."
"Gustong-gusto mo talagang magtrabaho sa EEE Inc., ha?"
"Syempre naman! Bukod kasi sa maganda ang pasahod at mga benepisyo ay mabilis lang daw ang promotion doon."
"Talaga ba?"
"Oo! Napakalaki kasing kompaniya iyon at marami ng branch sa iba't ibang bansa kaya ganoon sila kabilis magpromote. Isama mo na rin na kahit mapunta ka sa ibang bansa ay sagot nila lahat ng gastusin mula sa bahay, tubig at kuryente. Kapag ganoon, mabilis tayong makakaipon," paliwanag ni Harrison.
Nangningning naman ang mga mata niya sa narinig. "Paano mo naman nalaman ang tungkol sa company na 'yan?"
"Sa internent."
"Ano bang klaseng kompaniya iyon?"
"Entertainment company iyon. Wala pa nga lang dito sa Pilipinas pero mayroon halos buong Asya."
"Mukhang maganda nga 'yan. Siguradomg makakaipon tayo kaagad para sa itatayo nating negosyo balang-araw," aniya na tinangu-tanguan naman ni Harrison.
Napag-usapan na kasi nila ang tungkol doon. Na magiging magkasosyo sila pagdating ng araw bukod sa palalakihan pa niya ang flower shop ng kaniyang ina.
"Kaya dapat galingan natin sa interview."
"Paano kung isa lang sa atin ang matanggap o kaya wala man lang isa sa atin ang pumasa?"
Tinabig naman ni Harrison ang kanang balikat niya gamit ang kaliwang balikat nito. "Napaka-nega mo naman! Think positive, Dude!"
Napailing na lang siya saka ito sinang-ayunan.
KINAGABIHAN ng LUNES ay nagpagpasyahan nina Perry at Harrison na i-celebrate ang pagkakatanggap nila sa EEE Inc. bilang mga HR Associates. Inaya na rin nila ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Tonnie at Faye para mas masaya.
Ngunit si Perry ay hindi mapakali dahil ginugulo na naman siya ni Megan. Akmang papatayin na niya ang kaniyang cellphone nang mabasa niya ang huling text message nito.
'I saw one of your friends My Day, and I'm here outside the bar. At kapag hindi ka pa lumabas diyan, manggugulo ako! Pagod na pagod na ako sa pag-iignora mo sa akin sa hindi ko malaman na dahilan. Sawa na rin akong magtago ng relationship natin. Huwag mong hintayin na ipagsigawan ko diyan sa loob ang tungkol sa atin lalo na kay Harrison.'
Naikumo niya ang kaniyang mga kamay nang mabasa niya iyon kaya naman nagpasya na siyang makipagkita rito.
"Oh, saan ang punta mo, Dude?" tanong sa kaniya ni Harrison nang magpaalam siya sa mga kaibigan niya.
"Diyan lang sa labas, magpapahangin. Medyo nasusuffocate kasi ako sa halo-halong usok," pagdadahilan niya.
Naghalo-halo na kasi ang iba't ibang flavor ng vape juice sa bar na siyang tanging pinapayagan lamang sa loob. Hindi kasi pupwede ang yosi. Minsan kasi masakit na talaga sa ilong, idagdag pa ang amoy ng pinaghalo-halong alak.
"Maniwala ka diyan! May nakita lang na chiks iyan kaya aalis," segunda naman ni Tonnie.
"Oo nga! Bago iyon, ah? Mukhang naging interesado ka ngayon sa mga chiks, ha?" si Faye.
Natawa na lang siya sa mga pinagsasasabi ng mga ito. Kung alam lang ng mga ito ang tunay na kulay ng kaniyang dugo ay siguradong masusuka ang mga ito sa kaniya. May mga tao kasi talaga na ayaw sa mga uri nila. Na animoy para silang may mga nakakahawang sakit.
Hindi nga niya maintindihan kung bakit ganoon sa lipunan nila. Ang tingin sa kanila mga salot. Na hindi naman sila nanganganak pero bakit dumarami sila. Wala naman silang tinatapakan na mga tao kaya para sa kaniya, life is so unfair.
"WHAT are you doing here?" tanong ni Perry nang makalabas siya ng bar.
"I should be the one a-asking you that!" sagot ni Megan.
Halata sa garalgal nitong boses na may dinaramdam itong sakit. Wala itong kahit na anong make-up kaya kita niya ang bilog na itim na nakabalibot sa mga mata nito.
"We're just here to unwind."
"Unwind? Really?! You're here all day while I'm lying on the bed, suffering from fever?! Hindi mo man lang ako nagawang kamustahin o bisitahin? How could you?!"
He didn't answer.
"You're not even answering any of my texts and calls!" she added.
's**t! Kahit kailan talaga napakaingay ng babaeng, 'to!"
"Could you please lower down your voice? You're making a scene, nakakahiya," bulong niya rito.
Marami kasi sa mga dumadaan ang napapalingon sa gawi nila kaya sa inis niya ay hinila niya ito sa bandang parking lot para hindi na sila makaagaw pa ng atensyon.
Kung alam lang siguro ni Harrison ang side na ito ni Megan ay siguradong matu-turn off ito. Masyadong nasilaw ang kaibigan niya sa panlabas nitong aniyo. Kahit papaano ay nagpapasalamat siya dahil nailayo niya ang kaibigan sa eskandalosang babae ito. Knowing Harrison, mukhang magiging under lang siya ng babaeng ito.
"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan ako!" reklamo nito.
Nanggigil na kasi siya rito. Parang gusto na niya itong kalbuhin. "Talagang masasaktan ka sa akin kapag hindi ka pa tumagil sa kakasigaw mo diyan!"
Napailing-iling itong tumitig sa kaniya, hindi makapaniwala sa ikinilos at sa sinabi niyang iyon.
"B-bakit kung makapagsalita ka parang hindi mo ako girlfriend? Kung tratuhin mo ako parang kung sino lang akong babae, ah?! Sabihin mo lang kung ayaw mo na sa akin!" dagdag pa nito.
"Oo!" mabilis na sagot niya na kinabigla ng dalaga.
Maybe this is the right time to break up with her. To stop his pretension.
Nanubig ang mga mata nito. Ang kaninang galit sa mukha nito ay napalitan ng sakit at pagmamakaawa.
Muli itong napailing. "N-no. You didn't mean it right, babe?"
Akmang hahawakan siya nito nang umatras siya.
"I mean it, Megan," mariing sabi niya.
"Hindi! Ayoko ko!" maktol nito.
"Nakapagdesisyon na ako kaya sa ayaw at sa gusto mo, tapos na tayo!" pinal na sabi niya.
He was about to turn his back to her when she blocked his way.
"B-bakit napakadali para sa 'yo na sabihin iyan, huh? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo lang nang maitama ko!" desperadang sabi pa nito.
Naikuyom niya ang kaniyang mga kamay. She's getting into his nerve. Kaunti na lang ay sasabog na siya. Hindi niya akalain na mahirap pala talagang makipagrelasyon sa mga babaeng matitigas ang ulo.
"Wala!"
"Then why?!"
Hinampas siya nito sa dibdib niya ng wala itong nakuhang sagot mula sa kaniya. Nagtimtimpi lamang siya. Hanggat maaari ayaw niyang sabihin dito ang tunay na dahilan kung bakit niya ito hinihiwalayan ngayon dahil sigurado siyang makakarating iyon kay Harrison.
"Umuwi ka na!" sa halip na sabi niya saka padabog na inalis ang pagkakahawak nito sa braso niya at nilagpasan.
"No! I love you, Perry!" hirit pa nito at ang sunod na ginawa nito ang tuluyang umubos ng pagtitimpi niya.
"f**k! Why did you kiss me!" hiyaw niya na kinagulat muli ng dalaga lalo na ng itinulak niya ito palayo sa kaniya. Tinignan niya ito na para bang may nakakadiri itong sakit. Bahagya pa niyang pinunasan ang labi niya gamit ang likod ng kamay niya.
How dare she, stealing a kiss from him? His first kiss? Hindi pa nga niya napapalasap kay Harrison ang mga labi niya tapos aagawin lang nito iyon ng ganoon lang?
"W-why do I feel like you're a gay?" tanong nito na puno ng pagtataka ang mukha.
Hindi ulit siya nakasagot.
"Bakit hindi ka makasagot? Mahirap bang sagutin ang tanong ko? Siguro totoo kaya—"
"Yes! I'm gay! Happy?!" mabilis na pag-amin niya.
Gulat na napaatras ito habang umiiling-iling, hindi makapaniwala sa narinig.
"K-kaya pala ni minsan ay hindi ko naramdaman na may s****l desire ka sa akin. You always distant yourself every time I tried to be clingy and seduce you."
"Now that you already know the truth, siguro naman titigilan mo na a—"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang malakas na lumapat ang palad nito sa pisngi niya.
"Walanghiya ka! Manloloko ka! Manggagamit—"
"Yes! I just use you to take you away from Harrison!" There, he said it that made her shock in surprise for second time around.
Shit!
She stiffened with his revelation, again.
"D-don't tell me, y-you're in love with your b-best friend?" utal na tanong nito.
"Yes!" mabilis na sagot niya. Mukha kasing hindi siya titigilan nito hangga't hindi nakukuha ang sagot niya kaya wala na siyang nagawa kundi ang umamin na.
Siya na lang ang bahalang kumausap kay Harrison once na nagsumbong si Megan. Sigurado naman siyang mas paniniwalaan siya nito sa kasinungalingang iimbentuhin niya.
"I hate you!" hiyaw nito saka dali-daling tumakbo paalis habang hilam ng luha ang mga mata nito.
Napabuntong hininga siya nang sa wakas ay malaya na siya ulit. Bahagya pa niyang hinilot ang panga niyang tinamaan nito nang sampalin siya. Akmang babalik na siya sa loob ng bar nang manigas siya sa kinatatayuan niya.
"H-Harrison?" gulat na sambit niya nang makita niya itong nakatingin sa kaniya ng masama habang nakakuyom ang mga kamay.
"K-kanina ka pa ba diyan?"
May narinig kaya ito? s**t! Hindi maaari! Sa itsura niyang iyon ay siguradong narinig nito ang lahat.
Natatarantang lumapit siya dito. "L-let me explai—"
Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang salubungin siya nito ng kamao nito. Sinuntok siya nito kung saan siya sinampal ni Megan. Tila nabingi siya at nakaramdam ng kaunting pagkahilo kaya napaupo siya. May nalasahan din siyang kalawang sa gilid ng labi niya.
"f**k you!"
"D-dude—"
"Shut the f**k up!"
Hinila nito ang kwelyo niya. "Tell me, are you the one who brings me to the hotel? The one who put some red marks all over my body?!"
Kita niya kung paano magsilabasan ang mga ugat sa leeg nito at mga kamay nitong gigil na nakahawak sa kwelyo niya. Tila nag-anyong leon ito na anumang oras ay kakainin siya ng buo dahil sa galit. Napapikit siya sa sobrang takot.
"Answer me!" hiyaw nito dahilan para tumango siya kahit na nanginginig.
"I'm s-sorry!" tanging nasambit niya ng tuluyan siya nitong bitiwan.
"A-akala ko kaibigan kita? P-paano mo nagawang—" hindi na nito itinuloy ang sasabihin at napailing. Alam niya, ramdam niya, na ito mismo ay nandidiri sa sarili nito.
"P-patawad! P-patawarin mo ako! L-lasing lang ako ng gabing iyon," giit pa niya.
Tangkang lalapit ulit siya rito nang muli itong umatras. "I hate you, Perry! I hate you and despise you so much!"
Dinuro siya nito."You know what? I'm not the only one you got hurt, but also the woman I like! I couldn't believe that my own best friend, the one who I treated like my own brother is also the person who molested me!"
"Sorry! P-pinapangako ko na hindi na iyon mauulit pa."
"No! What you did is unforgivable! I don't want to see your face anymore!" sunud-sunod na hinanakit nito sa kaniya.
He was about to turn his back when he stops him by grabbing his one leg. Medyo hilo pa kasi siya kaya hindi niya magawang tumayo.
"No, Harrison! P-please forgive me! Nagawa ko lang namang agawin si Megan sa 'yo dahil ayaw kong mapunta ka sa iba. Gusto ko akin ka lang! Gusto ko ako lang ang kasama mo hanggang sa pagtanda natin!" luhaang pagmamakaawa niya. Hindi niya kakayanin na mawala ito sa kaniya.
"Well, you're selfish then! Paano mo nagagawang manakit ng tao makuha lang ang gusto mo? Hindi ka naman dating ganiyan, ah?"
Alam niyang darating ang araw na malalaman nito ang totoo, na kamumunghian siya nito, ngunit hindi niya akalain na ganoon kabilis mangyayari ang lahat.
Ngunit wala na siyang narinig na kahit ano mula rito. Tuluyan siyang napabitaw dito nang makita niya kung paano nito itinapon sa harapan niya ang key chain nila na isa lang ang ibig sabihin, na kung kailan tapos na ang lahat sa kanila ni Megan ay tapos na rin ang pagkakaibigan nila ng taong mahal niya.